Sunray 18

6 0 0
                                    

We started talking again as if nothing happened. It was also a good choice because I don't want to discuss things like that through the phone. It deserved to be talked about in person. 


I'll just wait for him to come back. Nandito na rin naman siya bukas. I'm excited but also nervous so I just busied myself and by writing a lot of chapters to finish the short story that I did. Ang dami kong on-going because I always get excited whenever I think of a new plot. 


When it was already late, I went to the couch at humiga na doon. I messaged Fal saying that I'm going to sleep na but I went to YouTube and watched ASMR videos. 


Nakatulugan ko na rin ito and the next day, I did random things out of boredom. Bumaba rin ako sa grocery kasama si Jude. I need to buy ingredients that are needed to bake brownies. Si Jude ang nahila ko kasi siya ang natagpuan ko na nasa labas ng pintuan ko. 


"What do you think is better? This or this one?" Tanong ko, holding two types of marshmallows na sa tingin ko ay for the toppings? Hindi ko rin alam talaga kung para saan. Sabi kasi roon kailangan raw, e'. 


"Ito po, Ma'am," itinuro niya ang nasa kanan na kamay ko. 


My brows furrowed, "I like this one, it looks better," I said, pertaining to the one in my left hand. Nakita ko pa siya na bahagyang ngumiwi. When we were done buying everything that I need and also some groceries, umalis na kami. Siya na ang nagbuhat ng dalawang box at ang dala ko lang ay isang paper bag na may... tinapay. 


Bumalik na kami sa condo. Ipinasok lang niya ang mga pinamili sa loob at ipinatong sa countertop sa may kusina bago siya lumabas ulit at nagbantay. 


"Sabi gano'n tapos biglang gan'to?!" Nasstress na sabi ko. Sana pala nagpadeliver nalang ako ng Jollibee para may makakain ako ngayon tapos dapat ay nag-order nalang ako ng brownies. Nang sa tingin ko ay wala na 'tong pag-asa, kinuha ko ang cellphone, susi, at wallet ko bago lumabas ng pinto. Nakita ko naman doon si Miles na naglalaro ng ML. 


"Oh, putangina, sabi kasing sa mid, e'. Ayan, dedz kang tanga ka," bulong niya pero dahil wala namang ibang tao dito, rinig na rinig ko. 


"Miles," pagtawag ko sa atensyon niya, napatingin naman kaagad siya sa 'kin at napatayo. I feel like magsosorry lang siya so I talked again. "I'm gonna go somewhere, do you want to come?" 


"Ah, tawagin ko lang ho sila. Saan po ba ang punta, Ma'am?" 


"Fast food lang, the brownies did not go well," 


"Marunong po mag-bake si Rod, Ma'am," 


My eyes widened. I did not expect that! "Really?" Tumango siya at eeling ko ay gusto niya akong barahin na kakasabi niya lang pero 'di niya magawa. "Baka puwede niya pang ayusin? Tanungin mo siya, please! I know naman na it's not part of you work na pero baka naman puwede?" I hopefully asked. 


"Tignan ko muna, Ma'am, kung wala siyang ginagawa at kung hindi nakakunot ang noo. Nakakatakot siya magalit, Ma'am, e'," 

Sunray Of RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon