Chapter 48: Presence of the Past

364 12 3
                                    

A/N: at dahil new year, UD! HAHAHAHAHA oy pero di madami na magkakasunod. Ineedit ko tong SBKSDO eh HAHAHAHA basta, makakapag-UD rin ako ng marami HAHAHAHAHA XD target ko hanggang chapter 100 lang eh xD dejk sorry talaga kung ngayon lang. Busy talaga ang lolo niyo kasi graduating ta's active-active-an sa kung saan-saan HAHAHAHAHAHAHAHA

Happy new year everyone! :) may 2015 be good to all of us HAHAHAHAHA

Okay game!

----

[Kyungsoo's POV]

Anim na araw na. Anim na araw na mula nung dumating kami dito pero hindi pa rin siya gumigising. Pag nakikita ko siya, nanghihina ako. Parang nauubos lahat ng lakas ko kapag nakikita ko ang sitwasyon niya. May malalim na sugat siya sa hita niya dala ng sangang sumaksak dito. Napakadami niyang sugat sa mukha, sa katawan at sa braso. Nabanggit din ng doktor na nagkaroon siya ng brain trauma na paniguradong makakaapekto sa kanya. Hindi pa rin siya gumigising. Ewan ko. Lagi nilang sinasabi na hindi ko daw kasalanan pero sa bawat sulyap ko sa mga galos niya, itinatatak ko sa isip at puso ko na ako ang may kagagawan nito. Sana hindi nalang kami nagkakilala. Sana hindi ko nalang siya naging kapatid. If my happiness is the price I have to pay for his safety, I'd rather give it than keep it.

Ilang beses na sinasabi ni Chanyeol na nagbago na daw ng kaunto ang itsura ko. Lumalim daw ang eyebags ko dahil sa anim na araw namin dito, wala pa yatang 15 hours ang kabuuang tulog ko. Iniintay ko siyang gumising. Gusto ko ako ang una niyang makita. Gusto ko na ang unang una niya maririnig na boses ay ang boses ko na tinatawag ang pangalan niya at ang paghingi ko ng tawad.

Kailangan kong magtrabaho pero ayokong umalis dito. Napagbigyan ako ng kompanya na sa isang linggo nalang simulan ang mga kakailanganin para sa Miracles in December. Sa isang linggo, mapipilitan na akong iwan siya.

Dumating na sina Eomma at Appa. Sina Mina rin nasa Korea na. Hindi ako makapaniwala kay Eomma. Pagdating niya ay sobra siya kung makahagulgol pero makalipas lang ang ilang oras ay umalis na naman sila para sa business nila. Hindi ko siya maintindihan. Kami na hindi niya kadugo ang halos hindi makakurap sa pag-aalaga sa kanya habang siyang ina ay may lakas pang umalis para sa negosyo. Alam kong mali na mamintas sa ina pero sana naman narito siya sa tabi ni Yunsu.

Wala ang ibang members. Kailangan nilang attendan ang mga commitment nila. Ako, si Baekhyun, si Chen, si Luhan-hyung at si Suho-hyung lang ang pinayagang magcancel ng lahat ng schedule this week pero next week mapu-pwersa na kaming lahat para sa Miracles.

December na. Tangina, feeling ko mahihirapan ako sa shootings at promotion. Hindi ako makakapagfocus lalo na't ganito si Yunsu. Kailangan niya na talagang gumising.

Hindi ko alam kung anong oras na. Basta maliwanag na sa labas. Pumasok si Luhan-hyung. May dala siyang tray na may pagkain. Ipinatong niya sa isang na table. "Kyungsoo, kumain ka muna ng tanghalian." Sabi niya. Iniligay niya ang table sa harap ko. "Salamat, hyung" Kumain ako. Ayoko maging mahina kapag gumising siya. Ayokong mukha akong zombie. Okay na yung eyebags pero ayokong pumayat pa lalo.

Kumain kami ng sabay habang medyo nagku-kwentuhan. Sa baba pala napagdesisyunan nina Baekhyun na kumain. Madami kaming napag-usapan ni Luhan-hyung. Ako na masyadong magpakalugmok sa lungkot. Oo sige malungkot pa rin ako ng todo-todo pero not that much anymore. Kung 10 siya dati, 9.3 nalang ngayon.

May kumatok sa pinto. Tumayo si Luhan-hyung para pagbuksan sila ng pinto. Paniguradong hindi sila yan dahil kung EXO yan, bakit pa sila kakatok?

Maya-maya, pumasok siya. "May bisita kayo" sabi niya. Bumungad sa akin ang dalawang taong may mga pamilyar na mukha.

[HIATUS][EXO & OC] STEPBROTHER KO SI D.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon