KABANATA 5

366 19 3
                                    

Kanina pa nagbabangayan sina Lisa, Erica at Paul para sa project.

"Ano ba! Tagline lang 'yan," balik na sagot nito kay Lisa matapos mag-suggest ni Paul.

Ngumuso ako at mas lalong namroblema sa kanila.

I think, our group is a bad idea.

"Can we just drop this subject?" bored na tanong ko.

Sumimsim ako sa Juice at nagbukas ng magazine.

"Better idea. Kaya nga ba frenny kita, future sister." Yumakap-yakap pa si Erica sa braso ko at kinikiskis ang pisngi niya.

"Umayos ka nga! Sister? Mangarap ka. Para kang pusa." Inirapan ko siya at inis na sinara ang magazine.

Hindi ko talaga gusto ang ideya na magkaroon ng sister-in-law dahil kay Kuya.

"Chill, Sis," natatawang lambing nito.

"Regaluhan na lang natin ng ballpen si Ms. Salonga para pasado na tayo," suhestiyon ni Lisa.

"Hmp! Hindi tayo papasa sa ganoon. Ibalot natin ang kuya ni Heaven, for sure flat one tayong lahat." Ngumuso si Erica pagkatapos ay nilingon ako.

"Pero huwag, Heaven. Reserve mo sa akin si Rigel," dagdag na sabi nito.

Ano ba ang attractive sa itsura ni kuya? Iyon bang freckles niya? Burahin ko na lang kaya.

"Sandali lang. Ipapaayos ko lang ang dinner kay Manang Karing," Iwas ko.

Tumayo ako at iniwan sila doong nag-iisip. Wala naman akong maiaambag doon kundi pagkain.

"Manang, okay na po ba 'yong pagkain?" Dinatnan ko itong naglalagay ng ulam sa malaking plato.

The smell of roasted chicken, paella, and pork embutido is all around the kitchen. Tinulungan ko na rin siyang mag-ayos ng hapag.

"Kakain na ba kayo?" tanong nito bago nilapag ang sauce para sa roasted chicken.

"Siguro po. Parating na rin naman po sila Mama."

Natigil ako matapos marinig ang ugong ng sasakyan nila Daddy. Agad akong lumabas para salubungin sila.

Hindi ko rin kasi nasabi sa kanila na matutulog dito ang mga kaklase ko. For sure kay Mama, okay lang. Hindi ko lang sure kay Daddy.

Tumayo ako sa labas ng pinto at inabangan silang lumabas ng sasakyan.

Paglabas pa lang ni Daddy ay salubong na ang mga kilay nito. He looks older now than his real age. Maybe because of the company's ongoing problem.

"Hon, we could ask the school for his credentials. For sure may record sila," si Mama na humawak sa braso ni Dad.

"For what? Sa Laguna siya nag-aral, Hindi sa school ni Heaven. It's clear, malinaw ang nasa diploma niya. He didn't study business. I can't believe we were scammed." Umiling ito at napabuga ng hininga.

"Let's just wait na sabihin niya. We shouldn't meddle with his dream."

"No. Hahanapin ko 'yang kubo niya sa Laguna. Ano bang meron siya? Gulayan?" Tumigil si Daddy noog makita akong nakatayo sa harap ng pinto, "Heaven, kanina ka pa?"

"Hm. Hindi naman po," pagsisinungaling ko, "Nasa loob po kasi mga classmates ko at dito po sana sila matutulog. Is it okay, Dad?" Ngumiwi ako noong hindi ko mabasa ang reaksyon nila ni Mama.

"My boys ba, Baby?" si Mama ang unang nakabawi ngunit mariin pa rin ang tanong.

"Y-es po. Dalawa. Mababait naman po sila."

"We'll think about it. After dinner tapusin niyo na agad ang ginagawa niyo. Then let's see if I'll let them stay." Tumigil ito at binalikan ako ng tingin. "Huwag mong ipaalam sa Kuya mo ang tungkol sa mga lalaking kaklase mo," bulong pa nito.

JOIN ME: Rigel Skye (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon