08

4 0 0
                                    


Mabilis tumakbo ang oras. Araw na ng kaarawan ko at mamayang gabi na ang handa. Nasa tub ako ngayon na puno ng tubig at rose petals.

"Excited po ba kayo mamaya sa party moon princess?" Tanong ni Mina nakakapasok lang sa paliguan.

"Hindi." Diretsang sagot ko. "Wala naman akong halos kakilala doon." Mahinang sabi ko at ngumiti na lang kay mina.

Ngumita naman siya pabalik sa akin pagkatapos ay pumunta sa likod ko para asiksuhin ang buhok ko. Kulay itim parin ito dahil hindi parin naaannounce sa tao na ako ay isang moon princess.

"Wag po kayong mag alala moon princess. Kung okay lang po sa inyo, hinding hindi ko po kayo iiwan mag isa don?" Tanong niya.

"Mas mabuti nga 'yon Mina. Please, wag mo ko iwan ha. Ang awkward kaya kapag mag isa lang ako don kasi wala naman talaga ako kakilala doon." Sabi ko sabay ng mahinang tawa.

"Sige po." Masayang saad naman ni Mina.

Naghihintay na ako mag isa dito sa kwarto para kay mina na tawagin ako kung handa na sila sa baba para sa akin. Naka tingin ako ngayon sa bilog na buwan. Ang ganda siguro ng liwanag ngayon doon sa lagoon.

Egon. Hindi ko pa rin siya nakita simula ng huling naming pagkikita. Hindi na nga ata siya bumalik pa ulit don sa lagoon. Sayang, hindi ko na rin tuloy siya naimbitahan sa araw na 'to.

Bakit naman kasi bigla bigla na lang 'yon maglalaho. Nakakatampo ha.

Narinig ko ang pagkatok ni Mina sa pintuan. "Moon princess tayo na po."

Naka suot ako ngayon ng dark grey silver off-shoulder gown. Puffy see-through naman yung sleeves tapos may open sa gitna ng dress to showcase my right thigh. Naka lugay naman ang wavey kong buhok sa likod pero may braid crown rin ako sa ulo at konting takas na buhok na nahuhulog sa mukha ko.

Not gonna lie, i feel really pretty today.

"Moon princess, tara na po."

Nalalakad kami ni Mina sa may hallway papunta sa grand staircase kung saan ako bababa. May naririnig na akong ingay mula sa baba. Sa may hagdan isang lalaking maayos ang porma ang nakahintay.

"Sino yan?" Tanong ko kay Mina.

"Isa po siyang anak ng isa sa mga historian. Siya po ang mag eescort sa inyo."

"Ha?! Bakit ngayon lang ako nasabihan?"

"Hindi ko rin po alam princess." Nakangiti siya sa akin ng mahiwaga ngayon. "Bagay po kayo. Yung kasuotan niyo po tugma." Sabi niya at hinila na ako para mabilis na kami makarating roon.

"Magandang gabi po Sir Jawn." Bati ni Mina sa lalaki. "Lalapitan ko lang po kayo mamaya princess. Enjoy po."

Umalis na si Mina pagkatapos iabot ang kamay ko sa lalaki na sa pagkakarinig ko ay Jawn ang pangalan.

"Good evening." Bati niya sa akin sabay ngiti. Ngumiti na lang ako pabalik.

Buti na lang at mabilis na rin kaming pinababa sa hagdan kaya di na rin kami nagka usap ng matagal.

Naka upo na ako ngayon sa isang pahaba na table. On my right side katabi ko si Tia tapos sa left ko naman si Jawn. Katabi naman ni Tia si Grandmama tapos si Tio.

Matapos kumain at nagsimula ng magsiyahan ang mga bisita ay nagpaalam ako kay Tia na mag ccr lang, nahanap ko naman si Mina papaunta sa cr kaya siya na ang kasama ko ngayon.

Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Mina sa may balcony ng naputol iyon ng lumapit sa amin si Jawn at inaya akong sumayaw. I was hesistant at first, ewan ko ba, I feel uncomfortable sa lalaki na to.

"Are you enjoying the party?" tanong niya habang nagsway sway lang kami dito.

"Okay lang."

"Do you have a date in mind to when will our wedding gonna be held?"

