CHAPTER 4

2 0 0
                                    

SOMEONE'S POV:

Gabi, 7:30 pm

HIDE OUT

"Bakit ba ang tagal ni Don kulot na yun!?" Inis na reklamo ng lalaking may tattoo sa braso na si Elyas.

Magkaharap ang apat na magtropa na nakaupo sa silyang gawa sa plastik habang nag-iinuman.

Palinga-linga pa si elyas sa binata na wari hinahanap ang kanilang kaibigan at ginaya na man sya ng mga kasamahan nya.

Kanina pa kasi sila naghihintay na makabalik ang tropa nilang si Don matapos na pag-utusan nilang bumili ng maiinom nila.

"Easy ka lang pare, darating din yun." Sagot ng tropa nitong si rex na blonde ang buhok.

"Baka hinahanap pa nun kung sinong may-ari ng invitation card na yun." Biro na man ng may katabaang lalaki na si Ben.

Bawat isa kasi sa kanila ay nakatanggap ng red card na may letrang "A" na nakadikit dito at wala silang ideya kung saan at kanino iyon galing.

Inabot iyon sa kanila ng isang bata noong papunta sila sa hide out.

"Invitation card ba tawag nito? Eh parang katulad yun sa mga napanood kong palabas." Sabat na man ng tropa nilang patpatin na si Peter.

Inabotan na man ni Ben ng basong may laman ng alak si peter.

"Ibig mong sabihin death threat yun?" Napachuckled si ben.

"Malay natin." Agad na man tinungga ni peter ang alak.

Napatsk na man ang dalawa nilang kasamang umiinom.

"Tumahimik nga kayong dalawa. Pag-uuntogin ko kaya kayo." Inis na saway ni Elyas.

"Alam nyo walang mangangahas na gagawa sa atin ng ganoon." Kampanteng sabi ni rex matapos nya tinungga ang basong may alak na inabot sa kanya ni Ben.

Tinapik ni Elyas ang balikat ng katabi nyang si Rex.

"Sang-ayon ako sa sinabi ni Rex. Walang mangangahas na kalabanin tayo." Gumawa pa ito ng ekis sa ere gamit ang dalawang kamay.

"Wala!" Dagdag pa nito.

Tumango-tango na lamang ang dalawa na sina peter at ben sa sinabi nila elyas at rex.

Batid din na man nila na wala talagang mangangahas na kalabanin sila dahil kilala silang walang kinatatakutan sa lugar nila at wala ring nakakaalam sa mga ginagawa nila.

Nagpatuloy sila sa pag-inom hanggang sa maubos na nila ang natitirang alak.

Ilang saglit pa ay napagdesisyonan ng apat na lumabas sa hide out nila para hanapin si Don.

Sinubukan na nila itong tawagan sa cellphone pero out of coverage area ito.

Nagsimula ng kabahan ulit si Peter.

"Hindi talaga maganda ang kutob ko." Napayakap sya sa kanyang sarili dahilan para batukan sya ni elyas.

"Manahimik ka nga!" Saway ni elyas.

"Simula talaga nung matanggap ko ang red card na yun, hindi na maganda ang pakiramdam ko." Dagdag pa rin nito kahit binatukan na sya ni elyas.

"Tahimik na nga sabi!" Bulalas ni Elyas kaya hindi na umimik si peter.

Nagpatuloy lang sa paglalakad ang apat sa madilim na daan hanggang sa umabot na sila sa nag-iisang tindahan doon na palagi nilang binibilhan ng inumin.

"Tanda bumili ba rito yung kasama namin? Kilala mo diba yung kulot?" Diritsahang tanong ni rex sa may-ari ng tindahan.

Dali-dali na mang umiling ang matandang babae sa kanila.

"Sigurado ka? Kasi kanina pa yun hindi pa bumabalik." Puna na ni Ben.

Muling umiling ang matandang babae.

Walang nagawa ang apat kundi ang bumalik sa hide out nila at doon na lang hintayin ang tropa nila dala ang binili nilang inumin.

Iniisip nilang baka umuwi lang iyon sa bahay nito.

Nagsimula agad silang mag-inoman ulit. Nawala na sa isipan nila ang kanilang tropang kanina pa nila hinintay hanggang sa makatulog na silang apat dahil sa kalasingan.

AKO SI RAYAWhere stories live. Discover now