CHAPTER 1 - Beginning

62 5 2
                                    


Chapter 1

"May link na?" Nag chat sa gc namin yung isa kong kaklase. 9 am na kasi, kaya panigurado magse-send na si sir ng link para sa online class.

"Meron na." Sagot naman ni president.

Napabangon ako sa pagkakahiga ko para makapaghanda na sa klase.

"Bwiset, may pasok pa kasi." Mahinang reklamo ko habang binubuksan yung laptop. Sa totoong lang wala ako naiintindihan sa mga lessons naming nung nagsimula itong school year.

Nag-enter na ako at nag attendance, sabay kuha sa cellphone ko at nag-Twitter na lamang. Scroll lamang ako ng scroll nang bigla ako tinawag ng teacher namin.

"Ms. Romson, can you please summarize our lesson?" Napa-ayos kaagad ako ng upo.

"Hala. De ko alam." Sabi ko na agad sa sarili ko.

"Yan. Yan ang mga nangyayari sa mga hindi nakikinig. Hindi mo alam ano? Hala sige, 'wag ka pa making sa susunod ha." Saad ni sir sa akin. Di ko alam naka-unmute pala ako. Dali-dali kong pinindot yung mute button at napa-exhale nang malakas.

Tumunog yung selpon ko at nakita kong pinag-uusapan na ako ng mga kaklase ko sa GC. Tingnan mo nga naman itong mga tarantadong ito mga chismosa.

" Hala ka Zenele. HAHAHAHA."

"Bakit kasi di mo minute? HAHAHAHA"

"Makinig ka na raw kasi sa susunod."

Hindi ko na lamang sila pinansin at nakinig na lamang sa mga announcements na sinasabi ni sir. Hindi rin naman matagal at nag end na ang klase. Walang pinagawa sa amin ngayon dahil computan na ng grades for 2nd Quarter.

Bumaba na ako para kumain kasi gutom na ako.

"Ang init." Singhal ko.

"Ang init sa Pinas. Grabe Lord." Dagdag ko pa.

Kumuha ako ng Ice Candy na pinagtitinda ni Mama para mabawasan ang init na nararamdaman ng katawan ko. Bumalik ako sa kwarto ko tapos humiga. Balak ko sana matulog pero nag-chat sa akin si Kuya.

" Oy. Uuwi na ako ngayon." Napatayo ako dahil medyo nagulat ako.

"Weh? Diba bawal pa?" Reply ko sa kaniya.

" Nagpa-swab test ako tanga." Ay totoo nga. Pinindot ko na lang yung like button dahil tinatamad ako replyan siya. Lumabas ako ng kwarto ko para sabihan si mama tuungkol kay kuya.

"Ma. Uuwi na raw si kuya." Nagulat si mama sa sinabi ko.

"Kelan daw? Why didn't he tell me" I just shrugged my shoulders and proceeded to my room.

Matutulog sana ako nang biglang tumunog ulit yung selpon ko.

"Bat baga tunog ka nang tunog?" Naiinip na ako ha. Ang ingay-ingay.

"Zen, nasa labas niyo ako." Napangiti ako, mabilis akong lumabas ng bahay. Nakita ko siya nakatayo sa gilid ng gate namin. Ang gwapo.

"Dion!" Sigaw ko. Napalingon siya sa banda ko sabay ngumiti. Si Dion, kababata ko. Magkaibigan yung mga magulang naming kaya magkaibigan din kami, simula't-simula close na kami.

"Napagalitan ka ni sir ano?" Nanlolokong sabi niya sa akin. Biglang nawala ang ngiti ko at sumimangot.

"Kung ang pinunta mo lamang dito ay ang mambwisit, papasok na ako." Inis kong saad.

"Uy de, joke lang hoy! May sasabihin kasi." Lumingon ako sa kaniya at nagtaas ng kilay.

"Ano?" Masungit kong tanong.

"Face to face na raw ang klase next week." Napa-kunot ang noo ko.

"Paanong mag f-face to face? May pandemic shunga." Sagot ko sa kanya na natatawa.

"Hala ka. Di ka updated? Pinayagan na lugar natin bhie. Yan masyado ka kasing focus diyan sa k-pop mo." Itinawa ko na lamang at pumasok kami sa bahay. Binuksan ko yung TV para may mapanooran.

"Ilang paaralan sa bansa, pinayagan na ng gobyerno na magkaroon ng face-to face classes ayon-" Napatay ko bigla yung TV dahil sa gulat. Shocks legit nga.

Nagbukas ako ng Twitter at tiningnan ang trending list. Malamang nag trending yung balita. Samu't-sari ang mga komento nila dun. Bakit daw pinatupad agad eh may pandemic pa. Yung iba naman todo sana all kasi hindi kasama yung lugar nila. Napangiti na lamang ako .

Wala ako magawa ngayon kasi Sabado. Di pa rin ako maka move on dun sa balita kahapon. Feeling ko ang sarap ng tulog ko kagabi. Di ko alam kung ano ang meron pero sumaya ako ng bongga.

Finally, this online- whatever it is called is finally over. Grabe rin ano, makapagod maging student, ang daming mga pinapagawa tapos hindi pa considerate yung ibang prof huhu, kaya siguro sumaya ako kasi kahit papaano makaka-ahon na rin ako.

"Anak. Kasya mo pa ba yung dati mong uniform?" Tanong sa akin ni mama habang nagluluto.

"Yes, ma."

"Magpapatahi pa sana ako, buti na lang kasya mo pa." Napatango na lamang ako. Isang taon ko rin hindi nasuot yung uniform ko gawa ng pandemic, medyo makamiss din suotin. Kami lang ngayon ni mama ang nasa bahay dahil nasa palengke si papa, namimili ng groceries.

Kumakain kaming dalawa ni mama nang biglang may kumatok sa pinto.


"Ako na ma." Sabi ko sa kanya.

Binuksan ko ang pintuan at biglang may sumalubong na yakap sa akin.

"Namiss mo si Kuya?" 

Arise, DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon