CHAPTER 8 - C2

19 2 0
                                    

CHAPTER 8

Third Person's POV

"I am Baronielle M. Rivera. Nice meeting you." The tall lad confidently said. No one dared to make a sound in the classroom, they were somehow intimidated by the presence of their new classmate. He glanced at each of his classmates, studying their reactions, he smirked when he saw some of them avoiding his stares. The smirk on his face grew wider when his eyes met that person. Zeneladia.

Zeneladia, on the other hand, was just silent and straightly looking at Baronielle. Both of them were staring deeply at each other.

"Baronielle" She whispered his name while her attention still focused on him, or should I say on his face.  Yes, the reason why she is silent at the moment is not because of the intimidating presence the guy is giving, it's because she was so stunned by her classmate's visual.  

"He will be your classmate starting from today, please be nice to him." The professor signaled Baronielle to go back on his seat, the young boy nodded. Walking to his chair, still not breaking his stares he pauses for a minute in front of her and smiled, then proceeded to his place. He took a glance at Zeneladia who's just one seat apart from him, the male chuckled when he noticed that she's still holding the C2 he gave her earlier. 

"Cute" He whispered to himself.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Zeneladia, may binigay ba sa iyong attendance sheet?" Tanong sa akin ni sir sa akin.

"Opo, kanina po." Napatango na lamang si sir sa akin at saka iniabot ang isang papel.

"Magpa-attendance ka ulit, ibigay mo sakin pagkatapos, nasa faculty lang ako." Kinuha ko ang papel sa kaniya. Nakita kong papaalis na sir kaya nagtaka ako dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase, mabuti na lamang at nagtanong ang isa kong kaklase.

"Sir magka-klase po ba?"

"Since it's our first day of face-to-face classes for this school year, I want you guys to know your classmates more, that's why I am giving you guys free time today sa klase ko. Enjoy kayo mga baet" Sa oras na umalis si sir sa classroom, parang mayroon nang giyera rito sa loob dahil sa sobrang ingay.

"Uy pre, sama ka sa'min mamayang tanghali?"

"Saan ka nag-aral last school year?"

"Bakit ngayon ka lang nag transfer?"

"Saan ka nakatira?"

Napalingon agad ako roon sa mga nagkukumpulan na tao, hindi na ako pumunta pa roon dahil alam ko naman na kung sino at anong dahilan kung bakit sila naroroon. Padami nang padami ang mga pumupunta sa pwesto niya, pati ata mga tiga- ibang section ay nakisali na. At dahil may pagkalapit lamang ang aming upuan ay nadamay na rin ako sa kaguluhan, nasasanggi na nila ako.  Lalayo na sana ako sa kanila ngunit natapid ako sa isang bag na nasa sahig. Nakita ko na mayroong kamay na naka-abang sa harap ko, kamay ni Baronielle, inabot ko iyon at nagpasalamat sa kaniya. May balak pa sana siya sa aking sumunod sa aking pag-alis ngunit hindi ito nakatakas sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

"Ang sarap naman ng hangin dito." Ani ko habang naka-upo ako sa upuan dito sa isang kubong malapit lamang sa building namin. Natuwa ako sa mga isdang nakikita ko sa baba. Itong kubo kasi ay nasa gitna ng isang fishpond tapos may glass window sa ibaba kaya makikita mo yung mga isda, para siyang floating kubo kung titingnan. Nakakatuwa kasi pagmasdan yung mga isda na palangoy-langoy, iba-iba rin ang mga kulay nila kaya ang sarap tingnan, idagdag mo pa iyong simoy ng hangin. This place is a perfect spot for those who are bored or want some time alone.

