Hi HAHAHAHA feeling ko wala ng nagbabasa nito pero sige, iupdate pa rin HAHAHA ipupush ko 'to hanggang matapos HAHAHAHAHA
PREPARE FOR CLICHE SHT HAHAHAHA
----
[KYUNGSOO's POV]
Papunta kami ngayon sa studio para sa recording ng Miracles perf. Nakakailang araw na rin simula nung narelease at nakakailang araw na rin kaming pabalik-balik sa mga studio para magperform.
To be honest, tinatamad kong kumanta. Wala pa akong sapat na sipag para awitan ang fans ko kasi hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon ni Yunsu. Nag-iimprove, oo, naghihilom na ng konti ang mga sugat, nagpepeklat na nga ang ilan pero hindi pa rin siya gumigising. Nung isang beses, bigla nalang siyang dumilat, parang nakatingin sa kawalan. Akala noon gising na siya, hindi pa pala. Normal daw sa mga pasyenteng comatose ang magkaroon ng mga biglaang responses kagaya ng paggalaw ng kamay, pagdilat at ng kung ano pa mang sudden movements pero that doesn't mean gising na sila at okay na sila.
Habang mine-make up-an ako, nagnotify ang KakaoTalk ko. Binasa ko ang message na galing kay Jaeseob.
"형 어딘데요? 윤수 방에 가는 길이에요. ㅎㅎㅎ 형 보여드릴 거랑 드릴 게 있지롱 ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ" [hyung, san ka po? Papunta kami kay Yunsu ngayon. May ipapakita at ibibigay po kami]
"우린 방송 ㅎㅎ 그래? 좀 기다려봐. 봐야 되고 받아야 된다 ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ" [Nasa studio kami. Talaga? Intayin niyo kami. Kailangan makita ko yan at matanggap]
Matapos ang ilang minuto ay dumiretso na kami sa stage para magperform.
---
Matapos ang isa na namang performance ay nagbihis na kami agad at dumiretso sa ospital. Wala namang masyadong schedule ngayon kaya libre din. Habang pasakay ng sasakyan, napakaraming fans ang pumalibot sa amin at kinunan kami ng pictures. Normal na 'to, ano pa bang bago? Hindi nalang namin sila pinansin. Actually, galit pa rin ako sa kanila dahil sila, well, hindi naman literal na sila talaga eksakto lahat yon pero fans ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan si Yunsu. For all I know, lahat silang narito ay napag-usapan ang issue na yon at ang dahilan bakit lumaki ang issue.
Sumakay kami ng sasakyan, harapan ako. Ako, si Baekhyun at si Jongdae lang naman since Miracles in December. As usual, ang ingay nung dalawa. Nagdecide akong mag-earphones para hindi ko na sila masyado marinig.
Sabi nila pag nag-earphones ka daw, magagambala ang isip mo at hindi mo na maiisip ang mga worries mo kasi natatabunan sila ng kantang pinakikinggan mo pero bakit ganon? Kahit naka-earphones na ako, naiisip ko pa rin ang sitwasyon ni Yunsu. Hindi lang ang pagkakaratay niya ngayon kundi ang lahat lahat.
Napakabata niya pa para maranasan to. Napakarami na ang nangyari at wala pa kaming isang taong magkasama. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari sa susunod na taon at sa mga susunod pa. Siguro kung hindi niya ako nakilala, hindi mangyayari 'to. Siguro kung nung una palang sinungitan ko na siya, hindi niya na ako masyadong magugustuhan at hindi na kami magiging close. Ang daming siguro siguro siguro na naglalaro sa isip ko. Bawat siguro, stress ang binibigay sa akin dahil naiimagine ko nga ang buhay pag nagkaganon.
Sabi sa Justice League, bawat desisyon raw ng tao ay nagreresulta sa pagkapanganak ng dalawang mundo, ang mundo kung saan sinunod mo ang desisyon mo at ang mundo kung saan hindi mo ito sinunod. Gusto ko magpunta sa mundong hindi kami close ni Yunsu. Doon, kahit alam kong malungkot ako, kahit alam kong para akong pinagkaitan, doon masaya at ligtas si Yunsu.
BINABASA MO ANG
[HIATUS][EXO & OC] STEPBROTHER KO SI D.O
FanfictionAnong gagawin mo kung stepbrother mo ang idol mo?