CHAPTER 1

3 1 0
                                    

SOMEONE'S POV:

POLICE OFFICE

"Wag kang matakot na ituro kung sino man sa kanila ang may kinalaman sa gabing nangyari yun, raya." Panimula ng kaibigang pulis ni raya na si Chalix.

Nasa harapan nilang dalawa ngayun ni raya at chalix ang maaring mga suspect sa gabing may nangyaring hindi maganda kay raya.

Tamihik lang si raya habang isa-isa nyang tiningnan ang mukha ng mga nakaposas na mga kalalalikan sa kanyang harapan.

Walang imik din ang mga lalaki habang hinihintay ang mga sasabihin ni raya matapos sila tiningnan isa-isa.

"Raya?" Nag-alalang saad ni chalix nang biglang mapahawak sa ulo si raya matapos niya tingnan ang mga lalaki.

"Okay ka lang ba?" Mabilis na inalalayan ni chalix si raya para makaupo ito sa isang bakanteng upoan malapit sa kanila.

"Hi-hindi ko maalala. Wala akong matandaan." Saad ni raya habang hawak-hawak ang sintindo nito na wari mo'y dismayado ito.

Agad na man hinimas-himas ni chalix ang balikat nito.

"Ayos lang. Wag mo munang pilitin ang sarili mo maaalala mo din yan."

"At kapag naaalala muna ang lahat, mapaparusahan na ang dapat parusahan." Tumingin ito sa mga kalalakihang nasa harapan nila.

"Sabi ko na ngang wala kaming kinalaman sa mga sinasabi ninyo." Biglaang sabat ng isa sa mga lalaking nakablonde ang buhok.

"Oo nga sir. Nag-iinoman lang na man kami noong gabing yun." Saad na man ng isang patpatin.

"Oo nga sir." Puna na man isang may maraming tattoo sa braso.

"Totoo yun." Tango-tangong singit na man isang lalaking kulot ang buhok.

"Basta ako tulog na ako nun dahil sa sobrang tapang ng ininum namin." Patawa-tawang saad ng medyo may katabaang lalaki.

"Tumahimik kayong lima o diritso na kayo sa loob ng kulongan?" Walang paligoy-ligoy na sabi ni chalix dahil naiirita na sya sa sobrang ingay ng limang lalaki kaya awtimatikong napatikom ang mga ito sa kanilang mga bibig.

"Pakitanggal ng mga posas nila." Utos ni chalix sa kasama nyang pulis agad na man nitong sinusihan ang mga posas.

"Tandaan nyo tu. Hindi pa dito nagtatapos hanggat sa hindi pa bumabalik ang memorya ni raya." Pahabol na sabi ni chalix bago makalabas ang limang lalaki sa silid at sabay-sabay silang napalingon saglit kay chalix saka tuloyang lumabas.

COFFEE SHOP

"Maraming salamat talaga sa lahat ng tulong mo chalix." Binigyan ng ngiti ni raya si chalix mapatapos nito uminom ng kape.

Ngumiti na man sa kanya si chalix.

"Ano ka ba. Hindi na kayo iba sa akin ng asawa mo kahit isang buwan pa tayong magkakapitbahay." Hinalo nito ang kape gamit ang kutsara.

"Tsaka para asan ba ang pagiging pulis ko hindi ba." Tumawa ito ng mahina kaya napatawa na lang rin si raya.

"Ganyan nga dapat ngumiti ka. Hindi bagay sayo ang malungkot. Alam kong hindi madali at maganda ang pinagdadaanan mo pero wag kang mag-alala nandito ako para tulongan ka." Dagdag pa nito.

Binigyan na lamang sya ni raya ng mapait na ngiti dahil sa ngayon hindi niya alam na dapat pa ba siyang ngumiti.

"Ano hatid na kita." Alok ni chalix kay raya matapos sila makalabas sa coffee shop.

"Naku! Wag na. Malapit lang na man yung bahay mula rito. Tsaka oras pa ng trabaho mo kaya hindi mo na ako kailangang ihatid." Pagtatanggi ni raya sa alok ni chalix.

"Sigurado ka kasi ayos lang na man sa akin na ihatid muna kit-

"Hindi na chalix. Ayos lang talaga ako at dadaan pa kasi ako sa palengke." Putol nito kay chalix.

"O sige. Ayaw mo talaga eh." Napangiti ito.

"Una na ako." Paalam ito na tinanguhan na man ni raya.



AKO SI RAYAWhere stories live. Discover now