08

2.2K 98 16
                                    

Kyungsoo's

"Jongin, ok lang ba? Aalis muna ako sandali, may rehearsal pa kasi ako with Mr. Choi," tanong ko kay Kai. Tumingin lang siya sa akin sandali at binalik ulit ang tingin niya sa binabasa niya. As usual, yung Fifty Shades. "Ano namang pakielam ko kung aalis ka?" ito nanaman siya. Hindi ko talaga maintindihan ang negrong ito. Minsan ang sweet niya, minsan naman napakasadista. Ano ba talaga? Pasalamat siya, may isang maganda pang nilalang na nagmamahal sa kanya /flips hair/. Lumapit ako sa kanya at kumandong ako, umupo ako sa lap niya habang nakaharap sa kanya. Ipinalibot ko ang braso ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa ginagawa ko. Naglip bite ako at napasinghap siya. "Puta. ." napausal siya. Napangisi naman ako. Pero nagulat ako nang may maramdaman ako. "Jong in, ang laki," sabi ko habang nanginginig. "A-anong malaki?" sabi niya habang nakangisi.
.

.

.

"Puta ang laki nung butiki! Patayin mo! Kyaaaaaah! Takot ako sa butiki." tumayo ako mula sa pagkakakandong niya sa akin. Tumayo naman siya at kinuha ang tsinelas niya para paluin yung butiki. Nang mapatay niya ito, biglang lumabas si Kaizer mula sa kwarto. Umiiyak siya at namumula na ang mata niya sa sobrang luha na nanggagaling dito. Nilapitan ko siya at binuhat. "Aww baby Kaizer, bakit ka umiiyak?" tanong ko pero ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. "Eomma, g-gusto na nila akong s-sunduin," nanlaki ang malalaki kong mga mata. "Anong sundo yang sinasabi mo? Wag ka ngang magsalita ng ganyan," ibinaba ko siya at lumuhod ako para magkapantay na ang mga mukha namin. Pinunasan ko ang luha niyang tumutulo. May kinuha siya sa bulsa niya at may ibinigay siya sa akin na ikinagulat ko. "Eomma *sniff* itago niyo ito." iniabot niya sa akin ang isang piraso ng kanyang buhok. Nangunot naman ang noo ko. "Bakit naman? Bakit naglalagas ang buhok mo?" tanong ko pero niyakap lang niya ako. "I'm here to guide you eomma," pagkasabi niya nun ay parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Oo nga pala, he's my guardian.

-----

Buti naman at pinayagan ako ni Jong in. Haays. Siya nalang daw muna ang mag-aalaga kay Kaizer pero kailangan ko daw makauwi before 1 pm kundi may parusa daw ako. Ano kayang parusa yun, hihihi? Pati ba naman ako, may curfew? Sabagay, dalaga naman ako XD..

Saktong pagkarating ko ay nadatnan ko nanaman yung guard. Hindi ko na siya pinansin dahil natutulog nanaman ito. Saan ba talaga nila nakuha ang taong toh? Haay juthko.

Pumunta ako sa may lobby at nagtanong. "Ah miss, saan po dito yung office ni Mr. Choi?" sinabi nung babae na sa 7th floor daw kaya nagelevator ako.

Pinindot ko ang elevator at pumasok rito. Hindi ko lang talaga alam kung bakit nagtangka pa akong pasukin ito kung may naglalive show rin naman pala.

"J-jungkook?"

Nakita kong mas lumaki yung ilong niya (turuan niyo akong magpigil ng tawa) Pft. Napahiwalay naman sila sa isa't isa nung kahalikan niya. "K-kyungsoo! A-anong ginagawa mo dito?" tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi sinagot ang tanong niya. Okay, aaminin ko. Manliligaw ko si Jungkook dati pero naiinis kasi ako sa kanya. Ang daming naging kahihiyan ko nang dahil sa kanya. Pero infairness, mukhang masaya na siya ngayon. "Babe, who's this kwago?" sabi nung kahalikan niya. Tinitigan ko ito mula paa hanggang ulo. Kamukha niya si Baekla :3

Inirapan ko siya pero sakto namang bumukas yung elevator sa 7th floor kaya lumabas na ako ng walang paa-paalam. Bakit? Hindi naman kami close ah. Tss.

Naglakad ako sa buong hallway nang mapansin ang isang sign na Mr. Choi this way ➡➡➡. Agad ko iyong sinundan at nakita si Mr. Choi na nakaharap sa laptop niya. May bintana kasi dito. Kaya naman kumatok na ako at pumasok sa pinto. "Good morning po," pagbati ko na nagpangiti sa kanya. "Umupo ka rito," ginantihan ko siya ng ngiti at sinunod ang sinabi niya.

"May nakasalubong ka bang dalawang malalandi sa elevator? nanlaki ang mga mamimilog kong mga mata nang dahil sa tanong ni Mr. Choi.

Tumango nalang ako.

"Well, sila yung magiging kagrupo mo for production," halos mahulog yung panga ko. Ano raw? Group? It means hindi ako magiging solo artist sa entertainment na toh? Waeee??

"A-akala ko po. . Pangsolo artists lang ang entertainment na toh?" may halong frustation ang tono ko.

"Its not like that Mr. Do. Kailangan lang talaga namin ng mga groups ngayon dahil magkakaroon ng tour sa Seoul this coming December. Sorry kung ngayon ka lang nainform," sabi niya habang inaayos ang mga papeles na nasa harapan niya. Ah, so ganoon. Wala nang rehearsal ngayong araw?

"Eh, paano naman po yung rehersal?"

"Siguro. . By next week nalang kasi inaasikaso ko pa yung venue ng tour," pagkatapos nun ay nagpaalam na ako.

Lumabas ako ng office niya at inayos ang damit ko. Grabe naman, para sandali palang akong naupo eh lukot na agad yung shirt na suot ko. At dahil sa pag-aayos ko, hindi ko namalayan na may nakabanggan pala ako. "Ay, sorry po kuya," iniangat ko ang ulo ko at parang umalis yung kaluluwa ko sa katawang tao ko. "S-suho?"

Tatanungin ko pa sana kung bakit siya nandito pero dali-dali niyang sinuot ang cap niya at dumeretso sa elevator. Hinabol ko siya pero nagsara ang pinto ng elevator. Gusto ko lang talaga malaman ang dahilan kung bakit pinaalis nila kami ni Jong in sa dorm eh. Ano ba kasi ang totoong nangyari? Nakakapagtaka lang kasi eh.

----

Jongin's

"Appa, bakit hindi mo ayaing maligo kasama si Eomma Kyung?" nabitawan ko yung librong binabasa ko nang dahil sa tanong niya. Nilapitan ko siya nang magkasalubong ang dalawang kilay ko. "Bakit mo naman nasabi?" napabuntong hininga si Kaizer nang dahil sa tanong ko. Kumandong siya paharap sa akin at hinawakan ang bibig ko. Inistretch niya ito hanggang sa mapangiti ako. "Ayan, ayan ang dahilan. Alam kong napapasaya mo siya, appa," sabi niya sabay pout. Ano bang klaseng anghel ito? Oo nga pala, nasabi na ni Kyungsoo yung tungkol kay Kaizer. At oo nga, mukha talaga siya anghel. Napailing nalang ako nang dahil sa batang nakaupo sa hita ko. "Its not like that Kaizer. Alam kong ginagawa niya lang toh dahil buntis siya," ewan ko pero parang hinahati yung puso nung sinabi ko yun. Nagcross arms naman si Kaizer.

"Appa, tell me."

"What?"

"The truth."

"Ano nga?"

"Do you love eomma Do Kyungsoo?"

Napaangat ang labi ko. Ano nga bang isasagot ko ? :3

I'm Pregnant ㅡ kaisooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon