Pinanghawakan ko ang mga pangakong sinabi niya sa akin. And when I was finally ready to welcome him, he took back what he said. It hurt me. And now, as I dream of dancing him for the last time, i'd finally bid my goodbye.
Marahan kong ipinikit ang mga mata ko habang tahimik na pinapakinggan ang pagpatak ng ulan. Sobrang tagal na rin noong nagkaroon ako ng payapang sandali. Ang bigat bigat pa rin. Katulad lang ako ng ulan, nakakulong sa makapal na ulap at hindi alam kung kaylan makakawala.
'Hindi ko na ipaglalaban ang pagmamahalan na 'to.'
Puta! Kaylan mo ba ipinaglaban ang pagmamahalan natin? Sa ating dalawa, ako lang naman ang totoong lumaban.
"Ang daya! Sobra..." mahinang sambit ko habang nakatingala sa langit. "Hanggang kaylan ko ba mararamdaman 'to? Ipinapaalala ko lang, hindi ako bato. I am also human ... I am also hurting."
Huminga ako nang malalim bago isarado ang bintana kung saan ako nakadungaw. Inayos ko ang kuwarto ko bago bumaba para kumain. Pagkarating ko sa kusina, namuo na naman ang sobrang bigat na pakiramdam sa dibdib ko.
Sinubukan kong tawagan si Sun para sana kumustahin dahil ilang araw na rin siyang hindi tumatawag sa akin, ngunit hindi niya ito sinasagot. Wala siyang sinagot sa mga tawag at text ko.
[Papasok ka ba ngayon?] Tanong ni Mommy sa kabilang linga nang sagutin ko ang tawag niya.
"Yeah..." maikling sagot ko at sumubo ng egg na niluto ko lang kanina.
[Okay, hintayin kita rito. May ibibigay akong project sa 'yo.]
"May project akong hinahawakan ngayon, Mom. Ibigay mo na lang 'yan sa iba." Aniko.
[Are you sure?]
"Yeah..." tumango ako kahit hindi niya nakikita.
Binaba ko na ang tawag at ipinagpatuloy na ang pagkain. Pagkatapos kong kumain, nag-bihis na ako at nag-ayos. Isang oras bago natapos ang pag-aayos ko.
Sumakay na ako ng sasakyan at tinahak ang daan papunta sa site. Isang oras lang ang byahe papuntang site. Pinark ko na ang kotse ko at isinuot ang hard hat bago dumiretso sa site. Maraming bodyguard ang nakapaligid sa amin nang makarating ako sa site. Natanaw ko na si Darius na nakapamewang na ginagala ang paningin sa labas ng bahay.
"Kuya, naayos niyo na ba 'yong mga gamit na nakakalat sa loob? Sinigurado niyo bang ma-ayos na ang lahat bago kami pumasok?" Tanong ko sa isang construction worker na dumaan sa harap namin. Tumungo lang 'to habang may bitbit na samento.
"Puwede na ba tayong pumasok?" Tanong ni Darius at tinanggal 'yong shade niya sa mata. Tumungo ako bago nanguna sa paglalakad.
"Front door," tinuro ko 'yong pagpapasukan namin. Wala pa 'tong door ngunit may sukat na 'to.
Katulad nang sinabi niya ay modern exterior lang sa labas. Simpleng interior design lang sa sala. Pagpasok mo ay mararamdaman mo ang serious na aura pero for some reason, ang welcoming sa mata dahil mayroon itong warm colors.
Planong kong lagyan ng sofa sa gitna para kapag papasok ka sa front door ay mga sofa ang unang bubungad. Gumawa ako ng paraan para hindi masayang ang space sa gitna.
Sumunod na pinuntahan namin ay ang second floor.
"Naglagay kami nang malaking space para sa closet at sa balcony, katulad ng gusto mo." Sabi ko at inabot sa kanya ang skateboard.
"Maganda... alam kong maganda ang bahay." Saad niya at nililibot ang paningin sa hindi pa gawang bahay.
"Kailangan namin bumalik dito tomorrow. Balak namin i-maximize 'yung space na natitira sa paligid dito para walang sayang. Baka may gusto kang i-suggest para sa mga natitirang space?"
"I want garden," nakangiting sagot niya habang nakatingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin nang maalala 'yong dati. Sa garden sa bahay nila kami madalas tumambay.
Agad kong inalis sa alaala ko 'yong pangyayaring 'yon at pinagpatuloy na ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa balcony.
"Actually hindi lang ako ang titira rito," biglang saad niya kaya agad akong Napatingin sa kanya.
"Okay." Tumango ako. Hindi niya na kailangan sabihin pa iyon. Hindi ko na rin gustong malaman.
"May future house... kasama ang future wife ko." Nakaiwas ang tingin na sabi niya. Hindi ko naman magawang umiwas ng tingin dahil gusto kong makita ang reaksyon ng mukha niya.
Akala ko sapat na 'yong ilang taon para makalimutan ko 'yong bawat parte ng mukha niya ngunit kahit ilang taon pa ang dumaan ay malabong makalimutan ko ang bawat anggulo ng mukha niya. Siya pa rin 'yong darius na nakilala ko dati. Pero hindi na siya 'yong darius na minahal ko. Mahirap na siyang abutin. Kasama ko Siya ngayon, nakakausap pero bilang isang client lang... at bilang normal na tao na lang ang tinginan naming dalawa.
Matapos naming libutin ang buong bahay ay agad na rin akong bumalik sa company dahil may aasikasuhin pa ako roon.
"Anong nangyari sa pagkikita niyo ng ex boyfriend mo?" Mapang-asar na tanong ni Eri bago umupo sa sofa.
Huminga ako nang malalim at hindi siya sinagot.
"Mainit ulo? May nangyari ba?" Tanong niya ulit. Umiling ako bilang tugon."Nag-usap ulit kayo?"
"Siyempre. Hindi naman puwedeng hindi ko siya kausapin, e' client ko 'yon." Pabalang na sagot ko.
"Ayos lang 'yan, ex mo naman na siya... maliban na lang kung may nararamdaman ka pa sa kanya-"
"Over my dead sexy body... wala na!" Depensa ko kaagad. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Hindi na kami bata para sa ganoong bagay.
Pagkatapos namin mag-usap ni Eri ay umuwi na rin ako dahil pagod na. Sinindihan ko 'yong TV habang naghahanda ng pagkain sa lamesa.
Habang kumakain ako, sinubukan kong buksan ang Twitter ko para maki-update sa nangyayari sa paligid.
"I'm already successful... but why do i feel empty?"
Napalunok ako nang mabasa ang tweet ni Darius. Gumagamit na rin pala siya ng Twitter ngayon. Nakakapanibago talaga.
Request lang, pa-support din po ng bago kong story. Iyon po ang madalas kong ina-update. Salamat.
To be continue...
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR LOVE(BOOKTWO)
AzioneA/n Yeahhh so guys ito na yung part two you know what naman masipag si ako hahahaha Sana suportahan nyo ito tulad ng pag suporta nyp sa CPMGP. Ito yung part two ng CPMGP Starting(november 25 2019) Finish()