Chapter 4
"Salamat Gerlie. Tawagan mo nalang ako kapag may emergency kayo sa shop."
"Okay po sir france. You're welcome"
Bago bumaba ng kanyang kotseng kuba si Gerlie tinapos muna niya ang kanilang pag uusap ng may ari ng jewerly shop na pinagtatrabahuhan niya. Nagpapasalamat kasi ito sakanya dahil palagi nalang siyang mag isang nagtatrabaho ngayon. Madalas kasi absent si maria dahil sa personal issue sa buhay nito
Ayos lang iyon sakanya dahil madali lang naman ang trabaho niya at higit sa lahat malakas sakanya si Maria. Napakabait kasi nito sakanya.
Nag inat pa siya ng kanyang mga kamay at konting streching pagkalabas niya ng kanyang kotse.
Halos mag gagabi na iyon dahil pang night shift ang mga subjects niya.
Inayos niya ang kanyang makapal na salamin bago siya lumakad papunta sa study area. Doon kasi naghihintay si Karen sakanya at sabay silang papasok sa kanilang classroom
Pagpasok niya sa study area maraming studyante ang naroon. Nakakapagtaka nga dahil madalas sa mga ganitong oras eh wala na dapat halos studyante ngunit ngayon tila may fiesta sa study area.
Anong meron?
Marami paring studyante ang naroon
Oh my...
Parang tumalon ang kanyang puso ng mapatingin siya sa isang groupo ng studyante sa bandang gilid. Naroon si Kenzo Hoffman! Kaya naman pala marami paring studyante! Naroon pala ito!
Ngunit ang nagpapabilis ng husto ng tibok ng kanyang puso ay ang atensyon nito! Tila nakatingin ito sakanya habang tinuturo siya ng isang kaibigan nito.
B-Bakit mo ako tinitignan ng ganyan jusko po!
Baka nakikilala niya ako?
Baka naaalala niya ako?
Finally he noticed me!
Agad itong nag iwas ng tingin sakanya ng magkatitigan sila ng kaunting segudo.Ngunit sapat na iyon para mabuo ang araw niya. Parang lumulutang na siya sa cloud nine sa mga oras na iyon.
Napapangiti siya at patuloy siyang lumakad papunta sa pinakadulong table kung saan naroon naka-upo si Karen. As usual nakatutok nanaman ang atensyon nito sa makapal na librong binabasa nito
"Uy Karen! oh my gosh narito pala si Mr.Right" Bulong niya kay Karen na may halong kilig at pasimple niya pang kinurot ang tagiliran ni Karen
"Asa ka naman papansinin ka niyan"
"Naku naku friend huli kana sa balita. Napansin na niya ako! Actually malapit na nga kaming maging close"
Napapakagat labi pa siya habang pasulyap sulyap sa table nila Kenzo.
Napansin niyang nagtatawanan ang mga ito at parang patingin tingin ang mga ito sakanya. Samantalang nakakunot lang ang nuo ni Kenzo. Sa tingin niya, Mukhang inaasar ng mga ito si Kenzo.
"In your dreams. May assignment kana ba?" Pagsusungit ni Karen sakanya. Matalik niya itong kaibigan ngunit may pagkamasungit talaga ito kung minsan"Kahapon pinakilala ako ni Ate Maria kay Kenzo. Nag titigan kami mga ten seconds ata yun tapos nanghina yung tuhod ko. Parang kinuha niya ang lakas ng katawang lupa ko--"
"Tumigil kana nga diyan sa ilusyon mo Gerlie. Look at him? Look at us. Hindi tayo mapapansin ng mga ganyang tao--"
Napalabi siya at pabirong pinalo niya ang patpating braso ni Karen
"Sabi ko na hindi ka maniniwala eh. Ah basta malapit na kaming maging close! I can feel it!"
"Whatever--Oh god"

BINABASA MO ANG
Started with a bet
RomantizmIlang ulit ng nakasalamuha ni Kenzo ang babaeng weird na may makapal na salamin at baduy na kasuotan. Ngunit hindi niya akalain na magiging malaking parte ito ng kanyang buhay. It's all started with a goddamn bet. Natalo siya sa isang game at ang pa...