Kabanata 3: Okay, Get Off

1 0 0
                                    


Rovic Nicolas Samaniego.

Lumipad ang dalawang mata niya sa picture nito. Seryoso ang mukha ng lalaki sa larawan, hindi man nakakunot ang noo nito tulad ng nakikita niya ngayon, wala namang hadlang para hindi niya mukhaang ito nga ang lalaki.

Hindi pa rin nakamapante si Venus kahit na sinusubukan niyang paniwalaan ang malinis na hangarin nito. Maaari kasing pekeng ID ang ibinigay sa kaniya ng lalaki, o sadyang nadala lang siya sa nangyari nung isang araw.

"Theo, nasaan ka?" tanong ni Rovic sa phone.

"Nasa bahay na, Ser. Anong nangyayari diyan?" sagot ng lalaki sa kabilang linya. Habang siya ay napansin naman ang payong sa paanan ng inuupuang backseat. Nagtaka siya kung bakit hindi ito nagamit.

"Call Jan and tell him to meet me halfway sa Vista. ASAP. Nasa Enriquez Subdivision ako ngayon. May ipapahatid ako sa kaniya sa ospital," utos ni Rovic. Naigalaw ni Venus ang nabaliang balakang sa pagtatangkang kumontra kaya napapigil siya ng daing.

"Sige, Sir!" sabi nito at nag-end na ang call.

"Hindi, ibaba mo na ko. Kaya ko na sarili ko," galit na komando ni Venus.

"Wag mo kong tingnan ng masama. Nakita mo na ID ko." bagot na saad ni Rovic, "Tinutulungan ka lang na'min. I'll catch the bastard. And you, dadalhin ka ng katrababo ko sa ospital."

"Ibaba mo na ko," utos ni Venus. Okay lang na hindi siya madala sa ospital, ayaw niya lang ng dagdag problema. Ayaw niya rin ng inaalok nitong tulong dahil wala siyang maisusukli.

"Are you sure? It's raining. Nang ligpitin ko gamit mo kanina, wala ka namang payong." hindi pagpayag ni Rovic habang matulin ang pagpapatakbo.

Napatingin ulit si Venus sa payong ni Rovic pero hindi niya na binigyan pang pansin kung ayaw nitong magpahiram.

"Wala akong pakialam, at wala ka ring pakialaam. Ibaba mo na ko!" nagngitngitan ang ngipin ng dalaga sa pagmamatigas. Palayo na kasi ng palayo ang apartment na inuuwian niya dahil nasa kabilang dulo ang ospital. Wala siyang pamasahe pauwiat dagdag lakarin ito sa kaniya.

Hindi pa rin ito huminto kaya sinigawan niya na ito, "Sabi ko, ibaba mo na ko!"

"Okay, get off." ani Rovic at mas binilisan pa ang takbo ng sasakyan. Pakiramdam ni Venus ay hihiwalay na ang kaluluwa niya.

"Ang sabi ko, baba na." Saglit na lingon ni Rovic. Ayaw niya sa matitigas ang ulo.

"Ihinto mo!" bulyaw ng kinakabahang si Venus. Sobra-sobra ang pag-overspeeding ni Rovic. Hindi siya pinansin ng lalaki.

"Oo na! Dadalhin mo na ako sa ospital! Medyo bagalan mo na lang! Aatakihin ako sa puso!" pagbigay ni Venus.

Nagpigil ng ngisi ang lalaki dahil napagtagumpayan niya ang katigasan ng ulo ng demanding at mareklamong tinutulungan. Binawasan niya ang bilis ng sasakyan. Akala ni Rovic ay mananahimik na ito.

"Hoy, kuyang, kung iniisip mo na nakakatulong ka, ako na nagsasabi sa'yo... HINDI," pagsisimula na naman ng dalaga na nagpahiling kay Rovic na sana ay nanatili na lang itong hindi nagsasalita. "Dalhin mo man ako sa ospital, wala akong ibabayad. Isa pa, hindi mo na mahuhuli pa yung sasakyan. Nakalayo na 'yon!"

Nagpatuloy sa litanya si Venus habang si Rovic ay parang walang naririnig at ang nasa isip ay tapusin ang nasimulan, "At kung inaasahan mong mayaman ako't bibigyan kita ng gantimpala sa ginagawa mo, pwes wag ka nang umasa. Wala akong pera! Ni payong nga ay wala ako. At sa nakikita mo, naglalakad lang ako dahil-"

"Do I look like I need money?" putol sa kaniya ng lalaki na magkasalubong na ang kilay. Pinanliitan siya ni Venus ng mga mata at nilibot ang tingin sa mamahaling sasakyan nito. Nagkrus ang mga braso ng dalaga at napabulong na lang ng 'mayabang'.

Ilang minutong walang imikan ang dalawa. Nang tingnan ni Rovic ang rearview mirror ay nakita nito ang dalagang yakap-yakap ang sarili at bahagyang nanginginig, dahil sa pagligo sa ulan. Medyo nabawasan na ang pagkabasa ng buhok at uniform ni Venus.

Pinatay ni Rovic ang aircon.

Napatingin naman si Venus sa ginawa ng lalaki. Kinuha niya ang bag niya at tiningnan kung anong nangyari sa mga gamit niya. May ilang naulanan, iyon ay yung mga humagis sa daan nang nadagil siya ng sasakyan. Hinanap niya ang dalawang paperbag na may gupit sa dalawang mata at drawing sa mga pisngi. Nang makita niya ang isa na hindi nabasa ay nakahinga siya nang maluwag. Kaso lang ang paperbag na may drawing na dalawang asul na star sa pisngi ay sira't babad na sa tubig-ulan, iyon kasi ang kagagamit niya lang kanina.

"May card ako diyan sa wallet ko. Kumuha ka ng dalawa." biglang salita ni Rovic. Doon lang naalala ni Venus na hindi pa niya naisasauli ang wallet. Inabutan siya ng lalaki ng ballpen. "Yung isa sulatan mo sa likod ng number mo. Yung isa naman, sa'yo na."

Huminto sila nang may isang pulang sasakyan ang gumilid, kung saan bumaba ang isang naka-suit na matangkad na lalaki. Bumaba naman si Rovic. Sa palagay niya ay iyon na ang sinasabi nitong katrabaho.

Hindi niya alam kung para saan pa, pero sinunod na lang niya ang sabi ng lalaki. Iniwan niya ang wallet at iniwan ang isang card na sinulatan niya ng number niya. Subalit hindi na niya nagtabi ng card ng lalaki.

Bumukas ang pinto at nandoon ang matangkad na lalaki. Umamba ito na bubuhatin siya, "May I, Miss?"

"Kaya ko." sagot ni Venus at maingat na tumayo, iniiwasang magalaw ang bali.

"Buhatin mo 'yan, Jan." dinig niyang utos ni Rovic na nasa kabila na't may kinukuha sa gym bag sa tabi niya.

Binuhat nga siya ng lalaking inutusan at isinakay sa shotgun seat ng pulang kotse. Wala siyang tinitingnan sa kahit na sino sa dalawang lalaki. Galit siya sa di malamang dahilan, o alam niya pero ayaw niyang amining napahiya siya sa maling husga sa lalaki.

Di niya sinasadyang makita mula sa windshield si Rovic na nag-abot ng twalya't damit sa katrabaho nito. Pinanood niya itong agad na bumalik sa sariling kotse at lumisan.

Sumakay naman ang katrabaho nitong si Jan sa kotse nito.

"Para sa'yo raw," hayag ng lalaki sabay abot ng puting towel at itim na shirt. Hindi niya ito kinuha.

Umangat ang gilid ng labi ng lalaki at sinuotan na lang siya ng seatbelt. Tinaasan niya ito ng kilay.

Hindi maipinta ang mukhang pinagpatong lang ni Venus ang mga braso at tumingin sa labas ng bintana bago umandar ang sinasakyan.

Lie with Me (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon