An OFFGUN au/fanfic where,
Gusto lang ni Gun Erik ng anak at simpleng buhay kaya pinatulan niya ang suhestiyon ng mga kaibigan about IVF babies. Successful at biniyayaan siya ng isang cute na baby girl.
Akala niya ay okay na ang lahat pero biglang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"DADA!" Sabay na tawag ni Rin at Win sa kanya habang kumakain sila sa ATPoint Restaurant. Luckily, Thana has connections here kaya nakakuha sila ng reservation. Palagi kasing puno ang restaurant kahit na dalawa na ang branches nito.
"Yes, po?"
"You are spacing again." Narinig niya ang sermon ng anak sa kanya making him laugh.
"Sorry na po." Hinalikan niya sa noo ang anak.
"Me too, I want kiss." Nakangiting hinalikan ni Gun sa noo si Win at pati na rin sa matambok nitong pisngi. He heard him giggle and Rin even giggled with them. Nakalimutan niyang kasama pala niya ang lola nito.
"You love kids, Erik?" Tanong ni Tita Godji.
"Yes, Tita. I love them."
"Erik if you don't mind, pwede ko bang malaman kung nasaan ang wife mo? Nirin's mother?"
Hindi agad nakaimik si Gun dahil hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. Busy ang mga bata sa pagkain at sa paglalaro ng mini-boardgames na palagi niyang dala. Mukhang napansin yata nito ang uneasiness niya.
"It's okay if you don't want to answer."
Umiling si Gun ng marahan at ngumiti. "My daughter doesn't have a mother, but she's mine, my blood." Iyon lang ang kaya niyang isagot. Isang beses lang na nagtanong si Nirin at sinagot niya iyon ng patay na ang nanay nito simula noon ay hindi na uli nagtanong ang kanyang anak tungkol sa ina nito.
"Same with my son." Hinawakan ng ginang ang kanyang palad. "Don't worry I won't ask for more naiintindihan ko ang situation mo." Hindi na kailangan pa na malaman ng mga tao kung paano nabuo ang anak niya. What's more important is nabuo ito dahil sa pagmamahal niya at sa mga taong nakapalibot dito. "Last question, are you in relationship right now?" Mabilis siyang umiling.
"I'm really single po, Tita. Mas priority ko po si Nirin at ayokong mahati ang atensyon ko."
Malakas itong napabuntong-hininga. "What's wrong with good looking people in this generation? Pati ang anak ko ay iyan din ang sagot. Palaging ini-excuse ang kanyang trabaho at si Win. Tama ba 'yon?" The lady squared her shoulders in frustrations making Gun chuckle. Wala siyang mabigay na advice dahil ganoon din kasi siya.
Nagslice siya ng meat at sinubuan ang mga bata. "You own a flowershop?'
"Yes po, Tita. You can visit anytime you want."
"Kaya pala ang gentle mo sa mga bata dahil mga bulaklak ang mga kaharap mo." Ngumiti ito sa kanya. "For a guy you are really beautiful." Namula ang kanyang pisngi sa narinig na compliment. "I hope I didn't offend you Erik dahil complement ang sinabi ko."
"Thank you po Tita."
"Dada, pee." Napatingin siya kay Win na hinila ang sleeve ng suot niya.