Its been a week since I came here in Korea. Hanggang ngayon ay wala pa ding pinapagawa sa akin si Primo. Wala akong ginawa sa buong linggo kundi ang manood sa Netflix, kumain, at maggym sa hotel. Iniiwasan kong lumabas dahil natatakot akong baka magkita ulit kami ni GL. Kahit ang pagkain ko ay inoorder ko lang.
"Regret is the most painful thing in life."
Napatigil ako nang marinig ang sinabi ng bidang lalaki sa pinapanood kong kdrama. Its about a consigliere, like Terzo, so I got interested. Maganda naman, enjoy.
Mapait akong napangiti at di napigilan ang pagsang-ayon. I am full of regrets. Thank God, I'm still holding up.
Natapos ko ang dalawang episode ng Vincenzo nang maisipan kong mag order ng miryenda. Nag-order ako ng dalawang box ng Hawaiian pizza with large iced tea. Pinagpatuloy ko ang panonood habang naghihintay. Tumunog ang doorbell kaya pinause ko muna ang palabas bago pumunta sa pintuan. I looked at the peephole and saw the delivery man. Binuksan ko ang pinto at kinuha ang order saka nagbayad.
Komportable akong nakaupo at nakain habang nanonood nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa kwarto. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa panonood hanggang sa tumigil ito. Muli itong nag-ingay kaya naiinis na tumayo ako at pumunta sa kwarto. Damn! I want to kill whoever is calling right now. Kinuha ko ang cellphone ko sa kama at nakita ang tumatawag.
I'm kidding! I won't kill this guy. I promise, Lord, I never thought of killing this man.
Napalunok muna ako bago sinagot ang tawag.
"Yes, Primo?"
"Next time, answer your phone faster if you do not want to have a rescue team looking for you, there at Korea." He said in a cold voice.
Napakamot ako sa kilay ko. "Sorry, I left my phone in my room. I was in the living room. Medyo malakas din ang tunog ng pinapanood ko kaya di ko narinig na tumunog."
Sorry for lying, Lord! Ayoko lang mabugahan ng apoy pag-uwi ko pag nalaman niyang di ko talaga sinagot dahil tinatamad akong tumayo.
I heard him sigh. "Nevermind." He paused a bit. "I have another job for you until your real target land there."
Napangiti ako. Finally! May magagawa na din!
"Who is it?"
"Look for Kim Re In and watch her every move. Just follow her quietly and I'll tell you when to kill her."
Para akong nabingi sa narinig na pangalang binigay niya.
"K-kim Re In?" Kinilabutan ako nang sa muling pagkakataon ay nabanggit ko ang pangalang iyon.
"Hmm. I'll email you for her picture and other informations about her."
Nang matapos ang tawag ay nanghihinang napaupo ako sa kama. It's not the Kim Re In I know, right? Its not Re In Unnie, right? I mean, why would Primo want me to follow her? She's just my personal maid when I was a kid. So, its another Kim Re In, right? Madalas naman ang pagkakapareho ng pangalan dito sa Korea.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala bago ko napagdesisiyonan na tumayo para kunin ang laptop at tignan kung nag email na ba si Primo.
Kim Re In Information
From: thefirstc@gmail.com
To: thereaperc@gmail.comNalapag ko sa kama ang laptop nang makita ang picture na nakalagay sa information na bigay ni Primo. Kahit nanglalambot at nanginginig ang mga kamay ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa informations.
***
Pinikit ko ang mga mata nang tamaan yun ng ilaw ng club. Umiikot na ang paningin ko at dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang paiba ibang ilaw dito.
YOU ARE READING
C. Series 1: The Dancing Bullet, Reaper Costanzo
RomanceReaper Costanzo always worked together with her siblings. She's not used to work alone, but she's not scared. She's excited. She's alone in the country she wants to forget. She has no one beside her. Being herself, reckless, she did something that...