KABANATA 4

319 15 2
                                    

"Erica, are you a woman?"

Kagabi pa ako hindi matahimik kakaisip no'n. Isama pa ang lasing na itsura ni Kuya sa video.

"What? Of course!" Sinara nito ang lipstick at binalik iyon sa bag niya.

"How did you say so?" kunot-noong tanong ko.

"Paano ba? Wait." Tumingin ito sa itaas at tila may inalala, "You know what, Heavs?"

Lumapit ako at naging interesado sa sagot niya, "What?"

Linapit niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong na nakapagpalaki sa mga mata ko.

"I lost my virginity with my last ex."

Namilog ang mga mata ko, "Baliw ka ba? Hindi pa kayo kasal!"

"That's trendy. Ayos lang iyon, may proteksyon naman," nakangusong sagot niya.

"Kahit na. Paano kung mabuntis ka? Anong ipapakain mo sa anak mo? College ka pa lang."

I don't know ah. Hindi naman ako against sa mga batang ina pero dapat na alam natin ang ginagawa natin. Lahat ng bagay ay may consequences. Kahit kaya mong gumawa ng bata kung wala ka namang pambuhay ng bata, huwag na lang.

At the right age, pwede siguro. Kung kaya mong humawak ng responsibilidad. Well, I salute those who can really stand on their own feet. May isip at diskarte.

"May condom nga. Iwas buntis. Pero ngayon nagpa-implant ako para safe."

Pinakita pa niya ang bandang loob ng braso niya. Tinuro niya ang parang maliit na stick ng lollipop.

"Pinayagan ka?"

"Tsk. Kaya ng pera 'yan. Suhol lang."

"I can't believe you, Erica." Napailing na lang ako sa kanya.

Ano bang ginagawa niya sa buhay niya?

"That's makes me a woman. Palibhasa, neneng ka lang. Masarap kaya." Ngumisi pa siya.

"What the he—" Tinakpan niya ang bibig ko at lumingon-lingon pa sa paligid. Nang walang nakatingin ay binitiwan na niya ako, "Tapos pinapantasya mo si Kuya? No way!"

"Ayos lang 'yan. Kapag kami na ng kuya mo, ipapatanggal ko. Sabihin ko bumibilis yung heartbeat ko at hinahigh blood ako."

"Ano?! Nababaliw ka na ba?"

"Hindi syempre. Matino pa ako mag-isip. Pagdating kay kuya mo, kailangan mabuntis agad. Para madaling mapikot."

"I won't allow that," masungit kong tugon.

"Malamang, gusto mo eh," bulong niya.

Gusto ko pa sanang sumagot at linawin ang isip niya ngunit nasa loob na ng classroom si Ms. Salonga.

Pinagawan kami nito ng grupo nito. Nagsitayuan ang mga kaklase ko habang kami ni Erica ay nanatili lang sa pwesto namin.

"Taray ni ma'am. Hindi kasi nasulyapan si Rigel ko," ingos ni Erica.

"Rigel mo?" kunot-noong tanong ko.

"Hindi. Rigel mo?" diin nito bago umirap sa akin.

"Hm. Pwede bang makigrupo sa inyo?" si Aldrin. Kasama nito si Lisa at Paul.

"Sure. No problem." Nilahad ni Erica ang tatlong upuan na nasa unahan namin bago kumindat sa akin.

Anong balak niya?

"Settle down. I want you to create a marketing strategy on how to promote a ballpen," si Miss Salonga.

"What?! Ballpen, Ma'am?" eksaheradang tanong sa unahan.

JOIN ME: Rigel Skye (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon