Chapter One

12.2K 264 35
                                    

Chapter One

"Gerlie apo bakit naman ganyan ang suot mo?"

Napangiti nalang si Sally aka "Gerlie" ng harangin siya ng kanyang lola bago siya lumabas ng kanilang bahay.

Ang lola bebe niya ang tumayong nanay at tatay niya dahil ulilang lubos na siya, Namatay ang mga ito four years ago dahil sa isang malagim na plane crash. Ang lola bebe lamang ang kasama niya sa antik na bahay na iyon na pinamana na sakanya ng kanyang mga magulang.

"Lola eto na ho ang pinakamagandang damit ko"  Biro niya

Ibinaba pa ng lola niya ang salamin nito at muli nito tinignan ang kanyang buong kasuotan mula sa kanyang pink na sapatos hangang sa kanyang green na head band.

She's wearing a purple tshirt and green pants. Baduy man sa paningin ng iba ngunit iyon talaga ang gusto niyang fashion. Colorful! Kakaiba lang siguro talaga ang taste niya pagdating sa fashion. Idagdag pa ang makapal na salamin na suot suot niya.

"First day of school mo apo sa kolehiyo baka pagtawanan ka nanaman ng mga studyante doon?" Nag-aalalang sambit ng kanyang lola bebe.

"Wala ho akong care lola. Heto po talaga ang maganda sa paningin ko"

Napabuntong hininga ang lola niya "Apo kolehiyala kana hindi kana high school--"

"Alam ko po iyon lola. Don't worry lola hindi na po ako iyakin ngayon. Kung may mang asar man sakin sa campus dededmahin ko lang po"
 
"Apo" Walang magawa ang kanyang lola kundi bumuntong hininga habang nakatingin sakanya

Ngumiti siya ng matamis at niyakap ito

"I love you lola. Mauna na po ako at baka malate pa po ako sa first subject ko" Nagmadali na siyang tumakbo palabas ng antik na bahay nila.
  
Ang bahay nilang iyon ay parang bahay pa ng mga kastila noon. Ang sabi ng lola niya mga kastila daw ang ninuno nila at ang bahay na iyon ang pinamana ng mga ito sa kanyang daddy hangang napunta iyon sakanya ng mamatay ito.

Hunted house kung ituring iyon ng mga kapitbahay nila dahil nakakatakot ang desenyo nito. Ngunit wala siyang paki-alam dahil ayaw niyang ipabago ang desenyo ng kanilang antik na bahay.

"Apo magpalit ka ng damit--"

Hindi na niya nilingon ang lola niya dahil kukulitin lang siya nitong mag palit ng kanyang damit.

Sumakay na siya sa kanyang maliit na kotse. Kotseng kuba kung tawagin ng mga kapit bahay nila.

Napangiti siya dahil paglabas palang niya sa gate ng kanilang bahay naroon na ang tatlong batang naglalaro sa kalsada na palaging nag babatukan sa tuwing makikita ng mga ito ang kotse niya

"Kotseng kuba pendong peace!" Kinutusan ng isang bata ang kalaro nito at agad naman itong hinabol ng isa pang batang lalakeng naka sando lamang

Napapangiti parin siya sa tuwing nakikita niyang nagbabatukan ang mga ito sa tuwing nakikita ang kotseng kuba niya

Habang nag mamaneho siya dumaan muna siya sa pinakamalapit na bakery sa kanilang bahay. Bumaba siya sa kanyang kotse at deretso siyang lumapit sa bakery.

"Ate pandesal po sampung piso lang" Order niya sa tindera ng bakery

"Hello ganda. Lalo kang gumaganda ha!"

Sa lahat ng tao, Itong tindera lang ng bakery ang tumatawag saknya ng ganda palibhasa suki na siya nito.

"Nambola ka nanaman ate. Sige bente pesos na pandesal na nga" Nakangiting order niya kaya lalong gumanda ang ngiti ng tindera

"Salamat ganda. Tustado parin ba ang gusto mo?"

"Oo ate lahat tustado ha?"

Agad itong kumuha ng isang paper bag na kulay brown kung saan doon nito inilagay ang sampung pirasong pandesal. bente pesos iyon dahil dalawang piso ang isang piraso ng pandesal

Ibinigay agad sakanya ng tindera ang isang supot ng pandesal. Naamoy agad niya iyon.

"Hmm ang bango talaga ng pandesal" Iniabot naman niya dito ang dalawang bente pesos na bayad niya

"Salamat ganda. Hatid ko ba kay lola bebeng ang isang supot?"

Madalas kasi sa tuwing oorder siya ng pandesal dito palagi niyang inoorder ang lola niya at ito na mismo ang nag dedeliver sa bahay nila. Ganon ito kabait sa mga customer nito lalo na sakanya

"Oo ate dating gawi"

"Salamat ganda! Ingat ka! Pasukan na pala ano? Parang kakasimula palang ng bakasyon heto nanaman ang pasukan"

"Opo ate. Sige mauna na po ako baka malate pa ako."

"Bye ganda!"

Tumakbo na siya sa kanyang kotseng kuba. Bago niya pina-andar iyon kumaway pa muna siya sa babaeng tindera ng pandesal. Ate Petra ang pangalan nito. Mabait ito at ito lang ata ang naging kaibigan niya sa lugar nilang iyon.

Marami kasi sa nga kapit bahay nila ang naweweirdohan sakanya maliban dito. Ito lang rin ang hindi natatakot sa antik na bahay nila. 

Sabi nga ng lola niya baka magkapatid daw sila sa past life nila.

Nilakasan niya ang music sa loob ng kanyang kotse habang nagmamaneho siya. Kinakain na rin niya ang mainit na pandesal kahit walang palaman ay masarap na.

