Gabi na at palakas na nang palakas ang buhos ng ulan. Ininom na ni Rovic ang unang salin ng Clarke's Court rum sa shot glass na kanina pa hawak. Napabuntong-hininga siya nang malasahan ang alak na para sa kaniyang kaibigan ay masarap. Pinuno niyang muli ang baso at nilapag niya sa tapat ng lapida ni William, ang matalik niyang kaibigan.Hawak ang itim na payong, tumayo na sa pagkakatalungko si Rovic at namaalam sa puntod nito. May ibinulong pa siya bago tuluyang lumisan at bumalik sa kaniyang sasakyan.
Minamaneho niya ang kaniyang Mercedes sa Enriquez Subdivision nang tumunog ang phone niya. Inaasahan niya ang tawag o kahit text lang ni Clarissa dahil kanina pa siya nagmemessage at tumatawag dito. Pero ng kuhanin niya ang cellphone ay nakita niyang isang unregistered na number imbes na pangalan ng asawa.
"Sino 'to?" sagot niya sa ni-loudspeaker na tawag.
"Rovic, anak... Ang papa mo 'to." malalim na tinig ng lalaki. Kumunot ang noo niya at tiningnan ang numero sa screen ng phone.
Biglang tumawa ang nasa kabilang linya, "Joke lang, Sir Rovic! Natahimik ka naman. Si Theo 'to. Theodore Bautista, new agent of M1 department na nagbantay sa office ni Tita Ysabelle kanina."
Rovic rolled his eyes and continued driving, "What do you need, Mr. Bautista? Di pa na'tin sinisumulan ang op."
"Ah, Sir, wala lang!" bumungisngis si Theo. "Kakakuha ko lang kasi sa opisina ng number mo. Tinesting ko lang kung legit. Mukha kasing bubundol-bundol si Sir Arthur! Pinagkamalan ba naman akong bakla, ba't ko raw hinihingi number mo. Buti hindi mali ibinigay sa'kin."
Hindi niya ito pinansin. Hinaayan niya lang ito sa pagrereklamo para kahit papaano ay may ibang ingay bukod sa ulan habang nagmamaneho siya.
"Ba't nga pala ganon, Sir Rovic, 'no? 'Pag mestizo at sobrang gandang lalaki, pinagkakamalang bakla? Hindi naman tama 'yon, Ser, 'di ba? Kawawa naman kami," madramang ipinaglalaban nito.
Nagpatuloy pa si Theo pero hindi na siya narinig ni Rovic.
Even with heavy rain, Rovic managed to see the black car on the other side of the road that sideswiped a student— a girl student.
Napadaing sa sakit ng tila nabaliang balakang at hita si Venus. Gusto niyang habulin at bugbugin ang driver na humit and run sa kaniya, pero wala naman siyang magawa kun'di ang humalinghing sa sakit habang patuloy na dumadaloy sa mahabang buhok at uniporme ang tubig mula sa ulan. Napakamalas niya.
Susubukan na sana niyang tumayo nang mag-U-turn ang isang puting Mercedes Benz at huminto sa tapat niya.
Agad na bumaba rito ang lalaking driver. The drops of rain started spotting the tall man's terrifying muscular body as he ran the small distance to her. Napaatras siya sa pagdalo ng estranghero.
"Saan pa masakit?" nagmamadaling tanong ng baritonong boses nito sa kaniya habang sinusuri ang hawak niyang kaliwang binti.
Hindi sumagot ang dalaga at ipinukol lang ang titig sa lalaki. Her chocolate eyes drifted to the clear beads of water trickling down his olive skin. Sa munting segundo, nakaya niyang usisain ang mga mata nitong mapamihag kahit na magkasalubong ang makakapal nitong mga kilay. The stubbles that framed his jawline didn't escape her eyes.
Venus remembered his facial features for safety purposes.
Hindi niya kasi mahulaan kung totoo ba ang motibo nitong tumulong sa kaniya, o baka masama itong tao na pagsasamantalahan siya sa kalagayan niya. Mabuti nang sigurado. Sa laki pa maman ng katawan ng lalaki ay hindi niya alam kung ni makapanlaban ay magawa niya.
Bumuga ng hangin ang lalaki, pinulot ang bag at mga gamit niya tapos ay bigla na lang siyang binuhat, tuloy ay nanlalaki ang mga matang napapitlag si Venus.
"H-hoy! Bitawan mo muna ko!" angal ni Venus pero hindi makapagpumiglas nang maayos dahil sa natamong bali, "Hindi kita kilala! Bitaw! Sino ka?"
Hindi niya alam kung tama bang magwala siya gayong maingat ang mga hawak nito, pati ang paglapag sa kaniya ng lalaki sa backseat ay maginoo. Ibinigay din naman nito ang bag niya sa kaniya.
"Don't worry, Miss. I'm just helping." sabi nito.
Kukwestyunin na muna sana niya ang lalaki nang pagsarahan siya nito ng pinto.
Umusok ang ilong niya sa inis at kaba habang sinusubukang buksan ang pinto na agad na na-lock. Sa totoo lang, ang pinakapinoproblema naman talaga niya sa mga oras na ito ay ang paghuli sa nakabangga sa kaniya. Kaso dumagdag pa itong lalaking hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan. Bigla na lang sumulpot nang walang sabi-sabi.
Pumasok sa isip ni Venus ang mafia. Napatitig siya sa nakaupong lalaki sa driver's seat. Tiningnan niya ang salamin sa harap at nakita niya ang mga mata nitong mabalasik. Tumatagaktak ang tubig-ulan sa buhok nito at mukha. Habang siya naman ay butil-butil ng ulan at pawis ang umaagos sa mukha.
Kinalma niya ang sarili at kinumbinsi ang sarili na mabuti itong tao.
Huminga siya nang malalim at mahinahon niya itong kinausap, "Sabihin mo kung sino k-"
Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ay tumama sa mukha niya ang hinagis nitong wallet, na nahulog sa kandungan niya. Nagsimula na ang makina ng sasakyan at mabilis na umandar.
Napatingin siya sa wallet at nag-alangan pa saglit kung anong gagawin don. Kinuha niya ito at binuklat habang nakabantay ang mga mata sa lalaki. Nang mabuksan ang wallet ay nakita niya ang ID nito at binasa ang pangalang naroon.
Rovic Nicolas Samaniego.
BINABASA MO ANG
Lie with Me (TAGLISH)
Short StoryFor his conditional leave to be approved, Rovic Samaniego- a high-ranked agent goes undercover one more time in a supposed to be small operation. All he need to do is deal with the teen delinquent, Venus Ibanez, who was involved on the murder of a h...