Napatigil ako sa pag galaw sa naging tanong niya. Ano raw? "Huh?"

"What? They haven't told you yet?"

Tumingin siya sa table kung saan sina Tia kaya napatingin din ako dito. Nakatingin si Tia sa amin na may ngiti sa mga labi.

Nag init bigla ang buong katawan ko sa galit. Ano to? Kahit opinion ko tungkol sa buhay ko ay hindi important? Magiging puppet ba ako dito? Bakit hindi man lang nila tinanong muna kung anong ang opinion ko tungkol dito? Hindi ko aakalain na magagawa sa akin ni Tia to. Masyado na niya kinocontrol ang buhay ko, Nasasakal na ako sobra.

Binitawan ko ang kama ni Jawn at mabilis na naglakad palapit kay Tia. Nang nasa harapan na ako ng lamesa nakita ko kung paano napawi ang ngiti ni Tia ng makitang ang nagagalit kong mukha.

"What's the problem Dol?"

"Ikaw Tia." Direstang sagot ko. Medyo napalakas pa ito kaya hinili ako ni Tia palabas. Nang makalabas ay bigla ko ring hinila ang kamay ko mula sa kaniya.

"Tanggap ko na you don't trust well enough to tell me matters about the Queendom Tia. Okay, I don't really care anymore but now you're making huge changes about my life without discussing it with me first?!"

"What-- about Jawn?" Humakbang siya palapit sa akin para hawakan ako pero umiwas ako at humakbang naman patalikod.

"Yes. Meron pa bang iba Tia? Please give me a heads up here." Sarcastikong sabi ko.

"Dol, we'll give you both time naman, for you to get to know each other."

Mas lalong nag init ang dugo ko dahil sa sinabi ni Tia. So, ipupush talaga nila yon?

"Well, I don't wanna know him more Tia. I don't wanna get married please. Can't you leave my life alone? Sobrang nasasakal na ako Tia. Kulong na nga ako dito sa palasyo tapos gusto niyo pa akong ikulong sa isang lalaki na ayaw ko. Kahit bigyan niyo kami ng libong taon, ayoko!"

Dumiretso ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili sa kama ko. Hindi tumagal kumatok si Mina at pinapasok ko naman siya.

"Kung alam ko lang Mina na ganitong buhay pala ang naghihintay sa akin dito sa Amaris hindi na sana ako humiling noon sa buwan na sana ay makauwi na ako rito. Grabe nakakasakal ang lugar na ito."

Tahimik lang si Mina habang nakikinig sa pagyayawyaw ko.

"Mali ko ba Mina? Mali ba na ganito na lang ako mainis?"

Mali ba ang naging reaksyon ko? Hindi naman ako siguro mag kakaganito kung narinig ko muna itong kasal mula sa bibig ni Tia. Hindi pa rin ako sasang ayon pero hindi rin ako mag aaburito ng ganito. Pero mas unang ko pang nalaman sa Jawn na 'yon.

"Sa totoo po princess, kung ako po yung sa lugar niyo ganiyan rin ho ata ako mag rereact. Sino ba naman hindi magugulat at maiinis hindi po ba?"

Nakahainga ako ng maluwag sa sinabi ni Mina. At least pareho kami ng iniisip at hindi niya ako hinuhusgaan sa naging reaksyon ko.

"Wala naman ata sa rule ng Amaris na kailangan sumunod sa mga arrange marriages diba?" Kung meroon, please consider me gone.

"Parang wala naman po. Wala po akong nabasa tungkol diyan."

Hindi na rin ako bumalik pa sa party. Balak ko pa sana enjoyin 'yon pero bahala na. Wala na ako sa mood at lalo pang mawawala pag bumaba pa ako ulit don.

Nagpagulong gulog na nga lang ako ngayon sa kama dahil wala na akong ibang magawa at masyado pang maaga para matulog. Hindi rin pa ako inaantok.

Umalis na rin kasi si Mina dahil pinatawag siya ni Tia. Buti nga ay hindi ako sinundan ni Tia dito sa kwarto. Kasi kung ang sasabihin niya ay hindi tungkol sa pagkaltas sa kasal ay wag na lang kami mag usap.

How did we end up here Tia?


xoxo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moon GoddessWhere stories live. Discover now