Murderer of the Town of Aylesbury

15 1 0
                                    

"Bilisan mo! Parating na ang Prinsipe!" Galit na bulong ng isang kawal sa kanyang kasama na umiinom pa rin.

"Teka nga! Oo na nga! Eto naman, ang epal!" Binawi nito ang isang braso mula sa kasama at galit na napatingin sa'kin. "Ano ba kasi ang meron sa pulubing ito at kailangan pa talaga na makita siya ng Prinsipe?" Akmang itatapon niya sana sakin ang walang laman niya ngayong bote ngunit mabilis yun nabawi ng kanyang kasama sa kanyang kamay.

"Mamaya mo nalang kasi itapon 'yan kapag tapos na siya tignan ng Prinsipe! " Tinapon niya sa kanyang likod ang bote at isinipa papalayo. He glanced at me for a moment before looking at him again. "Sigurado naman akong paparusahan lang siya dahil sa karumal-dumal na nagawa niya sa isang town."

So someone wants too see me then.

Chains were all over my body. Metals tying my ankles, my hands, and to my neck. Bigla nilang hinila ang chain na nakakonekta sa aking leeg kung kaya't ako'y napilitan na tumayo sakakahiga sa malamig na semento.

"Tumayo ka bilang pagbibigay respeto dahil dadating ang Prinsipe."

Respect? Big word coming from these idiot imbeciles.

Kinuha na nila ang iba pang chains na nakakonekta sa ibang part ng aking katawan at hinahawakan nila ito ng mahigpit para mas lalong mapigilan ako sa kung anong balak ko gawin.

Nang akmang gusto ko lumuhod dahil sa hilo ay hinila na naman ng isa ang chain na nakakonekta sa aking leeg.

"Tumayo ka nga! Ang hirap mo na nga bantayan, dumi-dumi mo pa!"

Mabilis silang pumasok sa aking maluwag na cage na pinapalibutan ng semento at tanging isang bintana lang kung saan ko makikita ang maputing buwan na nagbibigay ilaw sa aking direksyon. Napunta sila sa aking likod. Malayo sa'kin. Ramdam ko na kinakabahan sila at sadyang naghahanda lang silang irepresenta ang kanilang mga sarili sa paparating.

"'Wag ka gagawa ng kalokohan pag dating ng Prinsipe. Sinasabi ko sa' yo," Pagbabanta niya sa aking likod.

Kasabay ng pagtahimik na niya ay ang biglang pag-iba ng hangin. Mas naging malamig ito. Tila kahit tahimik naman talaga ang paligid, mas naging tahimik pa ito.

"He's coming." Stated by one of them but I could tell he's saying it for me.


Sinadya ko lumuhod sa sahig para lang galitin sila.

"YOU!--"

Biglang naririnig na namin ang mga yapak ng mga kawal na paparating. Kita ko sa hallway ang mas papalapit na papalapit na mga anino dala ng ilaw ng apoy sa kanilang mga kamay.

One shadow from the lit walls of the hallway caught my attention. It's him.

Yumuko ako at tumingin sa sahig. Letting my messy hair fall down and cover my whole face.

Hindi ko na pinansin ang mga bulong na banta ng dalawa sa aking likod. Hinihila ang mga chains para makuha nila ang atensyon ko pero wala na akong pake.

Nang tumigil na ang mga yapak ay alam ko nang na sa harapan ko na sila. At nasa harapan na din namin ang Prinsipe.

Hindi ko man makita ito, ramdam ko ang malakas na presensya niya. Kahit hindi pa niya pinapakita, ramdam ko na kung gaano siya kalakas.

My own dark cold cage finally had the bright warm feeling that I had longed for for many days. Mabuti nalang at nagdala ng torches ang mga 'to.

"Your highness," I could feel them bow from behind because of the chains making noise. "Please pardon us for her behavior.." Hinila na naman nila ang chain nakonekta sa aking leeg. "Matigas talaga ulo--"

Random thoughts (ONE SHOTS/ENCOUNTERS)Where stories live. Discover now