Medyo maulan sa labas kaya bagay na bagay ang malungkot na sounds sa weather na iyon.
 
Ang kantang All by my self pa naman ang pinatutugtog niya

"All by myself anymoreeee..." Sinabayan niya ang kanta habang kumakain siya ng pandesal

Masaya naman siya sa kanyang buhay ngayon. Kahit pa single forever na ata ang drama niya. Wala naman kasing nanliligaw sakanya. Mukhang naweweirdohan ata ang mga lalake sakanya kaya walang nagtatangkang ligawan siya.

May mga naging crush siya noon ngunit panay artista lang ang nagiging crush niya. Mas gusto niya naman maging single forever dahil mataas rin ang standards niya pagdating sa boys! Hindi siya basta basta nagkakagusto lang. Ayaw niya sa pangit at mukhang adik. Ayaw niya sa lalakeng may bisyo at tambay. Ayaw niya sa lalakeng may edad na! Ayaw niya sa lalakeng mabaho. At marami pang iba.

"Ang sarap kayang maging single forever.." Napapa-iling nalang siya sa kanyang sarili habang nagmamaneho siya. Wala naman kasi siyang napupusuan na lalake sa buhay niya bukod sa mga artistang pinapangarap niya. Madali rin kasi siyang maturn off.

Sa katunayan wala pa siyang nagiging nobyo kahit isa. Zero as in zerooooo!

Paano ba naman kasi choosy pa siya eh hindi naman siya maganda?

Napanguso siya "Maganda ako no bulag lang sila." kontra niya sa kanyang sarili.

Nang makarating siya sa bagong campus na pag aaralan niya namangha siya sa parking lot palang halatang mayayaman lang ang nakakapag aral doon

Nagpapasalamat parin siya sa magulang niya dahil bago pumanaw ang mga ito naayos na ng mga ito ang scholarship niya hangang kolehiyo kaya hindi sila nahihirapan ng lola niya

Paid in full na ng mga magulang niya ang tuition fee niya dahil sa aksidente ng mga ito. Malaking pera din ang binigay ng life insurance ng mga ito sakanya. Nakakatulong iyon para sa monthly bills nila ng lola niya

Nais niya rin mag hanap ng part time job habang nag aaral siya dahil unti unti na nauubos ang saving niya. Kailangan kasi ng lola niya ng mga bongang bongang vitamins. Ayaw niyang pabayaan ang health ng lola niya

She parked her cute car at the exclusive parking area. Hindi naman niya alam na exclusive parking area iyon.

Kaya wala pang limang minuto ng marinig niya ang isang busina mula sa likod niya. Kakalabas palang niya ng kotse niya kaya napatalon siya

"Ay kabayong halimaw!" Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil sa gulat sa malakas na pag busina ng itim na kotse sa likuran niya

Bumaba ang driver ng kotseng itim. Naka-uniform ito na kulay puting polo. Sa tancha niya nasa early thirty's lang ito.

Nakashades pa ito ng kulay itim kahit umaambon ambon pa?
 
"Yo Miss! Don't chu know dat this place is my boss place? Doncha?!"  Singhal nito sakanya

Napataas naman ang kilay niya dahil halatang english barok ang pag-english nito.

"Ano ho manong?" Hawak parin niya ang kanyang dibdib dahil sa gulat niya sa ginawa nito

"Itchupid. I said, I said dat, I said-Sabi ko bakit mo pinark diyan ang kotse mo? Echusive lang yan para sa kotse ng amo ko"

Hindi malaman ni Gerlie kung matatawa ba siya o mapapasimangot dahil medyo komedyanteng masama ang ugali ang driver nito

"Dito ho?" Nagpalingon lingon siya sa paligid. May nakalagay doon na VIP at may pangalan

VIP Kenzo hoffman

"You see dat? Dats my boss pangalan! Kaya you go go now!" Pagtataboy sakanya ng driver

"Pasenysa na ho"

Napakamot nalang siya sa kanyang ulo bago siya muli pumasok sa kanyang kotse at iurong iyon. Maghahanap nalang uli siya ng panibagong parking area.

Napatingin siya sa kotseng itim ng pumasok na doon muli ang driver nito. Hindi niya maiwasan mapatingin sa likurang bahagi ng mamahaling kotse na iyon. Umatras siya ng kaunti kaya naging pantay ng kaunti ang mga kotse nila.

Medyo tinted lang bintana kaya natatanaw niya ang napaka-gwapong lalake sa loob ng kotseng itim.

Mukhang suplado ito at tila naiinip na. Hindi niya mapigilan pagmasdan ito kahit side view lang nito ang nakikita niya. Daig pa nito ang mga artista sa kagwapuhan nito. May ganito palang mukha?

Sino ba ito? Bakit napakagwapo naman nito?

School mate niya ba ito? Ang swerte naman niya! First day palang ng kanyang araw sa school na ito at nagtagpo agad ang kanilang landas.

Tumaas lahat ng balahibo sa kanyang katawan ng mapatingin ito sakanya

Nalaglag ata ang puso niya sa pagsulyap nito sakanya. Parang slow motion itong lumingon sakanya. Marahil naramdaman nitong tinititigan niya ito.
 
Kumunot ang nuo nito dahil nahuli siya nitong nakatitig dito.

"Hey miss go go now! My boss is late!" Sigaw ng driver sakanya kaya doon palang siya natauhan. Natulala na pala siya sa napakagwapong boss nito.

Nataranta siyang paandarin ang kanyang kotse upang maghanap ng panibagong parking space.

Napakagat labi siya dahil sa unang pagkakataon mag kakaroon na ata siya ng first real crush.
 
Tinandaan niya ang plate number nito.


Started with a betTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon