Dumating ang mga pulis nang ma-trace ang pinanggalingan ng tawag na agad naputol. Sinama nila pareho sina Reab at ang babae sa presinto habang si El naman ay naiwan sa labas at naghihintay.
Magkaharap ngayon ang dalawa. Hulas-hulas naman ang make-up ng babae dahil sa pag-iyak at matatalim ang tingin kay Reab na ilang hibla lang ang layo sa kanya. Nakapa-dikuwatro at nakasandal habang magkakrus ang mga braso ni Reab. Seryoso lang ito at hinihintay na may manguna sa pagtatanong.
Kung pagmamasdan ang dalawa ay animo'y may lazer ang mga mata nila at nagtatamaan sa bawat masasama at nakakapasong tingun sa isa't-isa.
"Magsalita ka muna,Miss?" Pagpukaw ng atensyon ng pulis sa babae.
"Seffy."
"Miss Seffy.. Ano ba talagang nangyari? Pwede mo bang idetalye ang lahat?"
"Yes.."
"Okay."
Steffy sighed and started to tell anything and everything about her and Reab's encountered. Walang emosyon naman na nakikinig lamang si Reab dito. Hindi nya gawaing makipagtalo lalo na't hindi wala sya sa mood upang gawin iyon.
Mas umayos pa si Reab ng pagkakaupo at dahan-dahang binalingan ng paningin ang pulis at pagsulyap sa babae na si Seffy. "Sa pagkakatanda ko, walang libro sa nadaanan natin, kaya sabihin mo.." pagputol nito sa sasabihin at biglang naging seryoso lalo ang dating ng pagtingin kay Seffy. "Saan mo nakuha ang kwento na 'yan?"
Napakunot ang noo ng pulis na nagpalinga-linga ng paningin sa dalawa.
"W-What?"
'Pst. Sa lahat ng dodoble, ito ang sumobra' sa loob-loob ni Reab.
Reab suddenly smiled, isang nang-iinis na ngiti. "Akalain mong hindi lang pala pera ang nagkakainteres." makahulugang anito na kaagad naman nakuha ni Seffy ang ibig sabihin. "May alam ka ba sa paggamit ng utak?"
"What the--"
"Alam mong ang utak, dapat ginagamit, hindi ini-stock."
"Sumosobra ka na ah! Who the hell you are to talk to me that way!?"
"Me? I can be more than you."
"Hep! Hep! Tama na nga 'yan! Mamaya magsabong pa kayo dito." Pag-aawat ng pulis sa dalawa. "Miss Reab. Ikaw na ang umamin, kung talaga bang ikaw ang sumira sa kotse nya. E bukod sa pin-lot mona yung gulong, binasag mo pa yu--" hindi na hinayaan pa ni Reab na patapusin sa pagsasalita ang pulis.
"Ah talaga ba? Wala kasi akong matandaan."
"Ang kapal naman ng muk--"
"Name your price. Babayaran kita."
"Sayo nalang ang pera mo. Itutuloy ko pa rin ang reklamo." taas ang noo nito.
Kahit paanong pamimilit ni Reab na babayaran nalang ito para sa mga damages ng kotse ay ayaw pa rin nitong pumayag. Halata namang kailangang-kailangan nito ng pera at nagpapanggap lang na mayaman, kahit ang totoo ay kapos sa buhay. Idagdag pa na hindi naman na kagandahan ang sasakyan at mahahalata mong old model na ang kabuuan.
Kung hindi ako bihasa sa mga sasakyan, iisipin kong pang mayaman nga yan.
Hands-up na napatayo na si Reab. Nagtatakha naman syang binalingan ng pansin ng pulis at ng babae. Napangiwi si Seffy sa seryosong pagsulyap sa kanya ni Reab. Kahit saan nya pa amggulong tignan ay wala syang magustuhan sa presensya ni Reab. Hindi nya gusto ang pag-uugaling mayroon ito pati na rin ang kayabangan para sa isang babae.
YOU ARE READING
She's Arrogant(ON GOING)
Random"Sa siyensa, pinag-aaralan ang mga bagay na magiging kapaki-pakinabang, but you? Hindi ka siyentipiko, so stop making a theory about my personal life and personality, Whore." ~Reab