An OFFGUN au/fanfic where,
Gusto lang ni Gun Erik ng anak at simpleng buhay kaya pinatulan niya ang suhestiyon ng mga kaibigan about IVF babies. Successful at biniyayaan siya ng isang cute na baby girl.
Akala niya ay okay na ang lahat pero biglang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"GUSTO ko lang ng anak." Natigilan ang mga kaibigan ni Gun na kasama niyang kumakain dahil sa kanyang sinabi. Krist almost choke from his food while Thana dropped her spoon and Alrissa stare at him like he is in the verge of insanity.
"Gun Erik, may sakit ka?" Natatawang tanong ni Krist ng makabawi na sa gulat.
"I'm bored." Sagot lang niya.
"Hoy lalaki hindi dahil bored ka ay magdedesisyon ka ng magka-anak. Kung gusto mo ng aalagaan ay maghanap ka ng aso sa shelter." Sumimangot siya sa sinabi ni Alrissa.
"Hindi naman kasi iyon ganoon, gusto ko lang talaga ng anak. I'm not getting any younger."
"Gago, twenty-two ka pa lang." binato siya ni Kit ng buto ng mais.
"Kaya nga habang bata pa ako ay gusto kong may anak na. Kaya ko na naman siyang buhayin." May maliit na flower shop si Gun at may nabili na rin siyang bahay at lupa, maliit lang iyon pero sapat na para sa kanyang dalawa ng kanyang magiging anak.
"Baka gusto mo munang maghanap ng mapapangasawa?" Maarteng tumaas ang kilay ng kaibigan.
Umiling siya. "No, ayoko. Alam niyo ang preference ko. Gusto ko lang ng anak, iyong akin talaga." Bata pa lang ay alam ni Gun na iba siya sa karamihan. Nagkakagusto din naman siya sa babae in fact ay nagka-girlfriend na rin siya before pero hindi nagwork out. At bata pa lang din ay gusto na niya ng bata kaya sigurado na siyang gusto niyang magkaanak.
"Mahirap naman yata iyan Erik, hindi naman kasi namumunga ang kahoy ng bata. My goodness, kailangan mo ng action at maghintay ng nine months." Napatingin si Erik kay Thana from head to foot. "Kadiri ka Gun Erik, don't you ever dare." Napayakap ito ng sarili.
"Matres lang naman ang kailangan ko." Gusto niyang matawa sa ekspresyon ni Thana para na siya nitong papatayin kung hindi siya hihinto sa pinagsasabi niya.
"Virgin pa ako at type ko ang matangkad na chinito."
Napatingin siya kay Kit. "Wala akong matres at hanggang friendship lang ang ma-o-offer ko at may asawa na ako."
"Kadiri ka friend. Tulungan niyo na nga akong mag-isip."
Napakamot nalang ng ulo ang tatlo.
"Bakit hindi ka magpa-IVF?" Biglang singit ni Ris.
"Gago ka? Wala akong matres."
"Mas gago ka sinabi ko bang ikaw ang magbuntis? May mga hospitals sa ibang bansa na nag-ooffer ng IVF services. Sperm cells lang ang ibibigay mo tapos mag-aarrange na ng babaeng pwedeng magcarry ng baby mo, of course they have the list of possible egg cell donors. Magbabayad ka lang tapos after nine months ay may baby ka na." Sabi ni Kit na ikinatigil ni Gun.