KABANATA 13

109 6 6
                                    

Lisa's POV.

"Matalino ka namang tao 'di ba, Darius?" Seryosong sabi ko bago inalis ang kamay niya sa na nakapalupot sa baywang ko."puta, huwag mong gawin tanga ang sarili mo dahil sa akin! May asawa na ako a ilang ulit ko pa ba sasabihin pa 'yon para tigilan mo na ako!"

"Tumingin ka sa akin," utos niya at agad na hinarap ako sa kanya. hindi ko kayang salubungin ang nasasaktan niyang mata. Hindi ko kaya."sabihin mong hindi mo na ako mahal."

Napapikit ako nang mariin bago umiling."ilang beses mo pa bang gustong saktan ang sarili mo para bumitaw na? Akala ko ba ayos na sa 'yo ang lahat?" Sabi ko at narinig ko naman ang mahinang hikbi niya.

"Ilang beses ko na rin gustong bumitaw sa pagmamahal na 'to, alexs. Ilang beses na akong pinahirapan ng pagmamahal ko sa 'yo. Pero tangina! 'Yung puso ko ikaw pa rin 'yung gusto," tuluyan nang bumaksak ang mga luha sa mata."mahal pa rin kita,"

"At iniisip mo nasasabihin kong mahal pa rin kita? Ano bang gusto mong marinig?"

"Nasabihin mong hindi mo na ako mahal-"

"Hindi na kita mahal, Darius! Gusto kong mawala ka na sa buhay ko at huwag mo na akong guguluhin. Ayos na ba sa 'yo 'yon?" Dire-diretsong sabi ko.

Nagulat ang mukha niya at dahan-dahang bumitaw ang kamay niya sa balikat ko."bakit? 'You always harsh, lisa."

"At ang tanga tanga mo pa rin," sinabi ko na lang 'yon para hindi na kami mahirapang dalawa.

Nakikita ko sa mata niya na pagod na siya. Gusto ko na siyang pahintuin. Hindi ko na kayang titigan ang nakakawang at pagod niyang mata. Tama na 'to. Sana huminto na siya Pagkatapos nito.

"P-payag ako..." kunot ang noo ko sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko ng lumuhod siya sa harap ko habang pilit na hinawakan ang kamay ko."payag ako na kapag pagod ka sa kanya... akin ka muna... payag akong maging k-kabet-"

"What the hell are you talking about?! Baliw ka na ba? Tumayo ka riyan, Darius." Inis na sigaw ko at pinilit siyang tumayo.

"Please, desperado na akong bumalik ka,"

"Gusto mo bang mura-murahin pa kita para umalis ka na? Darius, please, masaya na ako. Ayaw mo ba akong makitang masaya?" Kalmadong sabi ko bago siya hinawakan sa balikat."I do not love you anymore."

"Fuck! Sorry, sorry." Mahinang sabi niya bago umatras palayo sa akin para kalmahin ang sarili niya."lasing lang ako. Sorry." At lumapit sa akin.

"Darius..."

Napalunok ako ng yakapin niya ulit ako.

"I love you so damn much. Tama ka, hindi na tayo p'wede." Huminga muna siya ng malalim bago pinagpatuloy ang pagsasalita." Be happy. Take yourself to the moon. I will love you until then."


***

Matapos ang gabing nagmakaawa si Darius sa akin, hindi na siya nagpakita ulit sa akin. Ayos na sa akin 'yon at least  mapagtutuunan na namin nang pansin ang kanya-kanya naming buhay.


May kikitain akong client ngayon. Nandito ako ngayon sa restaurant at hinihintay 'to.


"Hi. Sorry na late ako," sabi ng isang tinig sa likod ko. Lumingon ako rito at nakita ko si sky, bagong secretary ni Darius." So, magsimula na tayo?"

Umupo siya sa harap ko at hindi maalis ang malaking ngiti sa labi niya.

Ako kasi ang magiging architect sa bahay na itatayo niya. Pinaliwag ko lang sa kanya ang lahat.

"Nandito na rin 'yung contract para mapalagay ka na hindi kita tatakasan. Salamat sa tiwala." Sabi ko at tumayo na.

Tumungo lang siya at nagpasalamat sa akin bago kami sabay na lumabas ng restaurant.

Paglabas naman namin ng restaurant, bumungad sa amin ang nakasandal na si Darius sa kotse niya habang busy sa pagce-cellphone.

"Nandito na ako..." sabi ni sky at lumapit kay Darius. Napaangat naman ng tingin si darius sa kanya bago ito napatingin sa akin.

"Bakit ang bilis mo?" Tanong niya kay sky bago ito lapitan.

"Mabilis lang naman kausap si alexs. Diba kilala mo na siya?" Sabi niya at tumingin sa akin. Tumingin rin si darius sa akin, seryoso ang mga mata.

"Oo. Tara na?" Sabi ni Darius at inalalayan papasok ng sasakyan si sky.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Tuloy lang siya sa pagpasok sa kotse at naiwan akong nakatayo rito sa tapat ng restaurant.

Huminga ako ng malalim bago sumakay sa kotse ko at umalis na rin doon.


"Mahal pa rin kita hanggang ngayon."

FIGHT FOR LOVE(BOOKTWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon