TW: Sexual assault and Self-harm
Pagod at Sakit
Tila tinakasan ako ng dugo sa katawan nang magsalita ang kung sinong babae mula sa kusina. Hindi ako makagalaw. Ni kahit paghinga ng tama ay nakalimutan ko dahil sa halu-halong espekulasyon sa aking isipan.
Alam ko sa sarili kong narinig ko na ang boses na 'yon noon, ngunit pilit kong tinatanggi sa aking isipan na siya nga iyon.
Hindi ko na nagawang pakinggan si Vance sa kanyang mga binubulong sa akin pagkaupo namin sa hapag. Napuno ng haka-haka ang aking isipan na habang tumatagal ay natutuldukan.
"The food is ready! Omg! Vance, you're here!"
Niyakap ni Klara si Vance pagkalapag niya sa pagkaing dala. Gulat at pagkalito ang gumuhit sa mga mata ni Vance. Ngunit kasalungat noon ang nakita ko sa kanyang ina. Ngumiti ito habang pinagmamasdan si Klara'ng tuwang-tuwa'ng makita si Vance.
Sa sandaling iyon ay tila nakalimutan kong huminga. Naubusan ako ng hangin na ibubuga at tila namanhid ang buo kong katawan sa nakikita.
Naguguluhan ako kung bakit nandito si Klara at bakit parang matagal na niyang kilala si Vance, gayong kailan lang naman sila nagkakilala?
Mahinang tinulak ni Vance si Klara upang makaalis siya sa pagkakayakap nito. Nalukot ang mukha ni Klara.
Hinawakan ni Vance ang kamay ko at mas lalong lumapit sa akin. Half of me regrets coming here and wants to walk out. But then, I promised Vance that no matter what happened, I'll stay by his side.
Lumingon si Klara sa gawi ko. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ako sa tabi ni Vance.
Nagbaba siya ng tingin saka umupo sa upuang katapat ng aking kasama, katabi ng punong upuan.
"I'm happy to see you all here. Especially you, anak." Hinawakan niya ang kamay ni Vance na nakapataong sa lamesa. Ngunit agarang binawi ito ni Vance at kumuha ng kanin.
"Is this enough? Tell me if you want something," ani Vance sa akin habang binibigyan ako ng kanin, at sumunod ay ang ulam; iniignora ang kanyang Mommy.
"Vance, ang Mommy mo," bulong ko sa kanya nang hindi iyon pinapahalata sa dalawang kasama.
"You want juice? Water?" Pati ang sinabi ko ay hindi niya pinansin.
Tumikhim ang Mommy niya kaya napatingin ako roon. Si Vance naman sa aking tabi ay umayos na ng upo matapos akong bigyan ng inumin.
Nakaiwas na ng tingin ang kanyang ina. Samantalang si Klara naman ay seryosong pinagmamasdan kaming dalawa ni Vance.
"How are you, Vance? How's your study?" Muling tumingin ang ina nito sa kanya.
"'K lang."
"Good. By the way, nice meeting you, Hija. I'm Vanessa, Vance's mother." Tipid na ngiti ang binigay nito sa akin.
"Nice meeting you po. I'm Aiya Valenciez po." Ngumiti ako. Bahagya akong tumayo upang maglahad ng kamay sa kanya ngunit tiningnan niya lang ito at hindi nag-abalang makipagkamay sa akin.
Napapahiya ko itong binaba at umupo. I felt Vance closed his fist emphatically and saw him clenched his jaw. I rubbed his hand to calm him.
"How long have you been together?"
Sasagutin ko sana iyon ngunit nagsalita si Klara.
"Bago palang sila, Tita. Wala pa nga 'atang isang taon."
"Are you us? You are not being asked, so stop interfering," masungit at walang paligoy-ligoy na ani Vance kay Klara. Nabigla ako roon.
"Vance!" saway ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Started in Advincula (SHS Series #1)
RomanceSHS Series #1 In his world full of pressures and expectations. Vance, a STEM student, tried so hard to remain a scholar and always on top. He did everything not to misfire, but seems all of it were not enough. Not until Aiya, a frolicsome and volubl...