Chapter 6
"What the hell! You ate in her house bro?"
"Yeah"
Tumawa ng malakas si Ben habang si Jacob naman ay napapa-iling
"Yo! It's disgusting bro."
Kumunot ang kanyang nuo sa sinabi ni Ben.
"Why?"
"Wala wala Bro." tawa parin ng tawa si Ben habang si Jacob rin ay nakabungisngis
Samantalang nakatingin lang si Dennis sakanya
"Kenzo i think you will won again" Tinapik ni Ben ang kanyang balikat habang siya naman ay naka-upo sa study area nila. Nakapatong pa ang dalawa niyang paa sa isang upuan. Tamad na tamad kasi siya sa araw na iyon.
"Palagi naman akong nananalo"
Tumawa uli ng malakas si Ben
"Yo yo yo. Hindi ko akalain na kakagat ka sa deal natin. Ayaw mo talagang ipamigay ang kotse mo" Mukhang tuwang tuwa si Ben dahil sineseryoso niya ang kanilang napagkasunduan
"Ofcourse."
"You will kiss her? Hug her and spend the night with her?" Tanong ni Jacob habang naglalaro ito ng games sa bagong gadget na binili nito.
"Yeah. To win Mclaren" Sagot niya
Halos masuka naman si Ben at Jacob samantalang tahimik lang si Dennis
"Ew! That's gross! Kung ako sayo bibili nalang ako ng bagong kotse kaysa halikan ko yung baduy na babaeng yun!"
Naisip niya tuloy si Gerlie. Kagabi naging maayos naman ang una nilang pag-uusap. Malinis naman ito sa katawan kaya hindi naman siya nandidiri. But hell she's not his type of girl.
Malayo ito sa mga tipo niya. Ang gusto niyang babae sobrang maganda sobrang sexy at sobrang hot. Malayong malayo kay Gerlie ang gusto niya. Kaya alam niya sa kanyang sarili na hinding hindi niya ito magugustuhan.
"She's clean and she has a good set of teeth. Pipikit nalang ako. Hinding hindi ko ibibigay ang kotse ko"
Lalong nagtawanan ang mga kaibigan niya
"Let.s see kung hangang saan aabot ang lakas ng sikmura mo Kenzo. I can't even talk to her. She's so weird" Ani ben
"She's nice. Maayos naman siyang kausap"
"Ken, maybe this is wrong" Sabat ni Dennis sa usapan nilang magkakaibigan
"I know. Kaya ibahin nalang natin ang deal. Ayoko rin may nadadamay na inosenteng tao" Suwestyon niya dahil hindi rin niya gusto ang deal na iyon
"No way! Hindi ko makakalimutan na pinagbasurero mo ko for fucking three days!" Sagot ni Ben
Napangiti tuloy siya. Mukhang ginagantihan talaga siya nito. Naging malulupit kasi ang mga utos niya noon sa tuwing natatalo ang mga ito
"Pero wala naman inosenteng involve--"
"No Kenzo. Bro a deal is a deal."
Napabuntong hininga nalang siya
"Fine"
Napapa-iling nalang si Dennis
"Speaking of the devil. Tumingin ka sa likuran mo papalapit na ang soulmate mo." Todo ngising sabi ni Ben sakanya
Hindi niya mapaliwanag ang biglaang mag tibok ng puso niya pag lingon niya kay Gerlie. Marahil kinakabahan lang siya.
Nakangiti ito ng matamis na ngiti habang nakatingin sakanya. May hawak hawak itong dalawang tupper ware.
"H-Hello Kenzo"
Napakunot nuo siya. Bakit ba siya biglang kinabahan ng makita niya ito?
"Why are you here?" Medyo suplado niyang tanong
Ngumiti ito at ini-abot sa kanyang harapan ang dalawang blue tupper ware na hawak nito
lumapit pa ito ng kaunti sakanya. Muli niyang naamoy ang mango flavor na cologne nito. Kagabi pa niya iniisip kung anong flavor ang baby cologne na masarap sa kanyang pang-amoy.
Pigil na pigil naman ang pagtatawanan ni Jacob at Ben habang nakatingin ang ibang ng studyante sakanilang dalawa ni Gerlie. Medyo malayo ang mga studyante dahil ayaw nila Ben na may lumalapit sakanilang grupo.
"Para sayo. Niluto ko yan. Baka kasi hindi ka nanaman kumain. Baka malipasan ka nanaman ng gutom."
Napalunok siya at tinangap niya ang mga iyon.
"T-Thanks"
"Huwag mo nakong hintayin mamaya dahil wala kaming klase ngayon. S-See you tomorrow" Mukhang nahihiya ito ng husto sakanya. Ngumiti ito at kumaway pa bago ito nagmadaling tumalikod at maglakad palayo sakanya
Para naman siyang tanga na nakatingin parin dito kahit malayo layo na ito. Nakakunot ang kanyang nuo.
"Bro baka may gayuma yan" Ang lakas ng tawa ni Ben at aagawin sana nito ang tupper ware ngunit tumayo na siya at inilagay iyon sa kanyang bag
"I'm going home."
"Uuwi kana?" Tanong ni Ben
"Yeah"
"Huwag mong kakainin yan baka may gayuma yan"
Hindi nalang niya pinansin si Ben kahit nagtatawanan pa ang mga ito.
Lumakad na siya papunta sa kanyang kotse
Pagpasok niya sa kanyang kotse napabuntong hininga siya.
Mukhang nakokonsensya ata siya sa kanyang gagawin kay Gerlie.
Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang tupper ware na binigay nito.
Nakaramdam kasi siya ng gutom ng maalala niya kung gaano kasarap ang luto nito kagabi.
Napangiti siya ng kaunti ng may sticky note pa itong iniwan sa ibabaw ng tupper ware
Eat well future boyfriend
Napa-iling siya sa simpleng note na iyon. Hindi niya mapaliwanag ang masayang pakiramdam na nararamdaman niya. He's enjoying the deal right now.
Pagbukas niya ng tupper ware naamoy niya agad ang mabangong ulam na niluto nito. Kaldereta iyon. Mat mga prutas pa sa gilid. Ang isang tupper ware naman ay punong puno ng kanin
Isinara niyang muli ang tupper ware at nilagay niya iyon sa bag niya.
Kakainin agad niya iyon pag dating niya sa condo unit niya.
Napapangiti tuloy siya habang nag mamaneho. Natatawa kasi siya sa mga hair clip ng buhok ni Gerlie kanina. Dalawang malaking ibon iyon.
"She's weird and nice"
Napakunot nalang bigla ang nuo niya ng marealize niyang iniisip niya ito.
"Damn. Baka may gayuma nga yung babaeng yun"
Pagdating niya sa kanyang condo unit. Sinalubong agad siya ng alaga niyang pusa. Itim na pusa iyon na napakataba.
"Meow"
"Ming. Did you missed me?" Kinarga agad niya si Ming.
Dinilaan nito ang kanyang pisngi at halatang namiss siya nito
Hindi niya maintindihan kung bakit excited siyang kumain ng luto ni Gerlie. Ininit agad niya sa microwave ang ulam at kanin.
Ipinatong niya sa lamesa si Ming habang sinimulan na agad niyang kainin ang kaldereta at kanin
Hindi siya nagkamali masarap nga iyon! Mas masarap pa sa mga luto ng katulong nila sa mansyon.
Simula kasi ng lumipat siya sa condo hindi na siya kumakain ng lutong bahay. Dahil tamad siyang magluto. Panay fast food at instant food lang ang kinakain niya
Nakatingin sakanya si Ming habang kumakain siya
"Hindi kita bibigyan."
Napangiti siya dahil tumalikod si Ming. Napadighay pa siya ng maubos niya lahat ng laman ng tupper ware.

BINABASA MO ANG
Started with a bet
RomanceIlang ulit ng nakasalamuha ni Kenzo ang babaeng weird na may makapal na salamin at baduy na kasuotan. Ngunit hindi niya akalain na magiging malaking parte ito ng kanyang buhay. It's all started with a goddamn bet. Natalo siya sa isang game at ang pa...