Chapter 2
"Namiss mo si Kuya?" Nakangiting sambit sa akin ni kuya habang yakap-yakap ako. Hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa na itong tumulo. It's been 9 years nung last kong makita si kuya, I missed him very much.
"Chriz anak! Diyos ko 'nak ikaw na ba 'yan?" Pati si mama ay naluluha na noong nakita si kuya. Sumama si mama sa yakapan naming ni kuya at sabay kaming umiyak.
"Ba't umiiyak kayo? HAHA. Chill ma ako lang 'to." Natatawang saad ni kuya noong kinalas niya yung yakap. Tumingin si kuya sa akin at lalo itong nagtawa nang nakita niya ang mukha ko.
"Ang pangit mo Zy. Grabe, ako lang ata ang maitsura rito." Bigla ko siyang binatukan at tumawa rin ako.
Lumapit si kuya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.
"Tahan na, nandito na si kuya. Sorry kung ngayon lang ha." Lalo ako umiyak at niyakap muli si kuya. Kuya is my best buddy, simula bata ako hindi kami mapaghiwalay,lagi niya ako pinagtatanggol sa mga nanloloko sa akin. Kahit malaki ang age gap namin, parang tropa pa rin kami, kaya siguro ganoon na lamang ang lungkot ko noong nalaman ko na pupunta si kuya sa ibang bansa para mag-aral.
"Bakit hindi mo sinabi na ngayon ka dadating? Nasundo ka sana naming ni Zeneladia" Sabi ni mama kanya.
"Edi wala na thrill ma." Sabi ni kuya kay mama.
"Tara kumain, baka lumamig na yung niluto ko."
Tahimik kaming kumakain nang biglang magsalita si kuya.
"Malapit na debut ni Elly ano mama?" Tumingin siya sa akin saka sinundot-sundot ang tagiliran ko "Naks, eighteen ka na." Hindi na lamang ako umimik at patuloy na kumain.
"Oo nga anak, pa-eighteen ka na. Ang bilis ng panahon ano, dati- "
"Ma, baka hindi na po tayo matapos dito pag tinuloy mo pa po iyan." Pinutol ko na ang sasabihin ni mama kasi alam kong hindi nanaman yon matatapos sa sobrang haba.
"Anak, pag debut diba mayroong partner dapat yung celebrant. Sino gusto mo? Tanong ni mama.
"Ako ma. Ako ang partner ni Elly. Diba Elly? Sabat ni kuya saka tumingin sa akin. Yung mga mata niya, parang sinasabi na siya ang piliin ko, alam kasi ni kuya na may gusto ako kay Dion.
" 'Wag mo sabihin na si Dion ang partner mo? Elly, bakit? Nasasaktan ako Zy." Kinurot ko na lamang siya.
"Ang drama mo. Oo na, ikaw na partner ko." Ngumiti si kuya sa akin, at ngumiti rin si mama.
Nasa salas kami ni kuya, nanonood siya ng TV habang ako nagy-youtube sa cellphone.
"Di ka pa rin umaamin?" Tumingin ako sa kaniya na nagtataka.
"Kay Dion. Hindi ka pa rin umaamin? Napatigil ako sa ginagawa ko.
"Wala akong balak umamin kuya, lilipas din 'toh" Sabi ko sa kaniya at kumuha ng tubig.
"Yan ka nanaman. Ilang beses mo na iyan sinasabi sa akin. Umamin ka na kasi."
"Ayaw ko nga."
"Bakit? Takot ka masira friendship niyo ano?" Tanong niya sa akin.
"Ikaw? Bakit hindi ka pa rin umaain kay Ate Anaka?" Tanong kong nagpatahimik sa kaniya, napatawa ako at umupo muli sa sofa.
"Torpe ka rin pala eh. Sabagay, sa iyo ako nagmana."
Humiga ako sa sofa at gusto ko matulog, wala kasi ako magawa kaya matutulog na lamang ako.
"Kuya pakihinaan ng kaunti yung TV, matutulog ako." Sabi ko sa kaniya ng nakapikit.
"Zenelaida. Gising na Zenelaida." Nangt-trip ata si kuya. Hindi ko na lamang ito pinansin at pilit na natulog.
"Masarap ata ang buhay mo diyan Zenelaida. Gumising ka na ija." Naiirita na ako.
"Zenelaida-"
"Ano ba kuya?! Natutulog yung tao-" Napabangon ako at nakitang takang-taka si kuya sa akin.
"Nangyayari sa'yo?" Tanong sa akin ni kuya.
"Bakit mo ako tinatawag ha?" Kumunot ang noo nito.
"Anong tinatawag? Nasa labas ako gaga. Pinatay ko yung TV nung sinabi mo na maingay tapos lumabas ako." Sabi niya sabay napakamot ng ulo.
"Sino nagtatawag sa akin?" Tanong ko, napahawak tuloy ako sa dibdib ko.
"Anong sino? Walang nagtatawag sa'yo bhie. Guni-guni mo lang siguro." Sabi niya sabay lumabas muli.
Hihiga n asana muli ako nang pumasok muli si kuya.
"Bakit pumasok ka?" Taas kilay kong tanong.
"Grabe. Siyempre bahay ko rin ito. Bawal na ba ako dito?" Inirapan ko na lamang siya at humiga muli sa sofa.
"Alam ko na kung bakit may tumatawag sa'yo." Sabi ni kuya sabay upo sa sahig, nakaharap sa akin. Napabangon tuloy ako.
"Ano?" Napangisi siya noong nagtanong ako.
"Sinasabi ng konsensiya mo na umamin ka na raw kay Dion." Kinuha ko kaagad yung unan at tinapon sa kaniya.
"Kuya!" Sigaw ko.
"Umamin ka na kasi." Babatuhin ko sana ulit si kuya nang inunahan niya ako. Binato niya sa akin pabalik yung unan. Hahabulin ko pa sana si kuya ng makita kong wala na ito sa loob.
Napabuntong hininga na lamang ako at umupo.
"Ano ang pwede gawin?" Nagpost ako sa twitter, sabay nag browse sa app.
May nag chat sa akin. Hindi ko makita yung sinabi niya pero si Dion ang nag chat. Napangiti tuloy ako.
Ngunit noong binuksan ko iyon, nawala bigla ang ngiti ko. Bigla akong kinabahan ng todo.
"Zen, may nalaman ako."
BINABASA MO ANG
Arise, Dreamers
FantasyA world full of catastrophes, suddenly feels like déjà vu . It feels like a dream. It feels like I am dreaming. I went to my bed, ready to sleep. Then, sudden goosebumps, sudden sweating, sudden memories flashed inside my head. The next thing that...