PROLOGUE√

10 0 0
                                    


Tahimik at madilim ang paligid. Puno ng sukal, damo at hindi magandang amoy ng hangin ang malalanghap sa parteng iyon ng lugar. May nag-iisang poste ang nakatayo at nagbibigay liwanag kasama ng ilaw ng sasakyan na nakahinto sa kawalan.

Kung pagmamasdan mo ang lugar ay  aakyat sa'yo ang kaba at takot na maari na kayong maligaw at hindi makalabas ng buhay, ngunit sa dalawang magkaibigan na gusto ng shortcut na daan, balewala ito.

Balewala ang panganib na naghihintay

Pumipito'ng tumingin-tingin si Reab sa paligid at pinagmasdan ang nasa harapan na babae. Matatalim ang ibinibigay nitong paningin na kahit sino ay masisindak.

Huh. That look wasn't trigger me

Taas ang noo na pinagmasdan ng babaeng nakaupo sa kalsada habang nakasandal sa harapan ng kotse ang kabuuan ni Reab. Nanatiling nakatayo si Reab at hinayaan na pagtawanan sya ng babae. Namamangha pa itong napasulyap sa kawalan at walang pakialam sa pagiging mayabang, astig, seryoso ni Reab.

'Tsk.. Naiirita ako sa presensya nya'. Giit nito sa isipan.

Naningkit ang mga mata na humakbang pa si Reab at dahilan iyon upang mapaurong ang babaeng nasa harapan nya. Simple lang ang pormahan nito ngunit sapat na upang makasindak ang kanyang dating.

Walang salitaang tinapunan ni Reab ng seryosong paningin ang babae. Kahit sa gaanong paraan pa man ay hindi maitatago ang kagandahan ni Reab. Nakalugay ang buhok na hanggang balikat, walang make-up, nakasuot ng sando na itim na may doble'ng denim jacket, at naka-pantalon na itim na maong at nakasuot ng itim na sapatos.

Kung pagmamasdan mo ang kabuuan nito, iisipin mo'ng lalaki sya base sa pananamit at kilos. Agaw pansin rin ang itim na rose tattoo sa kanang balikat nya.

Napapalunok na napaatras na naman ang babae nang dahan-dahan sya'ng lapitan ni Reab. Seryoso ang paningin nito at nakakapaso.

*LUNOK*

'Grabe! N-Nakakatakot sya'.

"D-Don't you dare do something! T-Tatawag na talaga ako ng mga pulis!" Nauutal na ani ng babae na ikinangisi ni Reab. Napakunot naman kaagad ang noo nito nang tila balewala kay Reab ang pananakot nya. "D-Don't you hear me? I said I'm gonn--"

Reab suddenly cut her words.

"Do you think.." Pagtigil ni Reab sa sasabihin at sandaling tinignan ang babae bago magpatuloy sa pagsasalita. "I care?" may pang-inis na dugtong pa nya. "Hindi ako natatakot sa pulis 'patola' mo."

"H-Ha!?"

"Wag mo nang patagalin pa ang usapan na 'to, just name your price." Kalmante na may awtoridad na ani Reab.

Basag ang side mirror at yupi ang bahagi ng compartment ng sasakyan ng babae. Bagay na kagagawan ni Reab sa aksidenteng pagkakatama ng bato sa kotse nito. Ilang minuto na rin nang maganap insidente, at gusto nalang ni Reab kalimutan ang lahat sa pamamagitan ng pagbabayad nya sa naturang damage ng sasakyan. Ngunit ang problema ay ayaw tanggapin ng babae ang alok nya, hindi dahil ayaw nito ng pera, kung hindi dahil hindi ito naniniwala'ng kayang magbayad ni Reab ng malaking halaga.

"Kung barya-baryang pera lang yan? No thanks, SAYO NALANG!"

Napalabi si Reab at napalingon sa nasa likuran nya bago muling balingan ng paningin ang babae.
"Uhm, sayang naman."

She's  Arrogant(ON GOING) Where stories live. Discover now