Capitulo Quince

67 11 1
                                    

Chapter 15

LAHAT ng mga serbidora ng Dela Cruz ay abala sa kani-kanilang ginagawa. Ang ilan ay nasa hapag-kainan at kinukuha ang ilang pinggan, kubyertos at ilang kagamitang ginamit sa pagkain ng pamilya na kanilang pinaglilingkuran. Ang iba naman ay nasa salas, silid-aklatan at tanggapan ni Don Cristobal na ngayon ay pinapatas na ang ilang hindi naisaayos na kagamitan, libro, ilang mwebles at mga lamparang ginamit dito.

Si Lydia ay masusing hinuhugasan ang mga pinag-kainan kasama ang ilan sa mga katulong. Ang Mayor Doma na si Manang Cosing ay abala rin sa pagsasaayos ng opisina ng Doktor sapagkat siya lamang ang pinagkakatiwalaan pagdating doon. Habang si Marcela naman ay nagsasaayos ng kagamitan sa Salas, naka-masid siya ngayon kay Marina na tahimik na naka masid sa balkonahe sa bandang likod ng mansion.

Nilingon ni Marcela si Criselda na malalim ang iniisip habang naka-tanaw sa bintana bandang harapan ng mansion. Nais niya sana itong lapitan ngunit nanaig ang konsensya niya kung kaya't tumulong siya sa mga kapwa niya katulog na abala sa kani-kanilang gawain. Si Don Cristobal at Donya Josefa naman ay nasa kanilang silid matapos kumain ng hapunan.

Ilang sandali pa'y may kumatok sa malaking pintuan ng mansion. Nagkatinginan ang lahat at natigilan sa mga ginagawa. Napa-tayo rin si Marcela mula sa pagkakaluhod na nagpupulot ng ilang gamit sa sahig kung kaya't siya agad ang napansin ni Manang Cosing mula sa tanggapan hindi kalayuan sa salas.

"Marcela, ikaw na ang magbukas ng pintuan. Iyong tignan kung sino ang nasa labas ng mansion gayong gabi na" utos nito kung kaya't napa-tango na lang si Marcela. "Opo, Manang" tugon ng dalaga.

Pinagpagan niya ang kaniyang pulang saya at sinaayos ang gusot sa puti niyang baro saka pormal na naglakad patungo sa pintuan. Gaya ng mansion ay kumikinang rin si Marcela sa suot niyang uniporme para sa mga serbidora ng mga Dela Cruz.

Habang naglalakad ay napalingon siya sa kaibigang si Criselda na ngayon ay parang may malalim na iniisip. Tumango siya sa kaibigan gayon na rin ang dalaga. Nang malapitan na niya ang pinto ay pinihit nito ang gintong kandado ng malaking pinto ng mansion.

Tumambad sa harapan niya ang isang Ale na ngayon ay naka-suot ng puti at kulay tyokolateng bestida na may talukbong na itim na belo. May bitbit itong pari-haba at may kalakihang kahon na puti kung kaya't napako ang kaniyang mga tingin rito. Hindi niya mawari ang laman noon.

"Ano po ang sadya niyo rito, Señora?" galang ni Marcela sabay yuko upang pagpapakumbaba sa ale. Mababakas na may kakayahan ito sa buhay sapagkat naka-suot ito ng kwintas na pinalamutian ng perlas, gayon na rin ang hikaw nito.

"Ako ay isang Modista, galing sa Plaza Calisto. Narito ako upang ibigay ang pinatahing traje de boda ni Señorita Marina. Maaari ba akong pumasok?" magiliw na pakilala sa sarili ng ale na nasa edad 40. Mabait ang aura nito kung kaya't walang pag-aalinlangan na malakihan niyang binuksan ang pinto na gawa sa kahoy.

"Sino iyan?" usisa ni Manang Cosing na bahagya pang nagulat. Napa-tingin naman ang mga katulong na naki-usyoso mula sa kanilang ginagawa. Maging si Criselda ay napa-lingon din dito. "Siya po ay isang Modista, may dala raw po siyang traje de boda para kay Binibining Marina." si Marcela na ang sumagod sa katanungan ng Mayor Doma. Nagtataka pa rin si Marcela kung ano ang itsura ng bagay na iyon.

"Bakit sa dis-oras ng gabi niya binigay ang pinapatahi ng Señorita?" sarkastikong pagtataray ng Mayor Doma rito. Tinignan pa nito ang ale mula ulo hanggang paa kung kaya't napa-yuko ito. Pabulog na nagpaumanhin na lang si Marcela rito.

"Ako na lang po ang mag-aalalay sa kaniya papasok, Manang. Nang sa gayon ay masisiguro po na'tin ang kaligtasan ng mansion" wika ni Marcela diretso kay Manang Cosing. Napa-tango na lang ito at muling tinitigan ang ale.

Diferente Caras de AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon