PROLOGUE

136 8 2
                                    

Prologue

"Baka mahuli tayo." Claude said while carefully walking beside me.

"Talagang mahuhuli tayo kapag ganiyan ka kaingay." Saad ko na naiinis.

"Hello Zy? Still there? " Kuya's voice was heard in our earpiece.

"Yes, kuya." Dahan-dahan kaming naglalakad ni Claude papunta sa 25th floor kung saan matatagpuan ang mga kalaban.

"Zy. Anong floor kayo?" Nag-aalalang tanong ni kuya.

"24 kuya. Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Zen. Zen. Zen!" Tawag sa akin ni Claude. Lumingon ako sa kanya.

"Ano?! Wag ka maingay baka mahuli tayo ano ba naman." Masungit na sabi ko.

"Zen. Zen may tao. Zen may b-baril sila. Zen ano na gagawin natin." Nagpapanic na siya. Naglakad ako habang may kaba sa dibdib ko. Kinakabahan ako ng matindi.

"Zy umalis na kayo diyan please. Zy!" Sumisigaw na si kuya ngunit patuloy pa rin ako sa paglakad.

"Zen, sundin na natin si Pres. Zen sigi na, natatakot na ako." Pati si Claude na kilala kong matapang sa ano mang bagay ay takot na takot na ngayon. Wala akong pinakinggan sa kanila at patuloy pa rin.

"They are still trying, aren't they? Those kids." Bigla akong napahinto. Napalingon ako kay Claude at pareho kaming gulat na gulat.

"Zen, siya 'yon diba? Zen, yung boses. Siya iyon diba" Nanginginig na ako at ganun din itong kasama ko. That voice, sino ba naman ang hindi makakakilala sa boses na iyon? He's the voice that keeps that keeps calling names of people inside of their heads. Ngunit kahit kinakabahan ako, kahit alam kong delikado, nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Zy! Makinig ka sakin please! Umalis na kayo!" Naiiyak na si kuya.

"Zen. Zen tama na. Zen natatakot na ako." Si Claude naman ay hatak-hatak na ang aking jacket. Hindi ako nagsalita at patuloy pa rin sa ginagawa ko. Matagal pa lang, gusto ko na makita ang mukha niya. Marami akong tanong sa kaniya na kailangan ng kasagutan. This is my chance.

"Oh? Ang tapang niyo talaga. Ano nga Zenelaida?"

Parang nalagutan ako ng hininga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko tumakbo pero hindi ko magawa.

May naglakad papunta sa harapan ko. Yung mga balahibo ko, nagsitayuan lahat. Yung pawis ko, natuyo. Hindi ako makahinga ng maayos.

"Zen!"

"Zy!"

"Zenele!"

Sabay-sabay na tawag ng mga kasama ko. Umiiyak na ako sa sobrang takot. Ito na ata ang huli ko.

Tumawa ng malakas ang lalaki at sabay ngumiti sa amin.

"Time is over, Dreamers."







A/n: This story was just my full imagination. Places, persons (living or dead), names, dates, things, and locations that are similar to real-life were just pure accident/coincidence.

No to copyright and plagiarism. I know you all know that plagiarism is a crime. DO NOT STEAL ANYTHING IN THIS STORY UNLESS I'VE AGREED ON IT. Alright Reserves

This story may contain, violence, and brutality that are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK, YOU HAVE BEEN WARNED.

This is my first time writing this kind of genre, don't expect from me too much, grammatical and typographical errors ahead, I will edit this story once I've finished it. Enjoy~

Arise, DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon