"A total of four operations have been dated successful today..."The woman's journalistic voice resonates from the radio on the small wooden table to the spacious modern lounge room. All is neat and almost everything is white. Walang katao-tao bukod sa lalaking nakaupo sa mid-century na sofa. Naka-puting polo long sleeves ito saka gray na slacks at vest, tahimik na nagbabasa ng dyaryo habang nakapatong ang isang binti sa tuhod. Nakahiga sa tabi nito ang pag-aaring shoulder holster.
"On the list is one of the month's biggest missions, UnGnome Rundown Op, that was lead by Agent Rovic Samaniego."
Sa pagtunog ng seradura, agad na ibinaba ni Rovic ang hawak na dyaryo. Tumuon ang tingin niya sa bumukas na pinto ng opisina ni Ysabelle Florante, ang presidente ng AGM Agency. Lumabas ang isang dalagang sinundan niya ng tingin dahil sa kaswal na pananamit. Blangko ang mukha nitong tumuloy sa elevator. Ikinailing na lang niya ang pagiging apisyonado ng kilalang batang ahente.
"Sir Samiengo, kayo na po." sabi ng palangiting tisoy na bantay sa opisina, bago lang ang mukha nito sa kaniya.
Tumango siya at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan atsaka isinuot ang shoulder holster at kulay abong vest suit jacket na nagpadepina sa matipunong katawan. Kinuha niya ang envelope na ipinatong sa tabi ng nakabukas na radyo, tapos ay inayos ang necktie sa paglalakad papuntang opisina ng presidente.
Yumuko ang nagbabantay na agent nang madaan na si Rovic sa pinto, gayundin ang huli.
Pagkapasok niya ng opisina ay may kausap sa telepono ang may edad na babae habang nakaupo sa swivel chair na kasing puti ng suot na dress nito at ng halos kabuuan ng malaking opisina. Nakatalikod ito sa kaniya at nakaharap naman sa glass walls kung saan matatanaw ang kagubatan sa ibaba.
"Oo, sundan niyo lang siya." pagkatapos niyon ay pinatay na nito ang tawag at hinarap si Rovic. He bowed his head in respect. Ngumiti ang babae at itinuro ang upuan sa tapat nito, na sinunod ni Rovic.
"What's our business, Mr. Samaniego?" Madame Florante asked smiling while looking down at the brown envelope in Rovic's hand, so he gave it to her.
"I would like to request a leave, President." tipid na sagot niya. Binuksan naman ng presidente ang inabot.
Napatango-tango ito sa binabasa, "I see. One year... Kaya pala idinagdag ni Mr. San Diego ang permit ko." Bigla na lang itong tumawa pagkatingin sa seryosong mukha ni Rovic. "I know our agency has no limit when it comes to this. But a one-year leave? Don't I handle my agents well at inaayawan niyo nang makita ang pagmunukha ko?"
Nagpatuloy ang babae sa pagdadrama, "Just 5 minutes ago, IV's here— my beloved princess from G Department... Iyon at kumakawala na sa'kin. And now, here you are. My top agent wants to be gone for a year... Will you at least specify this personal reason written in your letter, Agent Samaniego?"
"My wife wants a year for the two of us, President." sagot na lang ni Rovic dahil baka hindi pa siya payagan nito kung hindi niya sabihin.
"Oh." reak ni Madame Florante.
At this point, hindi pa rin makita ni Rovic kung aaprubahan ba ng presidente ang pagliban niya nang mahabang panahon. Kumakapit lang siya sa magandang record at performance niya sa agency nila. After all, every operations given to him was successful, and work is his top priority in his 15 years on AGM. Simula kinse anyos pa lang ay naglilingkod na siya rito. Hindi nga sana siya mag-aasawa sa dinami-rami ng babaeng naghahangad sa kaniya, kung hindi lang inilapit ng kaibigan sa kaniya ang kapatid nitong si Clarissa.
"Well... I believe I have an idea why it reached this point," malungkot na sabi ng babae. "Unfortunately, I'm even guilty at taking part on your fierce passion working here. Na-overload yata ako ng pa-trabaho sa'yo at naagawan ko ng oras ang asawa mo, Agent Samaniego."
BINABASA MO ANG
Lie with Me (TAGLISH)
Short StoryFor his conditional leave to be approved, Rovic Samaniego- a high-ranked agent goes undercover one more time in a supposed to be small operation. All he need to do is deal with the teen delinquent, Venus Ibanez, who was involved on the murder of a h...