Someone's POV:
CRIME SCENE
"IKAW! Ikaw na babae ka!" Sigaw ni Rex nang makita niya si Raya sa mga nagkukumpopang mga tao.
Napaatras sa Raya nang humakbang si Rex papunta sa kanyang kinaroroonan na kahit mugto ang mata kay makikita pa rin nito ang galit.
"Ikaw ang may gawa nito!?"
Mabuti na lang at naabutan ni Chalix ang kamay ni Rex na handa na sanang isampal kay Raya.
"Tama na." Bulong ni Chalix kay Rex.
"Bakit ba!? Sya na man talaga ang maygawa nitong nangyari sa tropa namin ah!" Galit na pamimintang ni Rex kay Raya.
Napatingin si Chalix kay Raya na ngayon ay takot at mangiyak-ngiyak na nakatingin kay chalix.
"Bitawan mo nga ako! Papatayin ko ang babaing yan!" Pagpupumiglas ni Rex sa mga hawak ni Chalix kaya lumapit na rin ang iba pang mga kaibigan nito upang mapakalma ito.
"Tama na sabi! Pinapalala mo lang ang sitwasyon. Kita mo ba yang nangyari sa kaibigan mo!? Sa tingin mo magagawa yan sa isang tulad ni Raya!?" Napataas na ang boses ni Chalix dahilan para matahimik ang mga taong nagbubulong-bulongan sa paligid nila.
Dahan-dahang tiningnan ni Rex ang walang buhay na kaibigan nilang si Don na nakalambitin sa malaking puno at nakalabas pa ang dila nito.
Marami itong sugat sa katawan na mawari mo'y pinapahirapan muna bago nilambitin.
Hindi mapigilang mapahagulhol ang magkakaibigan lalo na si Rex.
----
Loob ng Presento
"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Chalix kay Raya matapos niya ito pinaupo.
Habang patuloy sa pag-imbestiga at pag-aasikaso sa patayng katawan ni Don ang mga kasamahang pulis ni chalix ay dinala nya muna si Raya sa loob ng presento dahil alam niyang hindi magandang makikita ni Raya ang mga ganoong mga pangyayari.
Hindi na man ganoon kalayo ang presento sa pinangyayarihan.
Tumango lang si Raya sa tanong ni Chalix habang nakayakap sa sarili.
"Umagang-umaga at kakarating mo lang galing sa baryo nyo't ito na ang madadatnan mo." Dagdag pa ni Chalix pero hindi umimik si Raya.
"Ayos ka lang ba talaga?" Panigurado ni Chalix kay Raya.
Tumango ulit si Raya habang nakayuko at palihim itong ngumiti ng manipis.
Nakita ni Chalix na naglalakad si Rex papasok sa presento kaya agad syang nag-paalam kay Raya at sinalubong nito si Rex.
"Ano bang plano mo ha!?" Diritsahang tanong ni Rex kay Chalix.
Humakbang ng kaunti si Chalix sa bandang hindi sila makita ni Raya.
"Sabi mo walang masasaktan- oo nga naman walang masasaktan kasi patay na yung kaibigan ko!" Mahina pero diin na pagkakasabi ni Rex.
Napapikit na lang si Chalix matapos nito magpalinga-linga sa paligid.
"Yun na man talaga ang plano eh-
"Yun ang sinabi mo." Paglilinaw ni Rex kay Chalix.
"Oo nga. Hindi ko na man alam na aabot sa ganito." Pabulong na sagot ni Chalix.
"So ano na!? Hahayan mo lang ba tu? Gawan mo ng paraan tu chalix." Napahilamos ito pa si Rex.
"Pwed ba, Rex pinasakit mo lalo ulo ko eh."
"Sana noong una pa lang hindi na kami pumayag sa gusto mo, edi sana hanggang ngayon buhay pa ang kaibigan namin!"
"Hinaan mo nga boses mo. Maririnig ka nila." Sita ni Chalix dahil napalakas na ang boses si Rex.
"Hindi! Nagtiwala kami sayo tapos ano mamamatay lang ba kami dahil sa pagtitiwala namin sayo!?" Malakas pa rin ang boses ni Rex na wari mo'y hindi na makontrol ang kanyang nararamdaman.
"Tama na! Bakit ba kayo nag-tatalo?"
Sabay at gulat na napalingon ang dalawang nagtatalo sa biglaang pagsulpot at pagsigaw ni Raya.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki sa isa't isa na wari'y nag-uusap sila sa mata.
YOU ARE READING
AKO SI RAYA
Mystery / ThrillerPAGKATAPOS NG KASAL AY KAILANGAN LUMIPAT ANG ISANG ORDINARYONG MAG-ASAWA SA TINATAWAG NILANG BAGONG SYUDAD DAHIL SA KANILANG MGA TRABAHO NGUNIT MAY MANGYAYARING HINDI NILA INAASAHAN (LALO NA SI RAYA) SA KANILANG BAGONG PAMUMUHAY.