Crush
"'Yong isa ja'n, excited. Makikita kasi niya crush niya mamaya."
I smiled secretly at Cea while busy fixing my things.
Nasa classroom namin si Cea. Uwian na at wala ng tao sa loob kaya naman nakadayo ang babaita sa room namin. Kumakain siya ng lollipop habang nakaupo ng pabaliktad sa wooden chair sa harap ko.
I gathered my things scattered over my wooden table and put them gradually inside my bag. I then sat on my chair when I finished fixing my things and took my mini kit outside the pocket of my bag to groom myself.
"Ay, nag-aayos! Sa'n gala natin, girl?"
Natigil ako sa pagtatali ng gulo-gulo kong buhok dahil sa P.E namin at napalingon sa likuran ko nang may magsalita roon bigla. Lumapit sa amin si Jayda at umupo sa katabi kong upuan.
Matunog na tinanggal ni Cea 'yong lollipop sa bibig niya't nagsalita.
"May date siya, 'day! 'Na all, 'no?" patuya ni Cea, nakatingin kay Jayda.
Jusko! Makapagsabi ng "sana all" 'kala mo naman walang nag-aaya sa kanya. E, samantalang 'pag inaaya siya, tumatanggi naman! Pero kung sa bagay, hindi naman kasi niya type at kilala 'yong mga nag-aaya kaya kahit siguro ako, tatanggihan ko.
"No'ng nakaraan inaya ka ni─"
"Boba, siyempre may research ako no'n! Tsaka, 'di ako ready, girl, 'no," Cea cut Jayda off. Natawa kaming pareho ni Jayda sa kanya.
"May kalandian ka rin pala sa katawan, Cea?" I said while looking at my mini mirror placed over the table, tying my hair into a top knot. I even pulled a small strand near my ear to make it somehow messy. I put lip tint on my lips and a little lip gloss to make it a little glossy, and applied baby powder on my face after.
"Hindi siya naghahanda, sis. Hindi talaga." Humalakhak si Cea sa harap ko habang sinisilid ko ang mini kit sa loob ng bag. Sinimangutan ko siya at inirapan pagkaharap ko sa kanya.
"Duwag ka kasi sa crush mo," pangba-bash ko sa kanya. Bumunghalit ng tawa si Jayda sa tabi ko. Inikutan naman ako ng mata ni Cea.
May ilaw na sa hallway dahil madilim na, nang makalabas kami ng silid. 5:30 pm na kasi. Naisip ko, hindi nga niya sinabi kung saan kami magkikita. Basta ang sabi niya lang sa akin kanina nang magkasalubong kaming dalawa sa gate, "hihintayin kita" pero walang lugar kung saan banda.
Gustuhin ko man siyang i-message, wala naman na akong data. Mas lalong wala rin naman akong phone number niya.
"Hey, girls!" Kumaway si Jabez sa amin at ngumiti nang makasalubong namin ito.
Bumeso siya kay Jayda at ginulo naman ang buhok ni Cea, bago bumaling sa akin.
"Nasa gym si Vance, naghihintay sa 'yo." He smiled but not that widely like what he gave the two.
Tumango ako sa kanya at ngumiti rin. Nagpasalamat ako sa kanya at kumaway na sa mga kaibigan ko't nagtungo na sa gym.
Tama nga si Jabez, pagpasok ko palang ay natanaw ko na si Vance. Nakaupo siya sa may bench. He's wearing a mustard polo shirt, partnered with cream slacks and black leather belt buckled on it. He's also wearing an I.D just like me and his silver-black specs.
Nakasabit ang parehong straps ng backpack niya sa kanyang mga balikat. Nakakuba ang kanyang likod at magkakrus ang kanyang mga kamay na nakapatong sa kanyang mga tuhod na magkadikit.
"Vance!" tawag ko sa pansin niya habang tatalon-talong naglalakad papunta sa kanya.
Lumingon siya sa gawi ko. Agad siyang tumayo nang makita ako at sinalubong ako ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Started in Advincula (SHS Series #1)
RomansaSHS Series #1 In his world full of pressures and expectations. Vance, a STEM student, tried so hard to remain a scholar and always on top. He did everything not to misfire, but seems all of it were not enough. Not until Aiya, a frolicsome and volubl...