Chapter 8

73 7 2
                                    

10 yrs ago...

Ring!!!—

Ang unang tunog ng bell.

Ito ang simula nang pagiging freshman year ko sa kolehiyo. At gaya sa mga naka-sanayang scenario, na experience ko rin na maligaw sa university.

"Patay! Patay! Patay!!! Asan na ba yung room na yun!?"

That time, halu-halo na ang emosyon na nara-ramdaman ko, dahil parang malapit na mag last call ang bell pero ito, patuloy pa rin ako sa pag hanap na tila ba'y malapit ko nang mapalitan si dora sa pag explore sa university.

Although, naka attend naman ako sa orientation at diniscuss nang mabuti samin yung location nang bawat building, sadyang kasalanan na ata nang sarili ko dahil sa aking pagiging makalimutin.

—Ringg!!!!!

Hanggang sa tuluyan na ngang dumating ang aking ina-asahan ay ito napa-upo na lang ako sa pangalawang baytang ng hagdan...

Para tuloy akong batang nalugi dahil sa pagod at panga-ngalay na rin nang aking binti.

Kung bakit ba naman kasi hindi ako ginising nang maaga ng alarm clock?, at ang matalik ko na kaibigan si ava ay hindi maka-usap nang matino hanggang ngayon?

Edi sana may chance pa akong makahabol.

Pero dahil ito yata ang gusto mangayari sakin ng oras, then wala akong choice na tanggapin ito.

After a few seconds na pahinga, akin na lang naisipan na ilaan ang natitirang minuto upang hanapin ang room para sa next subj. Ko, tutal naisip ko rin na hindi pa naman siguro ka strict ang first day dahil puro pakilala lang naman mostly ang ginagawa sa classroom.

Like, magha-hanap ng tropa na maka-ka-salamuha mo hanggang sa pag graduate na iyon, and then maki-kipag kwentuhan sa mga katabi mo.

Sadyang naisipan ko lang din ihanda bukas ang aking sarili sa mangyayari para maka-bawi.

"Hey, you student!"

Subalit, bago pa man mangyari ang aking gagawin, ay may isang boses ang pumigil sa aking pag akbang, at nang malingon ko ito.

Isang estriktong itsura na may hawak na dalawang libro ang tumambad saking harapan...

"And that is lara?"

Agad na tanong ni ruru sakin matapos akong huminto muna sa pag kwento, pero isang ngiti at iling lang ang sinagot ko dito, dahilan upang sya'y magtaka.

"Sa pagka-katanda ko ng pangalan nya, she's ma'am Reya, guidance counselor sa university namin, ruru."

"Oh really? Parang mas delikado ata na sya yung unang na-encounter mo ah?"

" I know right..But..."

"But?"

Noong araw na iyon, nang tuluyan nang makalapit sakin si ms. Reya ay agad nya akong tinanong kung saan ako pupunta.

Nung una ay hindi ko pa ito kilala as guidance counselor, kaya nag lakas loob ako na sabihin ang totoo na ako'y naligaw at naisipan hanapin ang aking room.

"I see, may I borrow your class schedule."

Pagkaraan na litanya nito na agad ko naman binigay. At habang tini-tignan nya ito, bina-banggit na rin nya na malapit naman na daw ako sa room nang una kong subject kaya nag presenta ito na samahan ako....

ELECTRIC LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon