CHAPTER 3
"Zen, may nalaman ako."
Agad akong napatayo sa aking inuupuan.
"Shit." Saad ko. Patay tayo diyan.
"Ano nalaman mo?" Kabadong reply ko sa kaniya.
"Bakit hindi mo sa'kin sinabi kaagad?" Hindi ko na nagawang replyan siya at tinakbo ko na si kuya sa labas at may hinala akong mayroon nanamang sinabi si kuya kay Dion.
"Kuya!" Sigaw ko. Lumingon sa akin si kuyang takang-taka.
"Ano nanaman? Ingay-ingay mo." Naiinis na sabi sa akin ni kuya habang naglilinis ng bike niya.
"Ano yung sinabi mo sa kanya ha?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin at saka napangisi.
"Wala akong sinabi." Sagot niya sa akin habang nakangisi pa rin. Umupo ako sa harapan niya para makausap siya ng maayos.
"Ano nga kasi kuya?" Pagmamaktol ko sa kaniya.
"Ano ba kasi nangyari?" Tanong niya sa akin.
"Ewan ko sa'yo." Masungit na sabi ko
"Kitain mo baka nagreply na." Nanlolokong sabi niya.
Kinita ko yung cellphone ko at nagreply nga siya.
"Dumating na pala si kuya Chriz. Bakit di mo sinabi sa akin agad?" Sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag saka hinampas si kuya.
"Epal ka." Sabi ko sa kaniya.
"Inaano nanaman kita?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Wala." Sabi ko sabay pasok sa loob.
"Punta ako diyan sa inyo, sunduin mo ako rito sa'min." Chat niya sa akin.
"Sige. Wait lang." Nakangiti ako habang nagrereply sa kaniya. Agad akong pumunta sa kwarto ko para magbihis. Pumasok si kuya sa kwarto ko at nakataas ang isa niyang kilay noong nakita niya akong nakabihis.
"At saan nanaman ang punta mo?" Sabi niya habang taas baba ang tingin niya sa akin.
"Secret, no clue, bawal mo malaman." Nakangiti kong sabi sa kaniya habang nag-aayos ng buhok sa salamin.
"Bye brother." Sabi ko sa kaniya bago umalis.
"Saan ka na?" Chat niya sa akin. Napangiti naman ako sa chat niya. Kinikilig ako ano ba.
"Malapit na, maghintay ka fleece." Reply ko sa kaniya.
"Zen, nanadito ka na pala. Pasok ka anak." Salubong sa akin ni Tita Jen, stepmother ni Dion.
"Thank you po."
"Saglit lang ha, tatawagin ko lang si Dion." Inakyat niya si Dion sa kwarto niya.
Nag-cellphone na lang ako habang hinihintay siya.
"Pst." May sumitsit sa akin sa 2nd floor. Alam ko naman na ang boses na iyon pero tumingin pa rin ako sa kaniya.
Nakita ko si Dion nakangiti sa akin. Napatayo naman ako sa sofa at pupuntahan sana siya.
"Diyan ka lang, bababa na ako." Napatango ako at naghintay. Nang bumaba siya ay mas lalong lumawak iyong ngiti niya.
"Bat naka-bihis ka?" Naglolokong tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ay namumula na ako.
"Masama ba maging maganda?" Mataray na sagot ko sa kaniya.
"Ma, punta na kami, kuya." Pagpapa-alam ni Dion sa kanila, hindi ko namalayan na naroon pala yung kuya niya sa 2nd floor. Nagtama yung tingin namin kaya nginitian ko na lamang ito at umiwas.
"Ingat nak." Sabi ni tita.
Naglalakad kami, papunta sa bahay, tahimik kami, kapag nagtatama paningin naming iiwas agad ako. Ang awkward. Binilisan ko na ang lakad ko para mas mabilis makapunta sa bahay, binilisan din naman niya ang lakad niya para siguro'y maka-abot sa akin.
Noong pumasok kami sa bahay, Nakita ko si kuya na kakaligo. Tumingin siya sa akin, tapos kay Dion, tapos sa akin uli, saka ngumiti.
"Kaya pala naka-bihis si inday." Patuksong sabi niya. Namula ako bigla pero hindi ko ito pinahalata kay Dion. Nakipag-apir silang dalawa sa isa't-isa.
"Laki mo na ano. Binata ka na. Pwede mo na ligawan itong kapatid ko." Napakamot na lamang sa batok si Dion saka yumuko. Mahiyain si Dion, hindi siya sanay sa mga ganitong sitwasiyon.
"Kuya stop na." Pagalit na sabi ko. Huminto naman si kuya at umakyat na, magbibihis siguro.
"Ano gagawin natin?" Tanong ko.
"Bakit ka pa kasi pumunta rito? Wala naman tayo magagawa." Dagdag ko pa.
"May photo album ka ba diyan? Yung pictures natin nung bata pa tayo? Meron ba?" Tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo at kilay. Bakit niya itatanong iyun?
"Oo, meron. Bakit mo natano-"
"Pwede pakita?" Putol niya sa sinabi ko. I just shut my mouth, saka tumango.
"S-sige, teka. Manang Beth, pwede pong pakikuha yung isang photo album sa storage room? Yung pictures po nung mga bata pa po kami." Sabi ko kay manang. Sumulyap ako kay Dion na nasa sofa saka nginitian ito.
"Marami yung nasa storage room Zenelaida, kaya itong kahon ang kinuha ko." Sabi saakin ni Manang habang inaabot sa akin yung kahon.
"Dahan-dahan anak, mabigat iyan." Pagpapa-alala sa akin ni Manang.
Pumunta na ako kay Dion at nilapag sa sahig yun kahon. Agad-agad niyang pinagbubuklat ang mga photo album na naroon. Nakakunot ang noo niya habang nagbubuklat.
"Bakit gusto mo tingnan iyan sila? Bakit ganiyan din ang mukha mo?" Hindi ko na napigilan magtanong, dahil nagtataka na ako.
"Nasaan siya rito Zen? Wala siya rito." Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Anong siya?" Dumoble na ang pagtataka ko sa kaniya. Anong pinagsasabi nitong lalaki na ito?
"Hindi mo rin siya natatandaan, Zen?" Halos maiyak na siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko at sobrang nagtataka na ako.
"Anong hindi ko matandaan Dion? Anong siya Dion? Sinong wala? A-ano ba iyang mga pinagsasabi mo?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.
"Si Claude. Nasaan Si Claude? Natatandaan mob a si Claude?"
BINABASA MO ANG
Arise, Dreamers
FantasyA world full of catastrophes, suddenly feels like déjà vu . It feels like a dream. It feels like I am dreaming. I went to my bed, ready to sleep. Then, sudden goosebumps, sudden sweating, sudden memories flashed inside my head. The next thing that...