Chapter 7

3.8K 202 32
                                    

Chapter 7

Ilang beses ng napapatingin si Gerlie sa kanyang wrist watch habang naghihintay siya sa exclusive parking area ni Kenzo Hoffman sakanilang paaralan.

Inaabangan niya ito upang bigyan ito ng pandesal. Gusto niya kasi itong makita at hindi na siya makapaghintay pang makita ito muli. Hindi na ito nawala sa isip niya simula ng sabihin nito sakanyang liligawan siya nito. Gustong gusto na niya itong sagutin ngunit nais muna niyang makasigurado kung seryoso ba ito sakanya.

Ilang minuto palamang siyang nakatayo roon ng matanaw na niya ang kotse nitong papalapit sa parking area na kinakatayuan niya.

Napangiti siya ng husto kahit kumakabog ng mabilis ang dibdib niya. Napahigpit rin ang hawak niya sa isang supot ng pandesal.

Bahagya siyang tumabi ng kaunti sa gilid upang makapag-park ng maayos ang kotse nito.

Unang bumaba ng kotse nito ang driver nito. Ito rin ang driver nito noon ng unang beses niyang makita si Kenzo.

Tumingin ng masama si manong driver sakanya at binaba pa nito ang itim nitong shades

"Watcha doing here?" Tanong ni manong sakanya

Napalunok tuloy siya

"M-May ibibigay lang po ako kay Kenzo" Magalang na sagot niya kay manong driver

"Hindi pwede. Chupi"  Winagayway pa nito ang kamay nito upang paalisin siya

"K-Kaibigan niya po ako--"

"What? No no no. Imposible naman kaibigan ka ng bossing ko."

Tinignan siya nito mula ulo hangang sa kanyang paa.

Nakasuot siya ng uniform ng jewerly store dahil papasok pa siya sa kanyang trabaho ngayong umaga. Nais lang talaga niyang makita si Kenzo upang bigyan ito ng pinakamasarap na pandesal.

"K-Kahit tanongin niyo pa po siya--"

"Umalis kana go go go away dont't come again another day!" Para pa itong kumanta habang pinapaalis siya

"Berto. I know her"

Sabay silang napatingin kay Kenzo dahil bumaba na pala ito ng kotse nito at nakasandal na ito sa gilid ng kotse nito habang nakatingin sakanilang dalawa ng driver nito

"Bossing sure ka?" Hindi makapaniwalang sambit ni Berto. Ang driver ni Kenzo Hoffman.

Kumabog naman ng napakalakas ang kanyang puso ng mapatingin ito sakanya. Bakit parang pakiramdam niya maaliwalas ang gwapong mukha nito ngayon?

"Hi. What are you doing here?" Pakiramdam niya may halong lambing ang tono ng boses nito

Lalo tuloy bumilis ang tibok ng kanyang puso

Ini-angat niya ang supot ng pandesal at ngumiti siya ng matamis kahit kinakabahan siya.

"G-Good morning! P-Para sayo. Breakfast"

Tinignan nito ang isang supot ng pandesal na hawak hawak niya

"No no no. Bawal si bossing sa mga dirty foods!"

Napangiti naman si Kenzo ng kaunti dahil sa sinabi ni Berto. Napanguso tuloy siya

"Malinis po to. Sampung taon ko ng kinakain ang pandesal na to tuwing umaga at hangang ngayon po buhay pa naman ako." Sagot niya

"Come here" Tawag sakanya ni Kenzo habang nakasandal ito sa kotse nito

"Bleh" Agad niyang nilagpasan ang driver nito. Binelatan niya pa ito bago siya lumapit kay Kenzo.

Ini-abot niya kay Kenzo ang isang supot ng pandesal. Tinangap naman nito iyon.

"Nag breakfast nako"

"E-Edi mag breakfast ka ulit. Para hindi ka nalilipasan ng gutom"

Tinignan lang nito ang kanyang mukha. Hindi niya tuloy alam kung anong iniisip nito.

"K-Kung ayaw mo yan ibigay mo nalang kay manong. Gu-Gusto ko lang naman makita ka"

Nag iwas ito ng tingin sakanya dahil sa kanyang sinabi. Napakunot rin ang nuo nito.

"S-Sige mauna nako--"

Hindi pa siya natatapos magsalita ng buksan nito ang supot ng pandesal. Kumuha ito ng isang piraso at kinagatan iyon.

Parang nag-slow motion tuloy ito sa bawat kilos nito sa mga oras na iyon. Hindi niya akalain na kakainin nito ang pandesal na iyon sa harap mismo niya

Napatulala tuloy siya sa gwapong mukha nito habang kinakain nito ang isang pandesal.

"Masarap. Thanks" Medyo nakangiti ito

Lalo naman kumabog ng husto ang kanyang puso. Masaya siya dahil lahat ng pinapakain niya dito ay kinakain talaga nito.

"M-asarap talaga yan. Paborito ko yang breakfast. May kape rin ako dito" Agad niyang nilabas sa kanyang bag ang isang iced coffee bottled na binili niya sa isang sari-sari store kaninang umaga.

Ngumiti ito at tinangap ang iced coffee

"I like coffee's. Thanks"

Naka-nganga naman si manong berto sakanilang dalawa ni Kenzo

Napatitig siya sa gwapong mukha nito ng inumin rin nito sa harapan niya ang iced coffee na binigay niya

"Patatabain mo ba ako?" Maya maya sambit nito sakanya at muli itong kumuha ng isa pang pandesal.

Tumango siya "Oo kahit maging mataba ka siguro sobrang gwapo mo parin.. Ang ganda ganda ng ngiti mo at nakakabaliw ang kagwapuhan mo.." Wala sa sariling sambit niya na iki-naubo nito ng kaunti

Uminom agad ito ng iced coffee. Medyo napapangiti ito dahil sa kanyang sinabi.

Nataranta tuloy siya. Bigla siyang nahiya sa pinagsasasabi niya.
 
"S-Sige Kenzo male-late nako sa work ko. S-See you later kung narito ka pa sa school mamayang hapon"

Hindi na niya hinintay makasagot ito at agad na siyang tumakbo palayo kay kenzo.

Nakanganga naman si Berto habang nakatingin kay Kenzo. Nakakatatlong pandesal na ito kahit nakalayo na si Gerlie kumakain parin ito ng pandesal

"My gulay bossing! Nagagayuma ka ng babaeng un--"

Natigil sa pagsasalita si Berto ng ipasok ni Kenzo ang  isang pandesal sa bibig nito.

"Late nako" Napapangiti si Kenzo sa reaksyon ni Berto. Lumaki kasi ang butas ng ilong nito at walang nagawa kundi kainin ang pandesal

Hawak hawak ni Kenzo ang iced coffee na binigay ni Gerlie sakanya habang naglalakad siya papasok ng campus nila. Iniwanan niya si Berto sa parking lot habang pakamot kamot ito sa ulo nito

Nang makarating siya sa classroom nila pinagtitinginan siya ng mga studyante. Normal na iyon sakanya dahil araw araw naman siyang pinagkakaguluhan.

Marahil kakaiba lang ang tingin ng mga ito dahil may dala siyang supot ng pandesal at mumurahing iced coffee.

"Yo! What's that?" Bungad ni Ben sakanya at nakatingin ito sa supot ng pandesal na hawak niya

"Bread" Maiksing sagot niya.

Umupo siya sakanyang upuan. Kumuha ulit siya ng pandesal. Nagustuhan niya ang lasa ng tinapay na iyon. Simple lang ngunit masarap. Hindi katulad ng mga bread na binibili niya sa mga sikat na bakery.

Kakaiba naman ang tingin sakanya ng tatlo niyang mga kaibigan. Parang nandidiri pa si Ben sa kinakain niya

"Yo. Bakit ka bumili ng ganyan?"

Hindi niya ito pinansin at patuloy lang siyang kumain.

"That's the cheapest iced coffee in town" Pang aasar pa ni Ben sakanya ng makita nito ang iniinom niyang iced coffee

First time niya rin matikman iyon. Mukhang binili lang ito ni Gerlie sa mumurahing shop.

Napangiti siya. He felt something weird. Natutuwa siya dahil naaalala siya nitong bigyan ng pagkain. Somehow naramdaman niyang concern ito sakanya.

"It taste good" Ininom niya sa harapan ng mga ito ang iced coffee.

"Never akong iinom ng ganyan dude baka sumakit pa ang tiyan ko" Pang aasar pa nito sakanya

"Hindi rin naman kita bibigyan" Inubos na niya ang iced coffee habang nakatulala lang ang mga kaibigan niya sakanya

First time niyang mag breakfast simula ng bumukod siya sa mansyon. Dalawang buwan palang siyang nakaka-alis sa mansyon ngunit nahihirapan na siyang mag adjust. Noon kasi maraming maids ang nag aasikaso sakanya. Samantalang ngayon mag isa lang siya sa condo niya at ang tanging kasama niya lang ay ang kanyang pusa.

Ayaw niyang kumuha ng maid dahil gusto niyang subukan mamuhay mag isa. Paunti unti naman siyang natututo maglinis at magluto ngunit hindi nga lang madaling mag adjust para sakanya.
 
"You're insane Kenz" Tinapik ni Ben ang balikat niya

Dumating na ang guro nila at nagsimula na itong mag turo.

Ngayon lang lumipad ang isip niya habang nagtuturo ang guro nila.

Bigla niya kasing naisip si Gerlie. He finds her cute kahit ang baduy nito.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw niyang mag kagusto sa babaeng ito. Malayong malayo ito sa mga ex girlfriends niya kaya inalis niya ito sa kanyang isip ngunit palagi naman niya itong naiisip buong araw.
 
Hangang sa nakauwi na siya sa condo niya naiisip niya parin ito.

"This is not a good idea" Napahilamos siya.
 
"Maybe i need a real girlfriend now"

Agad niyang tinext si Tanya. Pinapunta niya ito sakanyang condo. Wala pang isang oras ay naroon na agad ang sexy model.

Tanya Flores. Ito sana ang girlfriend niya ngayon kung hindi siya natalo sa race car.

Napakaganda nito at napakasexy

Ngumiti agad ito ng makitang naka-boxer shorts lamang siya

"Hi Kenzo. Akala ko hindi mo nako itetext!"

Yumakap agad ang babae sakanya. Naamoy niya ang pabango nito. Mabango iyon ngunit hindi niya gusto. Bigla niyang naalala ang baby cologne ni Gerlie. Parang mas mabango iyon para sakanya

"C-Come in" Pinilit nalang niyang hindi pagkumparahin ang mga ito.

Pinapasok niya ito sa kanyang condo.  Ngunit napatili ito dahil sinalubong agad ito ng pusa niya

"Rrrrrwaaa"  Galit na bungad ni Ming kay Tanya

Napakapit sakanyang leeg si Tanya at takot na takot ito.

"Oh my gosh!"

"Ming stop it"

Lalo naman nagalit si Ming. Parang gusto nitong kalmutin si Tanya.

Kinarga niya si Ming at pinasok muna niya ito sa kwarto nito. May sarili kasing kwarto ang pusa niya. Ganoon niya ito kamahal
 
Bumalik siya kay Tanya naabutan niya itong nakahiga sa sofa niya.

"Sorry about that." Hingi niya ng paumanhin bago siya umupo sa kabilang sofa.

"It's okay Kenzo. Uhmm" Nilapitan agad siya nito at nilantakan agad nito ang kanyang labi. Mukhang sabik na sabik itong halikan siya

Nagulat siya sa kapusukan nito. Ngunit bilang lalake nagustuhan niya iyon. Marahan niyang pinisil ang puwet nito. Napa-aray ito ng kaunti kaya natigil ang paghahalikan nila.
 
"Ooops kakapagawa ko lang niyan"

"Oh I'm sorry"

"It's okay Kenzo." Hinalikan siyang muli ni Tanya. Sinagot agad niya ang halik nito. Ngunit habang kahalikan niya ito mukha ni Gerlie ang nasa isip niya

Bakit parang nasarapan siyang halikan ito habang si Gerlie ang iniisip niya?

"Kenzo.." Kinuha ni Tanya ang kanyang kamay at pinatong sa dibdib nito. Malambot iyon.

"Gerlie.." Ungol niya habang kahalikan si Tanya

Napatigil naman ito sa paghalik sakanya

"What?" Kunot nuong tanong nito sakanya

Napalunok siya. Nawalan rin siya ng gana ng biglang maging si Tanya na ito talaga sa paningin niya

Nawala na ang imahinasyon niyang si Gerlie ang kahalikan niya. Nawalan tuloy siya ng gana.
 
"Im not Gerlie! Who is she?" Kunot nuo ulit na tanong ni Tanya sakanya

"I think you should go now"

"Damn you!" Simpal siya ito at agad nitong lumabas ng condo niya

Napahawak nalang siya sa kanyang ulo dahil parang pakiramdam niya mababaliw siya.

Ang sarap ng naramdaman niya kanina habang iniisip niyang si Gerlie ang kahalikan niya.

"I'm fucked up" Mahinang mura niya sa kanyang sarili bago siya pumunta sa bathroom at maligo ng malamig na tubig.

Habang naliligo siya di niya maiwasan maisip ang imahinasyon niya kanina.

Ganoon din kaya kasarap halikan si Gerlie kapag totoong nahalikan na niya ito?

"Arrggghh! Asshole!" Naiinis siya sa kanyang nararamdaman.

"This is just a bet.. Just a bet" Paalala niya sa kanyang sarili. Ayaw niyang magkagusto kay Gerlie dahil napaka-impossible iyon.

Marahil gusto niya lang itong maging kaibigan.

Nang matapos siyang maligo nag bihis na agad siya ng white tshirt at boxer short.

Napatingin siya sa orasan. Alam niyang malapit ng mag  uwian sila Gerlie. Pang gabi kasi ito. Hindi siya nagpakita dito kanina dahil ayaw muna niya itong makita. Sumasakit kasi ang ulo niya kakaisip sa babaeng ito.

But something inside him wants to see her right now.

"Damn it"

Agad siyang lumabas ng kanyang condo at kinuha niya ang susi ng kotse niya kahit naka white tshrt at boxer shorts lang siya nagmaneho siya ng mabilis papunta sa campus nila upang sunduin ito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Started with a betTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon