Fully Booked

19 1 0
                                    

"'O, anak, 'eto 1,000 pesos. Ayusin mo ang face mask mo." 


Inabot ko ang pera na binigay ng aking ama. Laking pasasalamat ko na kahit hindi naman ganoon kalaki ang hihingiin ko sana, binigyan niya pa rin ako ng ganoong kalaking halaga.


"Thank you, daddy!" Sobrang laki ng ngiti ko. Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan nang nagsalita ulit siya kaya't ako'y napatingin sa kanya.


"Siguraduhin mo lang na hindi mo ipapahiya sarili mo, ha?" Natawa siya nang matulala lang ang naging reaksyon ko. Sinamahan nalang din siya sa pagtawa ng aking nakakabatang lalakeng kapatid.


"Yeah, you better be!" 


"Oo nga!" Pagreklamo ko at doon na sila tumigil sa pagtawa.


"Halos isang taon na simula noong nakalabas ka na ng bahay nang dahil sa pandemic.." Sambit ni daddy habang pinupunas ang naluluha niya pa rin na mga mata dahil sa pagtawa kanina. "Tutal, wala 'yung mommy mo, hindi ka mapapagalitan na pumunta doon sa loob ng mag-isa. You're with me so I'm letting you go there and will let you test your own independence gaya ng gusto mo, ha, anak?" He sincerely said.


Agad lang akong tumango. "Yes, yes. I can handle it on my own." I said with a confident smile.


"Pusta tayo, magtatagal 'yan sa loob kahit isa lang naman bibilhin." Tumawa ulit ang kapatid ko na naging dahilan sa pagtawa ulit ni daddy.


Nahihiya na tuloy ako dahil baka may makakakita sa trip ng dalawang ito. Mabilis ko pinisil ang gilid ng sikmura ng aking kapatid mula sa front seat. "SHUT UP!" bago na lumabas at bumaba ng sasakyan. Mabilis ko inayos ang aking blue face mask.


Sinirado ko agad ang pinto ng sasakyan sa aking likod at napahawak ng mahigpit sa sling ng aking sling bag. Malakas na hangin at tunog ng mga tumatakbo na mga sasakyan ang sumalubong sa akin kung kaya't inilagay ko ang mga nagsisiliparan kong mga buhok sa likod ng aking tenga bago binasa ang pamilyar na pangalan at pulang kulay ng logo na para sa akin ay ang pangatlo kong palasyo. 


Fully Booked.


It's been a year, my beloved. I'm sorry kung natagalan akong makabalik.


Its glass walls from the first floor up to its second floor that will make you see what's going on inside. I looked at my reflection there. Wearing a red shirt. Denim pencil-cut skirt. And a brown pair of shoes.


Once you step inside the place, a whole new universe of imagination will take you into unimaginable different places once you flip its pages. Making you meet characters that you wish we're truly alive...or dead perhaps?


One thing is for sure, it's a reader's comfort home. Just like any other book stores a reader like me would go to without any hesitation.


Words that can turn into life with the right creative minds.


Random thoughts (ONE SHOTS/ENCOUNTERS)Where stories live. Discover now