"Yes, Primo, I'll behave. Thanks for the nice executive room, by the way."

"You're welcome. Take care." He said and ended the call.

Tinawagan ko siya nang makarating ako sa kwarto na nireserve niya para tuluyan ko habang naghahanap ng apartment. Buti na lang at nakabili ako ng kaparehong model ng cellphone bago ako umalis ng Pilipinas. Nilagay ko dun ang sim at memory card ng luma kong cellphone.

The room was beautiful. The theme was black and white, I love it. Pagpasok mo ay nasa kanan ang maliwalas at malawak na sala, sa kaliwa naman ang kitchen island at lamesa. There's a big sliding door in the middle that leads to the bedroom. Pagpasok sa loob ay isang queen sized bed and nasa gitna. Glass wall ang nasa kanan na nagpapakita ng Han River Bridge, dahil gabi na ay maliwanag ang tulay. Sa kaliwa ay ang bathroom at walk in closet. May vanity table din sa tabi ng kama. May basket chair din at coffee table na nakatapat sa glass wall.

Sa pagod ko ay hindi ko na gaanong pinansin ang interior. Basta ko na lang iniwan ang dalawang maleta ko sa likod ng pinto sa pinto at hinubad ang sapatos para humilata sa kama. Malambot iyon at sobrang komportable sa pakiramdam. Ilang saglit lang ay nakatulog agad ako.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pikit matang nag inat ako bago umupo sa kama. Tumingin ako sa kanan at nakita ang Han River Bridge. Napangiti ako nang mapait. I'm back in Korea. After 13 years.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Lumabas akong nakaroba lang at lumapit sa maleta ko. Dinala ko ito sa kama at doon binuksan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Seconda Costanzo!!!"

Nasigaw ko ang pangalan niya dahil sa inis ko. She changed the clothes that I put here! Puro pants at plain shirts ang dala ko pero puro dress, skirts at girly shirts ang nandito. Tinanggal ko isa isa ang mga damit at talagang lahat ay pinalitan niya! Nabawasan lang ang inis ko ng makita na hindi niya inalis ang hoodie ni GL. Yes, dinala ko yun pero nalabhan naman na.

Kinuha ko din ang isa ko pang maleta na puro sapatos ang laman. Nang buksan ko iyon ay di na ako nagulat nang makita na puro heels ang nandito. Isa lang ang nagustuhan ko, yung ankle boots na may onting takong.

Leche! Dapat ay hindi ako pumayag nang tignan niya ang laman ng mga ito.

Napili kong suotin ang gray na hanging blouse na long sleeve at black checkered skirt. Napapikit ako nang mas mataas ng three inches sa tuhod ko ang palda. Naghanap ako ng black stockings at nagpasalamat na merong nilagay si Seconda. Sinuot ko yun at ang black ankle boots. Humarap ako sa vanity table at nagsuklay ng buhok. Hinayaan ko lang na nakalugay ito. Habang nakatingin ako sa salamin ay di ko maiwasang mapapikit.

Mukha akong teenage Kpop Idol!

Leche talaga, Seconda!

Kinuha ko na lang ang cellphone at wallet ko bago lumabas ng hotel room. Sa labas na ako mag bebreakfast dahil hindi naman ako marunong magluto.

Nang tumapat sa elevator ay tinawagan ko si Seconda. I put my phone on my ear at hinintay siyang sumagot. Bumukas ang elevator at saktong sinagot niya din ang tawag. There were three men inside and two probably high school girls. Pumasok ako sa loob. They were all looking at me as if I'm a celebrity.

"Damn you, Seconda!" I cursed her.

Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

"What? You didn't like it? That's the usual outfit of Kpop idols, Reap."

Napapikit ako at napasuklay ng buhok. Sabi na nga ba! I told her once that I wanted to be a Kpop Idol, kaya siguro pinalitan ang mga damit ko.

"Really, Seconda? It's damn irritating! Why did you have to mess with my luggage?"

C. Series 1: The Dancing Bullet, Reaper CostanzoWhere stories live. Discover now