Kabanata 5: All Eyes On Me

1 0 0
                                    


"Thank you ulit sa gift, Tin. Nagustuhan ko." nakangiting sabi ni Venus para sa nasa kabilang linya, habang nakasalumbaba siya ng braso na nakapatong sa railings ng corridor. Hindi niya maialis ang tingin sabracelet na bigay ng kapatid. Gawa ito sa tiniri-tirintas na green na ribbon lace tapos ay may ginantsilyong sunflower pa sa gitna- ang paboritong bulaklak nilang dalawa.

Hindi sumagot ang bata dahil nakatulog na ito't namamahinga kahit umagang-umaga.

"Sige na. Pasok na ko sa klase ko. Bye, Tin... Pagaling ka. Bye, Sister Merli." paalam niya sa dalawa.

"Sige, Venus. Pasensiya ka na, dinapuan na naman ng antok. Hayaan mo pag masigla na siya ulit, papakausap ko sa'yo nang magdamag." sabi ng madre.

"Okay lang po 'yon. Magpahinga lang po siya nang magpahinga. Salamat po sa pag-aalaga." sagot niya at tinapos na nila ang tawag.

Pagkaalis niya sa pagkakasandal sa railings ay tumalikod siya at nakitang napatingin sa direksyon niya si Cyan, kasunod ng girlfriend nito na papasok na sa room ng next subject nila. Ngumiti ito sa kaniya at tumango pero wala siyang niresponde kundi pagbalik sa tingin nito.

Naghintay siya ng ilang minuto bago sumunod sa pagpasok ng klase. Wala pang propesor. Dumiretso siya sa pangatlong block at ibinaba ang shoulder bag saka dumukdok.

Iniiwasan niyang may maka-mukha sa kaniya dahil baka may kaklase siyang naka-witness ng pagsasabi niya kahapon, sa tapat ng school nila, na hindi na siya babalik pa sa university.

At isa pa, ayaw niya ring makita si Cyan na tinuturuan ang katabing di Georgia mula sa libro na talaga namang lumipat pa ang mga ito sa block sa unahan niya.

She wants to be happy for him, but how can she... knowing that with it, she'll be out of his picture. As a matter of fact, she is already out of his picture- isang taon na rin.

"Tagal ni Prof. Gusto ko nang gumanda umaga ko." bagot na sabi ng katabi ni Venus na bukas ang tainga kahit nakayuko sa mesa.

Nagtaka siya dahil paano gaganda ang umaga ng katabi, samantalang Calculus first subject nila.

"Harot mo. Akin 'yon." pagtataray naman ng kaibigan ng katabi niya. Doon ay napagtanto ni Venus na baka crush nito ang prof nila. Ganunpaman, gusto niya pa rin magkamot ng ulo dahil may nagkakagusto palang mga estudyante kay Prof Castillo. Grabe naman ang tipo ng katabi niyang mga kaklase, may edad na payat. Baka pagkakwela ng propesor ang nakapang-akit sa magkaibigan sa gilid niya.

Biglang nagtilian sa asaran ang mga maiingay na babae sa duluhang block. Napalingon sa mga ito sina Cyan at ilang kaklase sa unahan. Nanatili naman sa pwesto si Venus.

"Hoy, ano ba? Kay babae niyong mga tao, ah." saway ni Cyan dahil ayaw na ayaw talaga nito sa mga taong walang disiplina. Nasa loob pa man din ng silid-aralan.

Sa hindi malamang dahilan ay nag-angat ng mukha si Venus at kunot-noong tiningnan si Cyan. Tumayo siya.

"Anong ibig mong sabihin don?" panliliit ng mga mata ni Venus sa binata. Nalipat tuloy ang tingin ng lalaki sa kaniya. Hindi nito alam kung sasagutin si Venus dahil sa gulat sa bigla nitong pagkausap para gumitna.

"Okay lang na sawayin mo sila. Pero hindi mo na lang sana sinabing kay babaeng mga tao." litanya ni Venus.

Tinitigan siya ni Cyan at sinusukat kung seryoso siya. "May... problema ba?" mahinahong tanong nito at walang ideya kung may nasabing mali.

Nanahimik lang ang mga kasama nika sa silid.

Huminga nang malalim si Venus, "You're stereotyping. We, women, can act regardless of gender. Nang sabihin mong kay babaeng mga tao, para mo na rin sinabing dapat tahimik lang at mala-Maria Clara ang mga babae."

"Venus, I only mean to say that they're being too loud- even louder than boys in the classroom." pagpapaliwanag ni Cyan sa kaniya.

"Exactly my point." mabilis na komento niya sa sinabi ng binata. "So, kailangan laging mas maingay ang mga lalaki kaysa sa mga babae? Wala kaming karapatan na maging mas maingay kaysa sa inyo? Pag nag-ingay kami, hindi na kami babae?"

"I'm sorry. I didn't intended to convey that." ani Cyan.

Pero sumingit pa rin si Georgia, "Yung ingay talaga nila ang problema rito, kasi may ilang sa'tin na nag-aaral at kailangan ng katahimikan. Sinasabihan lang sila ni Cyan. Why make a big deal out of this?"

Mapait na tumingin si Venus sa dalawa, "Kung gusto niyong mag-aral nang tahimik, sa library kayo. Do'n bawal talaga mag-ingay. Ngayon kasi nasa classroom kayo at hindi niyo pag-aari 'to."

"Hey, kahit na free time pa na'tin o hindi pag-aari ng kahit na sino sa'tin ang classroom para magreklamo, sana naman alam nila ang salitang respeto. After all, nasa school tayo. Nandito tayo para mag-aral hindi para mag-ingay." pagpatol ni Georgia sa kababawan ni Venus. May umubo-ubong kaklase nila pero hindi ito pinansin ng dalawang babae. Hindi nila alam na nakikinig na ang propesor sa pagtatalo-talo nila.

Mapaklang bumuga ng hangin si Venus at ipinukol ang mga mata sa kamay ni Cyan na nakapatong sa kamay ni Georgia dahil inaawat ito.

"Oo, eskwelahan 'to. Nandito tayo para mag-aral at hindi para makipag-date. Ano?" sabi ni Venus.

Manghang pinapanood ni Rovic si Venus na naka-uniporme't pumasok pa rin sa unibersidad matapos ang narinig kahapon. Sa isip niya ay sa sobrang tigas pala ng ulo ng dalaga, pati sariling panunumpa ay sinasaway nito. Hindi na niya hinayaan pang magkagulo kaya tumikhim na siya bago pa sumagot si Georgia.

"Tama na 'yan. All eyes on me," agaw niya sa atensyon ng lahat. Nang mapatingin sa kaniya si Venus, nalukot ang malamig na ekspresyon nito dahil sa pagtataka kung bakit naroon si Rovic. Sinulyapan lang niya saglit ito at hindi na pinansin, "Sit down."

"Good morning, class. Let's proceed to our discussion." sabi niya at tumuloy sa pagtuturo, habang sina Venus at Georgia ay naupo.

Humingi pa ulit ng paumanhin si Cyan kay Venus dahil sa pagdepensa ng girlfriend nito. Nag-iwas lang ng mukha si Venus sa binata at tumitig kay Rovic. Kaya pala may gusto ang mga kaklase rito! Hindi naman niya masisi dahil hindi naman talaga maipagkakaila na kaakit-akit ang lalaki. Mas gusto nga lang niya ang hindi boring na pagtuturo ng naunang propesor na hindi niya alam kung anong nangyari't saan napunta. Paano nga ba kasing magiging guro niya pala ito? Napakaliit naman ng mundo.

Lie with Me (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon