3

360 107 295
                                    

Vance


"Pasado ka?"

Nagtaas ako ng tingin kay Cea nang magtanong ito. Umiling ako sa tanong niya at muling nagbaba ng tingin sa kinakain kong kwek-kwek.

Katatapos lang ng klase at quiz ko sa ELSC kaya nandito kami sa canteen, kumakain at hinihintay na makababa si Jayda para sabay-sabay na kaming umuwi.

"Same," aniya, tumatawa. Umangat ang tingin ko sa kanya tsaka kami humalakhak na dalawa.

"Kaka-quiz lang din namin kaninang umaga. Pucha, ang hirap! Nag-review naman ako. Paulit-ulit pa nga, e. Kaso, ewan ko ba? Basta ang hirap!"

Mahina akong tumawa. "Same. Nag-review rin ako, kaso..." Nagkibit ako ng balikat. "Wala, e... Bagsak pa rin," ani ko at sabay kaming natawa.

Natahimik kami. Yumuko siya saglit at may dinukot sa bulsa niya. Tumingin naman ako sa gawi ng pinto para pagmasdan 'yong mga pumapasok at lumalabas na mga seniors.

"Oh." Napabalik ang tingin ko kay Cea nang magsalita ito at pinadausdos papunta sa gawi ko 'yong phone niya.

Kumunot ang noo ko. "Anong gagawin ko ja'n?"

Ngumisi siya. Nakita kong umukit sa kanyang mga mata ang panunukso. "Kunyari ka pa. Tingnan mo na," aniya.

Inikot ko ang aking mga mata bago unti-unting binaba ang paningin ko sa screen ng phone niya habang sumusubo ng kwek-kwek.

No'ng una ay hindi ko nakuha kung kaninong account sa Facebook iyong pinapakita niya, nickname lang kasi ang nakalagay. Ngunit nang tumawa siya at muling magtama ang aming mga mata ay alam ko na.

"Gaga!" sabi ko sa mababang tono ngunit nakangiti, tinawanan niya ako. Halos mapatingin sa amin 'yong mga katabi namin sa pagtawa niya nang pabiro ko siyang irapan at taasan ng gilid ng labi.

"'Sus! Kunyari ka pa. Alam ko namang gustong-gusto mo. Kilala kita, Aiya. Sine-search mo siya 'no? V. A. N. C. E ang pangalan niya hindi 'Vans' na sapatos." Bahagya siyang tumawa.

Bahagyang humaba ang aking nguso. Pinatong ko 'yong dalawa kong braso sa ibabaw ng lamesa saka nagsalita. "E, malay ko ba! Tsaka... Pa'no 'pag sinabi kong oo?" Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi.

Humalakhak siya. "Ay, 'di tinanggi, girl! Hay nako! Grade 12 pa nga. Kuya ang nais!" aniya.

Bahagya akong umangat sa aking kinauupuan at inambangan siya ng tuktok sa ulo, saka muling umirap. "Ingay mo!"

Walang katapusan ang tawa niya hanggang sa dumating si Jayda. Tumingin si Jayda sa akin at tinuro si Cea na nakahawak na sa tiyan niya.

"Kailangan na ng mental nito," aniya saka hinila 'yong upuan sa gitna namin ni Cea at naupo roon.

Tinapat ko 'yong hintuturo ko sa aking tainga at inikot-ikot 'yon bago itinuro kay Cea, saka kami mahinang tumawa.

"Jayda," tawag ni Cea rito. Lumingon si Jayda sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"O, bakit? Tapos ka na tumawa? Handa ka na bang ma-selda? 'Wag kang mag-alala, dadalawin ka namin doon."

She raised her middle finger to her and rolled her eyes that made Jayda simper.

"Anong sasabihin mo?" tanong ni Jayda. Sumulyap si Cea sa 'kin kaya napasulyap din si Jayda sa gawi ko. Bahagya ko siyang pinanlakihan ng mata, gano'n din ang ginawa niya pabalik.

"Hay, nako! Nagpalakihan pa nga ng mata. Ano nga 'yon, Cea? Spill the tea!"

Napairap na lang ako sa hangin at sumandal sa likod ng inuupuan ko saka humalukipkip, nakatingin sa may pinto.

Started in Advincula (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon