Isang oras ang layo ng COEX mall sa dorm ng mga kuya ko so matagal-tagal na usapan ang napala namin. Hindi kami kasya sa isang van kasi 14 kami kasama si Kuya Driver kaya yung 4 sa akin sumakay…HINDI SA AKIN NA LITERAL!...Sa kotse ko! Si Kuya D.O, Si Kuya Chen, Kuya Suho at Kuya Xiumin ang sumabay sa akin. ANG SAYA NILA TABIHAN! Mas matangkad ako sa kanila hihihihi :3 Ayon, sumakay kami sa kotse at as usual, in-on si Seoul FM at nagsoundtrip.
30 minutes have passed tapos nagpasimula ng kalokohan si Kuya Xiumin
“YA! Maglaro kaya tayo while on the road?” tanong niya
“Sure, anong laro?” sagot/tanong ni Kuya Suho
“ahmm…I spy O>.<O”
“sige masaya yan” sabi ko
“Start ko, leader first. I SPY something pink”
May advantage din pala yung pagiging slightly far-sighted ko (20/20 vision ko pero mas nakakakita ako sa malayo) nakita ko agad
“Ayun, yung sign ng Noraebang [karaoke room] sa kanto” sabi ko
“ang galing mo naman, ako naman, I SPY something big and bright”
“Ayun yung malaking LED screen na nakakabit sa tulay”
“ANG GALING MO NAMAN! Oh ako naman, ako naman, I SPY something yummy, spicy pero hindi noodles” sabi ni Kuya Chen
(oo_ )
( _oo)
“ayun yung nagtitinda ng tteokbokki”
O_____________O <-D.O
“ANG DAYA! ANG GALING MO NAMAN! Sabi ni Kuya Xiumin
“Tigilan na nga natin to, ang daya eh” sabi ni Kuya Suho
“Eh di ano ng gagawin natin?” tanong ni Kuya Chen
*please wag kantahan, please please*
“KANTAHAN TAYO!” Sabi ng hinayupak na si Kuya D.O
*tangina, nababasa talaga nitong lecheng to ang utak ko*
“Driver ikaw magstart” sabi ni Kuya Xiumin
“Ha ako? Bakit ako?” Sabi ko,
Alam mo ano sagot sa akin nung tinanong ko “Bakit ako?”
“EH IKAW EH” -Chen
Sarap paslangin eh! Leche tong pilosopong si Kuya Chen eh [A/N: tiyaga nalang, kuwari pilosopo si Chen]
♫Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundon walang katiyakan
Hawak kamay, di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan♫♪
“Anong language yun?” tanong nilang apat
“Filipino”
PAANO AKO NATUTO MAG FILIPINO? Yung 3 sa 7 na maids namin, Taga-pilipinas tapos nagpaturo ako sa kanila nung mga kantang Filipino tapos pinatranslate ko para maintindihan ko
“Patranslate please” Sabi ni Kuya Suho so ayon tinranslate ko, gandang ganda naman sila sa meaning
“alam mo yung buong kanta?” sabi ni Kuya Chen
“Hindi eh. Konti lang alam ko”
“Pakituloy. Ang ganda eh.” Sabi ni Kuya Chen
♫Wag mong sabihing nag-iisa ka
Laging isipin may makakasama
Narito ako, narito ako…
Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundon walang katiyakan
Hawak kamay, di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan♫♪
Hanggang sa…LAHAT KAMI KUMAKANTA NA
♫Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundon walang katiyakan
Hawak kamay, di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan♫♪
“YEHEY!!” sigaw naming lahat hindi lang dahil sa nakakanta kami ng Filipino song, masaya din kami kasi NASA COEX MALL NA KAMI!!
--
Readers, baka akala niyo may DKFC pa rin dito…WALA NA!
Tapos na yon!
BINABASA MO ANG
[HIATUS][EXO & OC] STEPBROTHER KO SI D.O
FanficAnong gagawin mo kung stepbrother mo ang idol mo?