kabanata 14

74 5 4
                                    

Dairus's PoV.

"Can i court you?" Nakangiting tanong ko kay Sky habang nakahawak sa kamay niya.

Napipilitan siyang ngumiti bago umiwas ng tingin sa akin, may pangamba sa reaksyon niya.

"Dar..."

"Bakit? May mali ba?"

"Wala, walang mali sa 'yo, pero kasi..."

"Ano?"

Tinitigan ko siya sa mata. Nanatiling naka-iwas ang mata niya sa akin.

"Natatakot ako,"

"Natatakot saan?"

"Hindi kasi gano'n kadali 'yon, dar. Ang hirap sumugal sa isang relasyon. Ang hirap mag-tiwala sa isang taong kagagaling lang sa isang relasyon. Paano kung mahal mo pa si Alexs? Paano kung ginagawa mo lang 'to dahil malungkot ka? Ginagawa mo lang 'to dahil ayaw mong mag-isa, dahil alam mong kahit anong pagmamahal mo kay Alex, hindi mo na siya makukuha ulit."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya at umiwas ng tingin.

Huminga ako nang malalim. Lahat ng sinabi niya ay parang tama sa pandinig ko.

Tama nga ba siya?

Ginagawa ko lang ang mga 'to dahil natatakot akong mag-isa?

O baka dahil alam kong hindi na magiging akin si alexs?

"Bumalik ka na sa trabaho mo." Malamig na tugon ko bago tumalikod kay Sky.

Lumabas ako ng office ko at dumiretso sa elevator. Tahimik kong tinahak ang daan palabas ng building hanggang sa makarating ako sa parking lot.




ALEXSANDRA'S POV(LISA.)

"Kamusta na kayo ni Sun?" Tanong ni jen sa akin.

"Ayos naman," maikling tugon ko.

Pagod ang katawan ko. Pagod ang mata ko. Gusto kong magpahinga dahil kagagaling ko lang din sa trabaho.

"Kamusta naman kayo ni Darius? Naguusap pa ba kayo?"

Huminga ako nang malalim at umiling."hindi na. At sa tingin ko wala naman kaming dapat pag-usapan."

"W-wala na ba talaga-"

"Napag-usapan na natin 'to, jen." Pigil ko sa kanya."Masaya na kami sa kung anong meron kami ngayon."

Tumango siya," Okay... aalis na rin ako." Tumayo siya at nagpaalam sa akin bago lumabas.

Uminom lang ako ng isang basong tubig bago lumabas din ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at tinahak ang daan papunta sa isang restaurant.

Dito na ako kakain ngayon sa restaurant, Walang pagkain sa bahay,e.

Pumasok ako sa loob. Mabuti na lang walang gaanong tao. Mas gusto ko 'yung tahimik lang habang kumakain ako.

Umupo ako sa isang table at inabutan naman ako ng waitress ng menu. Habang abala ako sa pag-pili ng pagkain sa menu, biglang natuon ang aking mata sa isang lalaking naglalakad papalapit sa pwesto ko ngayon.

"Hi," nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mata at tinig.

"Dar, kamusta?"

Umupo siya sa harapan ko,hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Ayos lang. Ikaw, kamusta na kayo ni Sun?"

"Ayos naman kami."

"Hindi ko inaasahan na makikita dito. busy ka ba ngayon? Pwede ba tayong mag-usap pagkatapos natin kumain?"

Nagtaka ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako.

"Para saan ba?"

"Gusto lang kitang kausapin. Ang tagal na rin kasi noong una tayong nagkamustahan." Naging emosyunal ang boses niya."Ang dami na kasing nangyari, ang dami nang nagbago. Ang daming dumating, at ang daming nawala."

"Ganoon talaga, nagbabago ang mga tao." Sabi ko.

"Naalala mo pa noon, 'yung una nating pagkikita sa cafeteria? 'Yung mga away natin noon. 'Yung mga kagagohan ko. 'Yung mga araw na hindi ko inasahan nadarating ka sa buhay ko at mamahalin ko nang lubos. Paano kung hindi ako umalis noon para hanapin ang sarili ko? Paano kung nanatili lang ako rito, ako pa rin ba Alexs?"


Binaba ko ang hawak kong menu atsaka tumingin sa kanya.

"Oo. Pero choice mo ang lahat, dairus. Choice mo na saktan ako, choice mo na iwan ako."

"Alexs-"

"Kung isusumbat mo sa akin na nahihirapan ka ngayon, gusto ko lang din isumbat sa 'yo ang paghihirap ko noon. Umasa ako na ako yung magiging sandalan mo noong araw na hindi mo na alam ang gagawin mo, noong araw na pakiramdam mo pasan mo ang problema ng mundo. Gusto kong iparamdam sa 'yo na nandito lang ako lagi sa tabi mo, Pero pinili mong lumayo sa akin at hanapin ang sarili mo sa iba... isang taon akong naghintay. Araw-araw kong hinihiling na sana ako lang, ako pa rin 'yung mahal mo. Kahit mas maraming hihigit sa akin, gusto ko ako lang dairus. Pero hindi ko akalain na darating ang araw na hindi na pala ako, at hindi na magiging ako."

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa mata ko.

"Alexs..."

"Tinanong ko ang sarili ko kung karapat-dapat ba ako sa 'yo? Enough ba ako para sa 'yo? Pinatay mo ulit ako dairus. Kinulong mo ako sa lungkot. Ang daming beses na gusto kong magalit sa 'yo at itanong kung bakit hindi na ako? Akala ko ba babalik ka at ako lang? Hindi mo alam 'yung sakit na makita 'yung taong mahal mo na masaya na sa feeling ng iba habang ako, nakakulong pa rin ang sarili sa lungkot."


Nag-flashback sa utak ko 'yung mga nangyari noon, bagay na gusto ko nang kalimutan. Hindi ko mapigilang lumuha dahil sa kirot na nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry," 'yun lang ang nasabi niya.

Hindi ko na magawang magsalita. Nawala na rin "yung gutom ko.



"Hindi perpekto ang relasyon namin ni Sun, pero sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal. At binigay niya saakin 'yung pagmamahal na hindi ko hiniling."

"Alam kong masaya ka na sakanya, at wala na akong balak na guluhin kayo."

Sa pagkakataong ito, diretso na ang titig niya sa akin.


"Gusto ko nang palayain ang nararamdaman ko sa 'yo alexs. Gusto ko nang bumitaw. Nilapitan kita rito para sabihin sa 'yo na... pinapalaya ko na yung nararamdaman ko para sa 'yo. Alam kong masaya kana, at masaya ako para doon. Gusto ko nang magsimula nang panibagong buhay kasama 'yung babaeng nagpapatibok ng puso ko ngayon." Nakangiting sabi niya.


Tumango ako sa sinabi niya."Sino naman 'yung babaeng 'yon?"

Ngumiti siya."ipapakilala ko rin siya sa 'yo soon. Masaya ako dahil nasabi mo na 'yung totoo mong nararamdaman noon. Alam kong nasaktan ka sa ginagawa ko, at hindi ko hihilingin na patawarin mo ako alexs. Hindi ko na ipaglalaban ang pagmamahalan na 'to."





Ang daming nangyari. Ang daming nawala, ang dami ring dumating. Ang daming luha at tawa. Ang daming pangako na hindi natupad, at ang dami ring nangyari na hindi mo inaasahan.


Sa relasyon naming dalawa ni dairus, narealize ko na Kahit anong hirap, kahit harapin niyo pang dalawa ang mga pagsubok, kahit gaano niyo kamahal ang isa't-isa, kung hindi talaga kayo para sa isa't-isa, ipilit mo man, hindi talaga.


Pagod na akong lumaban...

Ayoko nang ipilit...

Oras na siguro para sumuko...

Oras na siguro para magtapos.



A/N...

Next month ulit next update hehehehe. Bye.

FIGHT FOR LOVE(BOOKTWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon