Chapter 5

3.1K 200 33
                                    

Chapter 5

"Huwag mo namang ubusin ang baby cologne ko" Pagsaway sakanya ni Karen habang winiwisik niya ang baby cologne nito sa buong katawan niya.

Nasa rest room sila ngayon ng kanilang campus. Kakatapos lang ng klase nila at hinila muna niya si Karen papuntang rest room. Gusto niya kasing maging presentable kapag humarap siya kay Kenzo ngayong gabi.

Nag text na kasi ito sakanya na naghihintay ito sa gate four ng kanilang campus. Labis na excitement tuloy ang nararamdaman niya

Nagsipilyo pa siya at nag lagay ng kaunting pulbos sa kanyang mukha para naman maging fresh siya kahit papaano.

"Bilisan mo na. Baka magbago pa ang isip ng manliligaw mo"

Sinuklay niya pa ng ilang ulit ang kanyang buhok bago siya nakuntento.

"Kinakabahan ako.."

"Ako rin kinakabahan baka kasi magbago ang isip ni Kenzo" Balewalang sabi ni Karen habang papalabas sila ng rest room

"Napaka-nega mo friend."

Napa-sign of the cross tuloy siya at napa-usal ng munting dasal

Lord huwag mo po sana hayaang magbago ang isip ni Kenzo.

"Paano Gerlie mauna nako sayo. Nasa kabila ang kotse ko."

Huminga siya ng malalim bago niya niyakap si Karen.

"Ipagdasal mo ako friend"

"Ipagtitirik pa kita ng kandila, Don't worry"

Pabiro niya itong hinampas sa braso nito. Nagyakapan pa muna sila bago ito tuluyang umikot na sa kabila.

Samantalang palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso habang naglalakad siya papunta sa gate four kung saan naghihintay si Kenzo Hoffman sakanya

Nang matanaw niya ang kotse nito. Natapilok pa siya dahil sa sobrang kabang nararamdaman niya.

Tinted ang kotse nito kaya hindi niya sigurado kung nakatingin ba ito sakanya.

Lumapit siya sa kotse nito at kinatok niya ang bintana ng kotse nito.

She tried her best para mag-pacute ng kaunti. Inayos niya pa ang kanyang makapal na salamin

Wala pang ilang segundo ng ibaba nito ang bintana ng kotse nito. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sakanya

"H-Hi Kenzo" Masiglang bati niya

"Hop it. It's open" Walang kagana gana nitong sagot sakanya.

Nahihiya siya pero sinunod niya ang utos nito. Dahan dahan siyang pumasok sa kotse nito. Ang lamig ng aircon sa loob ng kotse nito kaya naman mas lalo tuloy siyang kinabahan

"Where do you live?"

Sinabi niya ang kanyang address. Tahimik lang ito habang bumabyahe sila kaya tuloy nahihiya siya.

Pasimple lang siyang pasulyap sulyap dito. Kung siya lang ang masusunod , Gusto niyang titigan magdamag ang gwapong mukha nito. Ngunit sa ngayon kontento na siya sa pasulyap sulyap sa seryosong mukha nito.

"K-Kumain kana ba Kenzo?" Naisip niyang kausapin ito kahit rinig na rinig niya ang malakas na tibok ng kanyang puso.

Narinig niya kasing kumulo ang tiyan nito. Nakaramdam siya ng kaunting pag-aalala na baka hindi pa ito kumakain.

Lumingon ito saglit sakanya

"Why?"

"Baka kasi hindi ka pa kumakain. May pagkain sa bahay namin--"

Started with a betTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon