》Kyungsoo's
"Pero, Suho hyung! Ayokong magpakasal diyan. Baka nga ako pa pumatay diyan eh," pagrereklamo ko. Aba, nakakabanas lang. Ipapakasal daw nila ako kay Krystal Jungago? Pitinginimis, kakalbuhin ko yun eh.
"At bakit? Sino sa tingin mong tatayong ina niyang dinadala mo?" nanlaki ang mata ko nang dahil sa sinabi niya.
"Huehuehue, excuse me, nanay na ako. At tsaka, mas sexy ako dun sa kutong yun and one more thing.. Flat chested siya," i rolled my eyes. Yuck, ayokong magpakasal.
"Hyung, hindi naman kasi babae ang hanap ni Kyungsoo," sabi ni Luhan habang nakacrossed arms.
"Oo nga, alam ko kung sino ang hinahanap niya." napaubo si Baek. "Alam kong nandiyan lang siya sa tabi-tabi."
Talaga tong baklang toh eh, PAHAMAK. Napatingin ako kay Jong in. Kaso pagtingin ko, nakatitig rin siya sa akin. OO, NAKATITIG. Feeler na kung feeler, pero kenekeleg ang lehe ke. Jusko, yung bajay-- este balls ko.
"Ako, ako ang magiging ama ng batang 'yan," alam mo yung moment na tumigil ang lahat, napanganga yung mga tao sa paligid niyo, yung tanging siya lang yung nakikita mo? Siya? Nagvolunteer siyang maging ama ng magiging anak NAMIN? :")
》Jongin's
"Ako, ako ang magiging ama ng batang 'yan."
Nagulat din ako kung bakit ko nasabi iyon. Bakit nga ba lumabas sa bibig ko yun? Lahat silang 11, nakatingin sa akin na gulat na gulat. Lalo na si Kyungsoo. Nakatingin siya sa akin nang hindi kumukurap ang mata. Dahil sa titig niya, nagsisimula nanamang, bumilis ang takbo ng puso ko. Syet! Di ko na kaya ito. Kailangan ko nang putulin ang katahimikan.
"Ah, uhm, magbihis ka. P-punta tayong ospital, magpapacheck up tayo. M-magbibihis lang ako sa kwarto," mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko. Petengene.
Kinuha ko ang recording pen sa loob ng side table ko. At nagrecord ako.
Ako ang magiging ama ng anak niya. Handa na ba talaga akong maging isang tatay? At bakit hindi ko muna pinag-isipan? Parang bigla nalang bumuka ang bibig ko para magvolunteer.
Inilapag ko na ang recording pen. Napasapo nalang ako sa noo ko. Ano ba itong nagawa ko? Diba naiinis ako sa kanya? Tsk. Nakakainis talaga yang kwago na yan.
***************
"Mr. Do..."
Rinig naming tawag mula sa information section. Halatang may paaalangan sa mukha nung nurse. Ang asim ng mukha niya. Siguro nagtataka siya kung bakit magpapacheck up sa pagbubuntis ang isang lalaki.
"Psh, makatingin tong nurse na toh. Mas malaki kasi boobs ko kesa sa kanya," rinig kong bulong ni Kyungsoo.
Nang makapasok kami sa loob, nakaupo sa isang shivel chair ang doctor. Nangunot ang noo niya nang makita kami. Tss. Nakakagago naman dito.
"U-umupo k-kayo," sabi ng doctor.
Sumunod naman kami ni Kyungsoo. Tinitigan lang niya si Kyungsoo na parang may kakaiba dito. "Iho, totoo ngang buntis ka."
"Alam ko po iyon. Pero gusto ko lang pong malaman kung paano nangyari yun. Diba iba naman po ang balls sa bajayna? At tsaka hindi pa naman ako nakikipagchuchu eh," sabi ni Kyungsoo na may kasamang hand gestures pa.
Napabuntong-hininga yung doctor. Oo nga naman. Paano nga ba nabuntis ang isang tulad niya?
"Hindi ko rin alam, hijo. Pero pag sinabi ko ba ang nalalaman ko, maniniwala ka?" bumilis ang tibok ng puso ko. May kung anong iniisip itong doctor na ito. May iba sa mga mata niya. Mukhang hindi siya mapagkakatiwalaang tao.
"Teka nga, doctor ka ba o espiritista? Ano bang alam mo?" naiinis kong tanong.
Tumingin siya ng diretso sa akin at ngumisi. "Kung gusto niyong malaman, call me." nag-abot siya ng isang calling card. Kinuha ko ito at ibinulsa.
"Don't bother us again. Wala ka nang pakielam sa buhay namin." sabi ko sabay hila palabas kay Kyungsoo.
Kyungsoo
"Ano yung kanina? Bakit ganon nalang yung ugali mo sa doctor kanina? Nakakahiya kaya!" bulyaw ko kay Jong in.
"Wala lang yun. Mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan eh," sagot niya habang nakalihis ang tingin niya sa akin. Agad niyang binuksan ang makina at pinaandar ang kotse. Nababadtrip ko. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ako nabuntis, pero ano? Pinagsalitaan niya yung doctor.
Nakarating kami sa bahay na walang ni-isa sa amin ang nagsasalita. Pero nagulat nalang kaming dalawa ni Kai nang makita naming nasa labas na lahat ng gamit namin. Agad namang lumabas si Suho.
"Umalis na kayo."
"Ano? Anong kalokohan ito?" bulyaw ni Kai.
"Just go. Tao, Kris, ilagay niyo na lahat ng gamit nila dun sa kotse," tinry kong pigilan si Tao sa pagdala ng gamit ko pero mas malakas ang pwersa niya kesa sa akin.
Nang nailagay ni Tao yung mga gamit ko, tumingin siya sa akin at nagsalita. "Hyung, sorry." Medyo may pagkaalangan ang tono niya. Hindi tuloy ako agad nakapagreact.
May isang tao na dapat pinipigilan ang pag-alis namin. Isa lang siya, ang bestfriend ko, si Baekhyun. Napatingin ako sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at pumasok sa loob.
Ipinagtulakan nila kami sa loob ng kotse. Alam naming maraming tao ang nakatingin sa labas pero wala kaming pakielam. Hindi ko talaga maintindihan. Ano ba itong mga mangyayari?
Wala na kaming nagawa ni Kai kundi ang sumunod. Pinaharurot namab ni Kai ang kotse.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa condo," sagot niya.
"Ah, buti nalang may dala akong foods. Mwehehehe," pagkasabi ko nun ay napatingin ng masama sa akin si Kai. Nagpeace sign naman ako.
Habang nagdadrive si Kai, tinititigan ko lang siya. Halos nawala ang problemang gumugulo sa akin kanina nang tignan ko siya. Siya ang kasiyahan ko, pero alam kong hindi niya ako mamahaling pabalik. Simula buhok, hanggang talampakan, he looks perfect. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya, itinigil niya ang kotse sa gilid.
"Bakit ganyan ka makatingin?" enebeyen Jeng En. Nekekekeleg.
Siguro pulang-pula na ang pisngi ko. "Ah eh, k-kasi.."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya nang bigla niya akong sinunggaban ng halik. Masyadong malalim ang halik niya kaya hindi ko mapigilang magrespond. Jusko lupa, lamunin mo na ako. Feeling ko, sasabog na ako ngayon. Tinigilan niya at tumingin ng sobrang lagkit sa mga mata ko.
"Don't stare like that again. I'm melting."
Syet Jong in, gusto kitang hubaran. Huehue.
-----
Note: hi :) wala lang XD

BINABASA MO ANG
I'm Pregnant ㅡ kaisoo
ФанфикConceiving a child is a very special thing for married women yet Do Kyungsoo is experiencing it himself. It was neither curse nor sickness. He's just pregnant what the fuck storyline by sparkyy_noona ©All Rights Reserved 2015