Kinapa ko iyong cellphone ko sa bulsa ko ngunit wala ito, nakalimutan ko pala sa taas. Bigla akong natawa sa hawak ng isa kong kamay, yung C2 na binigay sa akin ni Baronielle hindi ko pa pala nabibitawan. Binuksan ko ito at uminom ng kaunti, mabuti naman at medyo malamig pa siya. Speaking of Baronielle, there's something in him that feels familiar, hindi ko matukoy kung ano, pero noong makita ko 'yong mukha niya ay parang matagal ko na itong kilala, idagdag mo pa na ang bilis ko naging komporatable sa kaniya. Maybe we somehow already met in the past? 

Nasa hagdanan ako ngayon, papunta sa classroom namin para kuhain iyong cellphone ko. Napansin ko na mayroong nakaupong naggigitara malapit sa hagdan, napangiti naman ako nang malaman ko na si Dion pala iyon. Mukhang alam niyang nandito ako kaya itinigil niya ang pagstrum sa gitara niya at tumingin sa banda ko. May kung anong mahika sa mga mata ni Dion na kapag tumingin sa iyo ay agad mong mararamdaman na nanghihina ang mga tuhod mo, napakamalumanay ng mga niya, lalo na't nakasuot pa siya ngayon ng salamin. 

Ang gwapo

"Wala kayong klase?" Tanong ko habang lumalapit sa kaniya. 

"Wala, wala raw si ma'am 'di makakapasok, kaya nag-iwan na lang ng gawain." Sagot niya sa akin habang inaayos ang kaniyang gitara. "Sabay tayo umuwi mamaya?" 

"Wala kayong practice ng banda mo?" 

"Rest muna." Tumayo siya sa pagkaka-upo niya at hinarap ako. "Sabay tayo?"

"Sige." Tugon ko. 

"Hintayin kita mamaya." He then patted my head before leaving. Napahawak ako sa ulo ko nang marealize ko ang ginawa niya. I felt my face getting hot.

"Naks, may date kayo?"  Bigla na lamang sumulpot itong si Baronielle rito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. 

"May date nga kayo?" Tanong niya ulit sa akin, sinamaan ko siya ng tingin dahilan ng pagtawa nito nang marahan.

"Wala." Maiksing sagot ko sa kaniya. Mukhang hindi siya nakuntento sa sagot ko dahil nanloloko pa rin ang tingin niya. "Wala nga."

"Okay." Hindi pa rin niya ako tinitigilan sa nanlolokong titig niya sa akin. "Look into my eyes then."

The moment I stared into his eyes, I became lost. I became lost at his wolf-shaped optics that complement his facial features, it's so captivating. I became lost at his galaxy-like orbs, it looked like the whole universe could fit in, they were shining. Those pairs might be the most beautiful eyes I have seen in my entire life.

"Yung mga mata mo." Mahinang saad ko.

"Anong meron sa mata ko?" He bent down a little so that our heads would be leveled. "Anong meron sa mga mata ko, Zeneladia?"

"Ang ganda." Pag-amin ko. Napangiti siya ng bahagya nang marinig ako. "Ang ganda ng mga mata mo." Pag-uulit ko.

"A lot of people actually complimented and admired my eyes, saying that my eyes are unique and 'yun nga maganda raw. Pero alam mo Zeneladia? Hindi ko iyon sila binigyan ng pansin. I thought that it was just a lame excuse because I don't really see my eyes as pretty the way others described it."  He then stopped for a bit then he came closer to me even more. "But the way you said it, sounds so believable. I want to believe that."

"Maganda naman kasi." Sabi ko sa kaniya.

"Give me a reason why should I really believe you Zenaladia. Give me a reason."  The smirk on his face just grew larger.

"I am a very straightforward person Baronielle. If I am captivated with something I will say that right away. I do not sugarcoat words Baronielle." He backed away after he heard what I said. Ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito.

"Even the way you said my name, makes my name so beautiful. What's with you Zeneladia?" He tilted his head while having one of his hands covering his mouth. 

"Kalma, ako lang ito." Pagyayabang ko sa kaniya. He took a glimpse of my hand that made him chuckled. 

"Buti naman at nabawasan mo na iyang C2 na binigay ko sa'yo."






Arise, DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon