SOMEONE'S POV:
Nakalipas ang isang buwan...
TELEPHONE OUTLET
"Ta-talaga?" Utal na sagot ni chalix sa kabilang linya.
Tumawag sa kanya at magkausap sila ngayon ni raya. Binalita ni raya na may iilan na syang naaalala.
"Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang mga yun?" Nagpunas ng pawis si chalix sa kanyang noo at wari mo'y hindi sya mapakali.
Tumango-tango si raya kahit hindi na man ito makikita ng kausap nya.
"Mga munting ala-ala lang naman namin yun ni marco na kasama sa mga nakalimutan ko." Nahihiya nitong saad.
"Hay ano ka ba. Sige na sabihin mo na sa akin." Nilipat nito sa kabilang tyenga ang telepono.
"A-alam mo maging masaya akong marinig ang mga yun." Huminga ito ng malalim.
"Sige na nga mapilit ka eh." Napatawa ng bahagya si raya.
"Naalala ko kasi yung araw na tinanong ako ni marco kung ano ang gagawin ko kapag bigla syang nawala sa akin." Ngumiti ito habang nakatingin sa mga taong dumadaan malapit sa kanya.
Tamihik lang si chalix sa kabilang linya habang hinintay ang karugtong sa kwento nito.
"Tapos bigla akong napaisip ng malalim dahil sa tanong nyang yun, tapos sabi ko sa kanya tatanggapin ko na lang kung yun talaga ang nakatadahana para sa amin." Napatawa ito.
"Alam mo ba kung ano ang sabi nya?" Masayang pagpapahula nito sa kausap.
"A-ano?" Parang kabadong tanong ni chalix.
"Tatanggapin din daw nya kapag ako ang nawala sa kanya kaya lang....." Mas lalong lumawak ang ngiti ni raya.
"K-kaya lang?" Tanging tanong ng kausap sa kabilang linya.
"Hahanapin daw nya ang taong kumuha sa akin." Bigla itong tumahimik na parang hinihintay ang magiging reaction ng kausap.
Tatlong sigundo ang nakalipas ngunit hindi nagsalita ang kanyang kausap kaya nagsalita na lamang sya.
"Yun lang. Hanggang doon lang ang naaalala ko." Tumawa ito ng mahina na may kasamang lungkot.
"Nakakatawa nu sa lahat ng maaalala ko yun pa?"
Hindi pa rin umimik ang kanyang kausap sa kabilang linya.
"Chalix? Andyan ka pa ba?" Tawag nito pero hindi pa rin ito nagsalita kahit rinig na rinig nito ang boses sa kausap.
"Chalix?" Muli nitong tawag.
"Ah! Ha? Oo na man." Parang kababalik lang nito sa katinuan.
BASEMENT
Seryosong nakatingin si raya sa mga litratong nakadikit sa kanyang maliit na white board.
Iniisip nito kung saan sya maaring magsisimula at kung sino ang una nyang sisingilin.
Ilang segundo ay napapangiti na lamang sya ng malapad sa kanyang naisip.
Tumayo sya sa pagkakaupo at lumapit sa whiteboard.
Tiningnan ng maigi isa-isa ang mga mukha ng tao sa larawan habang dahan-dahang kinuha ng kanyang kanang kamay ang kulay pulang marker.
"M-A-R-C-O." Bigkas nito sa mga letrang isa-isa nyang sinusulat sa ibabang parte ng mga larawan.
Bawat isa sa mga larawan ay may mga letra.
Sa ibabang parte ng unang lawaran ay doon nakasulat ang letrang "M". Sa pangalawang larawan na man ang letrang "A". Sa pangatlong larawan ang letrang"R". Sa pang apat na larawan ang letrang "C" at sa panglimang larawan na man ay ang letrang "O".
"Wag kang magtampo hindi kita nakakalimutan." Usal nito habang nakatingin sa kulay asul na damit na nakahanger malapit sa whiteboard.
"Mabait ka na man sa akin kaya panghuli ka na." Ngumiti ito at nanlilisik ang matang nakatingin sa damit.
"Uunahin ko muna mga galamay mo."
Masayang nagpatuloy sa paggawa ng mga envelops si raya at pinalooban ito ng red cards.
May nakasulat na kulay pula ang letrang "A" na nakasulat sa bawat cards.
Inikotan din nya ang mga cards ng kulay pulang ribbon.
"Simula na ang paniningil!"
YOU ARE READING
AKO SI RAYA
Mystery / ThrillerPAGKATAPOS NG KASAL AY KAILANGAN LUMIPAT ANG ISANG ORDINARYONG MAG-ASAWA SA TINATAWAG NILANG BAGONG SYUDAD DAHIL SA KANILANG MGA TRABAHO NGUNIT MAY MANGYAYARING HINDI NILA INAASAHAN (LALO NA SI RAYA) SA KANILANG BAGONG PAMUMUHAY.