Chapter 5: PROVE IT

3 0 0
                                    

Nakanguso na pinagmasdan ni El ang kaibigan, inilapag nito ang tasa ng kape sa lamesa at seryosong sinundan ng paningin ang mga mata ni Reab na malayo pa sa kawalan.

May ano ba don sa mga kumpol ng basura? Jusko!

"Bakit para kang naluge dyan, Ree?"

Kinuha nito ang tasa ng kape at dahan-dahang lumagok. Bawat kilos naman nito ay pinagmamasdan ni El at hindi maiwasang mapakamot sa sariling batok.

"May tampo sakin yung bata, El."

"Ha? Sinong bata?"

Inis na nilingon ni Reab ang kaibigan. "Tss.."

"Ah, si Mion ba? Si Baby cute? Oh e bakit? Ano bang nangyari?"

"Ang alam nya uuwi ako kagabi, balak sanang maglaro kaming dalawa, pero hindi nangyari,dapat hindi nalang ako naglasing kagabi e." Pagsisisi nito na naging dahilan kung bakit pakiramdam niya ay nasaktan niya ng husto ang batang si Mion.

Shocks, affected much sa anak ng bruha.

"E kung ako naman kasi ang nasa kalagayan mo, magpapakalango rin ako sa alak." Pagtutukoy nito sa sakit ng puso ng nararamdaman ni Reab nang gabi na iyon. "At saka kaloka, kung alam mo lang kung gaano katigas ang ulo mo kagabi, to the point na ayaw mo nang magpa-awat sa pag-inom ng bote-boteng alak. Masahol ka pa sa lalaki kung makainom."

"Nasan ka ba kagabi?" Biglaang pag-iiba ni Reab, na ikinaiwas ng paningin ni El. "Bakit pag-gising ko kanina nasa kung saang bahay na ako?"

"E hehe.."

"Tss..sa susunod kung iiwan mo ako ng lasing, wag mo na akong samahan."

Napangiwi si El at hindi mapigilang mapangiti nang maalala ang mukha ng lalaking pinag-bilinan niya sa kaibigan. "Speaking of samahan, sinamahan ka ba ni pogi kagabi? Sure kang wala siyang ginawa sayo?"

"Sino? Yung Jaylord?"

"Oh my goodness, Jaylord? Yun ba yung pangalan nya? Jusko..pangalan pa lang pang-langit naaaaa!"

"Pss.."

"Magkwento ka naman." Paghampas ng mahina ni El sa hita ni Reab. "Mabait ba yung Jaylord? Inalagaan ka ba niya?"

"Anong tanong yan? Mukha ba akong may sakit?"

"Hindiii..I mean, caring ba sya sayo nung lasing na lasing ka? Tapos kaninang umaga nung magising ka ipinaghanda ka ba nya ng pagkain? Anong pinag-usapan nyo? Nagkwento ba sya sayo ng mga nangyari??" Sunod-sunod na tanong ni El. "Ako lang naman 'to, Ree kaya magkwento ka na, sige na, dali!"

"Wala akong ikukwento dahil wala namang nangyaring ganyan."

"Ha??"

O_O

Ano kaya yun? Walang excitement

Dismayadong napabagsak ang mga balikat ni El.

"Basta umalis lang ako ng bahay nya tapos hinabol nya ako, tapos may biglang dumating na isang lalaki tapos umalis na ako."

Ayy, panis. Ang bilis ng mga pangyayari.

Napanganga si El. "Yun na yon?"

"Oo.."

El sighed at napanguso sabay iwas ng paningin. Wala naman nang dapat pang ipagtakha gayong si Reab ang uri ng tao na hindi marunong makipag-plastikan at palaging nagpapakatotoo. Hindi rin sya kumbensido sa mga taong kakakilala pa lamang niya kagaya na nga ni Jaylord.

She's  Arrogant(ON GOING) Where stories live. Discover now