Chapter 11
Nakagat ko ang ilalim ng pisngi ko dahil sa kaba. Dahan-dahan kaming tumayong magkaka-grupo, dahan-dahan para hindi gumawa ng gaanong ingay.
"Bilisan ninyo Group 4, hindi lamang kayo ang mag-r-report." Ma-awtoridad na sabi ni Sir Marquez sa amin.
Kinabahan ako lalo nang makita na masama na ang tingin sa amin ni sir, tiningnan ko ang aking mga ka-grupo nab akas din sa mukha ang kaba.
"Notify us kapag handa na kayo, bilisan ninyo." Saad ni Sir Marquez habang naghahanda kami. Laptop ng isa naming kamember ang ginamit namin, ang kaso ay mabagal ito.
"Matagal pa ba?" Sumagot kami ng 'hindi' sa tanong ni Sir Atienza. Tatlo na kami na nag-aayos dito sa laptop, at sa kaawaan naman ng Diyos gumana ito.
"Sir, ready na po kami." Malakas na sabi ko. Umupo ng maayos ang dalawa naming guro at kami ay tinunguan habang binabasa ang sofycopy na pinasa namin.
"You may start now." Napahinga ako ng malalim at tiningnan muli ang aking mga kagrupo.
"Tara na" Umayos na kami ng pwesto at nasimula na.
"Good afternoon everyone, this is our presentation."
Maayos ang naging daloy ng reporting namin, tuloy-tuloy kaming nagsasalita. Napansin ko rin na nakangiti si Sir Atienza habang nagp-present kami......Si Sir Marquez, ewan.
"Thank you for listening!" Si Rey ang nag-end ng presentation namin, siya ang technical director ng group.
Pumunta kami sa gitna. Ngayon, magsisimula na magtanong sila sir, dito ako kinakabahan ng husto.
"Okay, so ang business niyo ay delivery service? Tama?" Tanong ni Sir Marquez.
"Yes po."
"Opo."
"Yes sir."
"Opo sir."
"Yes ho."
Sabayan naming tugon.
"Bakit ito ang pinili niyo na business? Ms. Romson?"
"We picked this line of business because many individuals are unable to go outside and eat at their favorite restaurants because it is difficult for them to do so, or because they are preoccupied with their jobs; this is the primary reason why we established our delivery service, sir." Nakita kong tumango-tango Si Sir Atienza ngunit mukhang may gusto pa ata itanong ang isa.
"Sa tingin niyo magiging successful ang business ninyo? Knowing na marami kayong magiging kalaban dito sa field na ito, maraming mas sikat, maraming mas passionate, sa tingin niyo magiging successful iyan?"
"Sir-" Sasagot na sana ang isang kong ka-grupo ngunit pinutol ito ni sir.
"No, I am talking to Ms.Romson." Sagot niya habang nakatingin sa akin.
"I-" Hindi kaya magprocess ng aking utak ngayon dahil sa kaba.
Nakita kong tumaas ang gilid ng labi ni Sir Marquez, napatingin din ako sa aking mga kaklase na nagbubulungan.
I closed my eyes and took a deep breath, before proceeding to answer sir's question.
"Yes sir, we expect our business to be successful because we are passionate about our business. We recognize that we are not experts or professionals in this sector, and we acknowledge that it will be difficult for us to make our business as successful as we envisioned it to be, especially because we are still students. However, I believe that the assistance of our loved ones, as well as their advice, will be of great assistance to us. I also believed that we can learn through experience. Marahil po, hindi kami gaano kagaling dito sa ngayon, ngunit malaki po ang chance mag improve po ang skills namin dito sa field na ito, because learning is a process, and in that process in tooks time, and in that time we will try our very best to be better each day. Thank you po."
BINABASA MO ANG
Arise, Dreamers
FantasyA world full of catastrophes, suddenly feels like déjà vu . It feels like a dream. It feels like I am dreaming. I went to my bed, ready to sleep. Then, sudden goosebumps, sudden sweating, sudden memories flashed inside my head. The next thing that...