Capitulo Treinta

47 7 0
                                    

Chapter 30

KASALUKUYANG naglalakad sina Marcela at Marina sa kabisera ng bayan ng Monte Calisto. Parati silang pinagtitinginan ng tao hindi dahil sa magagarbo nilang kasuotan kundi dahil sa hindi nila mamukhaan ang dalawang Binibini na nakatalukbong ng pula at asul na balabal.

Kanina ay matagumpay na nakatakas sila sa bahay ng pamilya Miraflor. Matapos makamusta ni Marcela ang kalagayan ni Aling Ofelia ay agad silang pumuslit palabas ng tahanan na iyon. Napag-alaman rin ni Marcela na binigyan ni Franco si Juancio ng prebilehiyo na makapagsimula sa halagang ibibigay niya at magkaroon ng seguridad sa banta ng ilang tauhan ni Gobernador Arkimedez.

"Nakatitiyak ka bang hindi nila tayo mahuhuling umalis, Ate?" bulong ni Marcela habang naglalakad patungo sa simbahan. Pilit niyang kinukubli ng asul na balabal na bigay ni Carlos ang kaniyang mukha. "Marahil..." kinakabahang wika naman ni Marina. Katulad ng ginagawa ni Marcela, tinatakluban din niya ang kaniyang mukha ng pulang balabal.

"Sa paanong marahil? Ibig sabihin, marahil ay mapagalitan tayo ni Kuya Juancio?" tila kinakabahan nang mga tanong ni Marcela. Ngayon, para silang mga bata na tumakas sa mga magulang para maglaro sa labas. "Ako nang bahala, Claudia. Nakatitiyak akong madali niya tayong patatawarin at hindi niya ito iuulat kay Kuya Franco."

Matapos ang mabilis na paglalakad ng dalawa ay nakasapit na sila sa malaking pintuan ng simbahan. Nakikita nilang maraming nagdarasal, namamanata at nangungumpisal ngayon sa loob. Kay rami ng tao kahit na hindi araw ng linggo.

"P-padre Ignacio!" tawag ni Marina saka agad lumapit sa prayleng tumigil sa paglalakad papuntang likuran ng simbahan nang mapakinggan ang pagtawag na iyon.

"O'binibini. Noong nakaraang pista ikaw'y nangumpisal na. Ibig mo muling mangumpisal?" ngiti ni Padre Ignacio kay Marina nang makalapit siya. Itinuro niya ang kumpisalang inalisan niya kanina. Hindi niya kilala si Marina sapagkat madalang lamang ito na umalis dati sa tahanan. Wala ring ideya ang prayle kung ano ang itsura ng nawawalang si Marina at si Manita.

Umiling lamang si Marina, samantalang si Marcela at tahimik na nanonood lang sa kanila. "May nais ho sana akong ihingi sa inyo ng pabor." saad ni Marina habang hinahawi ng bahagya ang kaniyang balabal upang makilala siya ng pari. "Kung inyo pong loloobin. Ibig ho naming makita ang magkapatid na Claemente sa loob ng inyong kumbento."

Bahagyang nagulat ang Prayle. Nagtanda pa siya ng krus sapagkat hindi niya inaasahan na may makakaalam ng pagtatago niya sa magkapatid. Idagdag pa ang pagiging konserbatibo niya sapagkat dalawa ring binibini ang naghahanap sa dalawa. Inaakala niyang likas sa mga ito ang gumawa ng mga kasalanan base sa pangungumpisal noon ni Marina.

"H-huwag ho kayong mag-alala, Padre. Kami po'y may pag-uusapan lamang. Maaari ho kaming mag-usap sa hardin" si Marcela na ang dumipensa sapagkat nararamdaman niya ang nasa isip ng prayle. Nakahinga naman ng maluwag ito at bahagyang ngumiti upang maipahiwatig na nagkakamali ito ng iniisip kahit na totoo naman.

"O'siya. Naroon sila sa ikalawang silid sa ikatlong liko niyo sa pasilyo. Sabihin niyo na lang na mag-uusap kayo sa hardin. Mag-iingat kayo. Hindi marapat makilala ng mga hukbo ang dalawang iyon sapagkat maaaring ikulong rin sila sa dati nilang mansion." saad ni padre Ignacio. Batid niya ang nangyayari sapagkat ikinuwento sa kaniya ng dalawa ang panganganib ng kanilang buhay.

Wala siyang magawa kundi ang itago ang dalawa sapagkat naging malapit na rin siya kay Vicente na dati niyang estudyante. Nararamdaman niyang mapagkakatiwalaan ang dalawang Binibining ito sapagkat nasabi na rin sa kaniya ni Carlos na may dalawang binibini ang maghahanap sa kanila kung kaya't hindi niya maiwasang maghinala.

Nakarating na sina Marina at Marcela sa lugar kung saan itinuro ng prayle kanina. Nagdadalawang isip si Marcela kung handa na ba siyang makausap ang kasintahang hindi niya nabigyan ng maayos na paalam. Kung kaya si Marina na lamang ang kumatok.

Diferente Caras de AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon