Kabanata 6: Macadamia Nut

2 0 0
                                    

Walong araw bago ang pagkikita ni Venus at Rovic bilang estudyante at propesor.

From: Clare

Stop calling, Rov! I won't answer them until you have something good to say. AND I won't come back to our house until you will completely stay there!

Umagang-umaga ay napahilamos ng mukha si Rov dahil sa pagmamatigas ni Clarissa. Hindi na siya nag-abala pang magtipa ng tugon dito. Ito ang sakit ng ulo na iniiwasan niya kaya ayaw niyang makipagrelasyon noon sa kahit na sinong babae. Nilagay niya ang phone sa back pocket saka kinuha ang jacket suit at briefcase sa loob ng sasakyang Mercedes.

Nang makarating siya sa departamento nila sa ika-anim na palapag, sinalubong siya ng bantay kahapon sa opisina ng presidente. May hawak-hawak itong tatlong sandwich mula sa lima na binaong almusal ni Tupe, isa pang ahente.

"Ser!" tuwid itong tumayo sa bandang gilid ng harap niya at yumuko nang todo. "Kamusta yung ni-rescue niyo kagabi, Sir? Sabi ni Sir Jan, easy-easy niyo lang daw na nahuli yung nakabangga kay Baby Girl in the Rain, ah."

Muntikan nang mapaubo si Rovic sa itinawag nila sa maangal na babae kagabi. Hindi na lang niya pinakailaman ang trip ng kung sinumang nakaisip ng nickname na 'yon at nagpatuloy lang si Rovic sa paglalakad papunta sa sariling opisina.

"Rov," harang sa kaniya ni Agent Ara atsaka ito nag-abot ng invitation nang naka-kunot ang noo, "Sana makadalo ka na ngayon sa 24th birthday ko."

Nagbulungan ang ilang ahente na nasa departamento pa. Hindi kasi nila maintindihan si Ara. Teenager pa ito noon at wala pang asawa si Rovic nang magkagusto ito sa lalaki. Naging inspirasyon niya pa ito para pag-igihan ang trabaho at makaakyat sa department na kinaroroonan nito. Sino ba namang hindi mahuhulog sa gwapo't morenong binata na may tunguhin sa buhay, sa edad na 22 ay napabilang na ito sa highest paid agents ng AGM. Pero ngayong apat na taon na itong kasal patuloy pa rin si Ara sa pagpapahayag ng damdamin. Tulad na lang ngayon, inimbita na naman nito si Rovic gayong kahit minsan ay hindi naman ito dumalo. Samantalang tatatlo lang naman silang laging iniimbita ni Ara, ang dalawa ay mga kaibigan nito.

Tinanggap ni Rovic ang invitation card at nginitian si Ara, "Salamat. Advance Happy Birthday."

Napabuntong-hininga si Ara at bumagsak ang mga balikat sa paglingon sa mga kaibigan. Alam nitong sa sagot na 'yon ay hindi ulit 'to pupunta. Bumati na kasi.

"Ba't ako wala?" tanong ni Theo kay Ara. Inirapan lang siya nito at iniwan sila.

"Cute sana kaso madamot. Makikikain lang, eh." bulong ng tisoy kay Rovic. Lumaki naman din ang ngiti nito nang makawayan ng isang kaibigan ni Ara, pero napairap ulit ng mata ang isa at siniko ang kaibigan.

"Ah sir, pumunta raw tayo sa office ni Boss San Diego." sabi ni Theo.

"Sige, sunod agad ako." sagot ni Rovic at binuksan ang opisina niya.

"Hindi, hintayin ko po kayo, Sir." sumunod siya sa pagpasok ni Rovic sa opisina.

Nag-aayos si Rovic ng gamit pero kinamayan pa rin niya ito, "Agent Rovic Samaniego. Naaalala ko."

"Twenty-four na po pala ako, Sir. Masyado na akong matanda para sa G Department kaya dito na agad ako nagpalagay." pahayag nito kahit walang nagtatanong atsaka kinain ang mga tinapay. "Muntikan ko nang maipa-bankrupt isa naming kompanya kaya dito ako ibinagsak ng mga magulang ko. Baka raw mas para rito ako."

"Conclusively, you're better off risking your life instead of their money." biro ni Rovic dito. Kumamot lamang ng batok si Theo. "Tara na... Thethe."

Rovic enters San Diego's office chuckling. Habang sa likod naman niya ay nakasibangot na pumasok si Theo.

"Sit down, boys. This will only take 5 minutes. May pupuntahan pa kami." bungad ni Mr. San Diego sa dalawa. Pumunta silang tatlo sa couch. Kaharap ng magkatabing Rovic at Theo ang matanda.

"Apples, anyone?" alok ni San Diego na tinanggihan ni Rovic. Ibinigay niya rito ang profile na galing kay Madame Florante. Samantalang si Theo naman ay kumuha ng mansanas at naghandang makinig.

"Okay..." sabi ni San Diego na ini-scan lang ang profile. "Sabi ni Madame Florante, ipapasok daw kayo as temporary professors sa pinapasukan ng batang 'to na university, sa Garnet University."

"Uy, sakto! Doon daw nag-aaral si Baby Girl in the Rain, sabi ni Sir Jan! Gusto ko siya makita." siko ni Theo kay Rovic. Nanatiling diretso ang tingin ng siniko sa boss nila at nakinig nang maigi.

Tumikhim si San Diego sa ginawang pagsabat ni Theo saka tinuloy ang sinasabi, "Nagkaroon kasi ng pagbabago sa command. Hindi lang murder and threatening ang kasong 'to. May nakuha sila from Carlo's son out of this- the key card to the black house of M2 department."

"Ano, Sir, yung black house?" tanong ni Theo.

"A house where confidential files, and weaponry from a department are stored. Nandon din ang sarili nilang lab." sagot ni Rovic dahil alam niyang kapag nagmamadali si San Diego ay hindi ito sumasagot ng mga tanong.

"You have to squeeze infos from Venus if she knows anything to where the keycard is or who has it... O kung na sa kaniya ba. But first, you have to verify her identification- know her face, whereabouts, her trails towards the crime, everything necessary. Imprison her in our confinement building or kill her kung mahihirapan i-handle." nilabas ni San Diego ang key card niya ng black house. "Rovic, alam mo naman kung anong itsura nito at kung paano ma-confirm na totoo 'tong keycard. Carlo's son, Earl, was sneaking this from his father to get access on their weapons for his own cause."

Tumayo na si San Diego, "Since ikaw, Rovic, ang mainly assigned dito. This will all be held responsible to you. Theo can assist you. And Theo, learn from our six-star agent Rovic Samaniego. Wag ka raw magpabigat, sabi ni Madame Florante. Inasikaso na namin lahat sa university na pagtuturuan niyo, sa makalawa pwede na kayong pumasok. You have two days from now to work on becoming a pretend professor. Lesson plans and all."

Tumayo na rin si Rovic, gayundin si Theo.

"Masusunod, Sir!" ganadong saludo ni Theo.

Tumango si San Diego sa kanilang dalawa saka kinuhaang suit jacket pati susi sa desk nito, "Rovic, I know I don't have to repeat this, but I just want Theo to learn his first lesson... Kill her right away of needed. I believe that you'll do a clean job again, Agent Samaniego."

Yumuko si Rovic at malamig na tumugon, "I guarantee that this will be a fast and successful operation, Mr. San Diego."

Sa ika-apat na araw ng pagtuturo ni Rovic sa unibersidad, binungad ni Theo sa kaniya na wala ring sa social media si Venus Ibanez. Namomroblema na siya dahil hindi nasunod ang mission pace na tinarget niya. Sa ngayon ay dapat nahanap na niya ang dalaga at na-verify na ang mga impormasyon na sana ay nakalap na.

"Edi wag!" sigaw ng isang dalaga sa guard pagkababa niya sa sasakyan sa gate ng GU. Nalipad ang tingin niya rito habang isinusukbit ang black leather satchel sa balikat na hapit ng navy blue na long sleeved button-down shirt.

"Hindi na ko papasok dito habambuhay! Mga bwisit!" sigaw ng estudyante at tumalikod sa guard saka umalis.

Doon ay namukhaan ni Rovic ang babae. Napailing na lang siya.kaya tumungo ang lalaki sa guard. Imbes na mahagilap si Venus Ibanez, ang nakita niya lang ay ang iyong hindi niya hinahanap- ang babaeng tinulungan niya na pinaglihi ang bungo sa macadamia nut.

She's still immature and sometimes doesn't make sense. Kinunsidera na lang niya ang edad nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lie with Me (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon