KABANATA 12

199 20 14
                                    

Nandito na ako sa bar na tinutukoy ni Ericka.  Maraming tao, hindi lang babae ang mga nandito tulad ng sinabi niya. Nagulat ako nang nandito rin sina dave, john at Darius kasama 'yung iba nilang kaibigan.. Lumapit ako kay eri at jen.

"Akala ko ba babae lang? Bakit may boys?" Tanong ko pag-lapit sa kanila. Napanguso si jen bago sumagot.

"Gusto nilang sumama, e." Napailing ako bago kumuha ng tequila at agad na nilagok 'to.

"Sino kaya 'yung babaeng kasama ni darius?" Napatingin ako sa babaeng tinitukoy ni jen. May kasama si Darius na babae at sa tingin ko hindi lang ito basta babae sa kanya.  Pangit pakinggan pero i know na in love soya dito. 





Kung ako tatanungin. Maganda naman 'yung babae. Maputi at may mahabang maalon-alon na buhok at manipis na baywang. Matanggakad at bagay lang sa tangkad ni Darius. Bagay sila 'yon ang masasabi ko.

"Maganda siya. Bagay sila, diba?" Napatungo ako sa sinabi ni eri."pero merong winnie sa buhay ni Darius." 

Hindi ko na pinansin 'yung usapan ng dalawa. Kumuha ako ng shot glass at umupo sa isang sofa. Nag-sindi ako ng yosi at agad itong sinimsim. May mga ilang naglalaro ng beer pong at 'yung iba naman ay nagsa-sayaw sa gitna. 

"Hi, Alex." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si dave at si john pala. Tumungo ako at bumati rin sa kanila.

"Busy ka yata, lately?" Tanong ni john at umupo rin sa sofa. Inabutan nila ako ng shot glass na tinaggap ko naman.

"Busy sa work." Tumungo-tungo sila at nakipag-sabayan sa pag-inom.

"Nasaan si sun?" Ani dave.

"Busy rin sa work," maikling sagot ko. Nanlit ang mata ko sa babaeng dumaan sa harapan ko. Nakasuot siya ng killer heels. Napakagat Labi ako at napaiwas ng tingin. 

Sa pag-iwas ko ng tingin ay saktong nag-tama ang paningin namin ni Darius na ngayon ay namumungay na ang mata dahil sa kalasingan. Nakipag-titigan siya sa akin at hindi ito inaalis kahit na diretso akong nakatingin sa kanya. Hindi ko akalain na ganito siya katapang sa pagka-kataong ito na makipag-titigan sa akin.



May kakaibang ngisi sa labi ko bago nag-iwas ng tingin. Nag-iwas ako hindi dahil hindi ko siya kayang titigan, kundi dahil kita ko kung paano ako gustong titigan ni Darius sa mata. Ramdam ko 'yon kahit malayo siya sa akin at ayokong sirain 'yon kaya respeto na lang sa kanya.

"Alexs, nakamove-on ka naman na kay Darius diba?" Hindi ko alam kung mao-offend ako o matatawa. Matagal na akong nakamove-on sa kanya. Ewan ko na lang kay Darius.

"Matagal na, Dave," sumeryoso ako boses ko.

"So, handa ka na bang makita siyang ikasal?" Do'n ako napatawa sa sinabi niya.

"Of course, ako mag-hatid sa kanya sa altar tulad nang ginawa niya sa akin nung kasal ko."

"Manhid mo naman, alexs," tumawa si dave na hindi ko nagustuhan. Umiling ako.

"Lasing ka na, dave. Punta ka na kay eri." Ani ko.

Umiling siya."Darius is still love you." Para akong nabingi sa sinabi niya. Napahigpit ang hawak ko sa baso at lumabas ang ugat ko sa leeg ko. Napatitig ako sa baso ko at ngumisi.

"He still love me? Then, what do you want me to do-"

"Catch him!" 

"Katangahan! Una na ako," mabilis akong tumayo. Sinubukan pa akong pigilan nina jen kaso hindi na ako nag papigil.

"Alexs," I knew it! Tangina! Makakapatay ako ng tao sa oras na narinig ko 'yung gusto niyang sabihin.



Huminga ako ng malalim bago hinarap si Darius.

"Bakit?" Seryosong tanong ko sa kanya at nakapamulsang sumandal sa kotse ko."bakit mo ako sinundan?" Nakita ko 'yung nakikiusap niyang mata kaya napa-iwas ako. Mahina ako pag-dating dito, kingina!!

"Alexs, pwede ba kitang maka-usap?"

"Kinakausap mo na ako," pabalang na sagot ko ngunit hindi nag-bago ang reaksyon ng mukha niya."tumatakbo ang oras. Ano bang gusto mong sabihin?" Lumapit siya sa akin ngunit naka-yuko na ito.

"Alexs, I'll try to-" pinigilan ko siya sa gusto niyang sabihin.

"Gusto kong itatak mo sa isip at puso mo na may asawa na ako darius. Mahal ko si sun at hindi naman ako tanga para ipagpalit pa siya SAYO! " nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko bagay na hindi ko kayang nakikita sa kanya.

"Mahal mo pa naman ako, alexs, diba?" Umiling ako.

"Hindi na," nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso.

"No! Akexs, please w-wa'g ganito!" Tinulak ko siya at tinalikuran na ito pero ang mas ikinagulat ko ay 'yung yakapin niya ako patalikod. Napayukom ako at napapikit ng mariin.



Ramdam ko na nabasa na 'yung balikat ko. Umiiyak siya?

"Gagawin KO ang lahat bumalik ka lang. Maubos man ako at madurog i always choice you kahit pinaubaya na kita sa iba. "



_____

Please visit my profile para sa iba pang liskook story. Thank you. Follow me rin para sa more update

FIGHT FOR LOVE(BOOKTWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon