Grabe ang kaba ko lalo na ng umupo siya sa tabi ko.

"Sana pala sinabi mo na pupunta ka dito, nagsabay na sana tayo." He said.

Hindi ko naman alam na pupunta ka dito! At pumunta ako dito para pumatay! Sa tingin mo, maiisip kong yayain ka?!

Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumingin ng oras sa cellphone ko. "It's eleven in the morning. Let's have lunch." Yaya ko at tumayo.

Natawa siya kaya napalingon ako sa kaniya. He's looking at my clothes. Pumikit pa siya at tumingala.

"Damn! You look like a teenager! Child abuse to, Ye Ri!" Sabi niya habang nakapikit.

Natawa din ako sa sinabi niya. Humawak ako magkabilang balikat niya at nilapit ang mukha sa kaniya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang bewang ko bago nagmulat ng mata.

"Aren't I too hot to be a teenager?" I said in a sweet voice.

Isang beses siyang lumunok. "Yes. You're too hot, kid."

Napapikit ako sa inis ng tinawag niya. Tinulak ko siya at tumalikod saka naglakad.

"What?!" Sigaw niya. "Its my way to prevent myself from ravishing you!"

Gulat akong lumingon pabalik sa kaniya. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang pisngi ko. Gago ba siya?! Ravish daw, shit!

"Nasa mall tayo, gago!"

Ngumisi siya. "In Korea."

Natigilan ako ng ilang sandali bago nakuha ang ibig niyang sabihin. Napatingin ako sa paligid at nakitang marami ang nakatingin sa amin. Nilingon ko siya at nakitang nakatayo na siya at nakapamulsa. Model!

"Why? Sigurado ka bang di nila naintindihan ang sinabi mo?!"

Tumawa lang siya at lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa bewang gamit ang dalawang kamay niya. Tangina, PDA! Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya dahil pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko. Nang marinig ko ang tawa niya ay kinurot ko siya sa bewang.

"Siraulo ka! PDA!" Gigil na bulong ko.

Binaba niya ang ulo niya at itinapat ang mga labi sa aking tenga.

"Too many boys are staring at you. This is to show them who owns you."

Napatakip ako ng mukha at mas lalong sumiksik sa kaniya.

"Shut up."

Tumawa lang siya. "Let's have lunch, Ye Ri."

Naglakad na kami pero nanatiling nakapulupot sa bewang ko ang isang braso niya habang nakapamulsa ang isa. Leche! Para kaming magjowa! Paasa naman ang isang to!

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan siya ng mga babae. Wala sa sariling napairap ako. Ang gwapo naman kasi netong lalaking to. Gusto kong matuwa at magmalaki dahil ako ang kasama niya, pero nanliliit ako dahil wala namang kami, ni hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kami. Huh, Reaper! May magkaibigan bang naghahalikan?!

"Let's eat in an Italian Resto. You okay with that?" Tanong niya at tumango lang ako.

Nawala ako sa mood dahil sa naisip. Parang may kumurot sa puso ko. Paano kung naglalaro lang siya? Natigilan ako sa naisip.

Bakit, Reap, seryoso na ba to sayo?

"Hey, you okay?"

Tiningala ko siya at nginitian.

"Wala naman. Tara na."

Muli kaming nagsimulang maglakad nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Primo sa screen.

C. Series 1: The Dancing Bullet, Reaper CostanzoWhere stories live. Discover now