PART 1

19 0 0
                                    

PROLOGUE
Ngayong hapunan ay may bisita si Carlos. Pinsan ng namayapa niyang asawa. Si Myra ay kagagaling lang ng America. Narito siya sa Pilipinas upang magbakasyon. Minsan din ay nagkaroon ng pagtinginan ang dalawa bago pa man sila ikasal ni Marian. Ngayong biyuda na ito sa Amerikanong napangasawa ay malaya na itong makapaghanap ng ibang mamahalin. At naisip nga nitong bisitahin muli si Carlos. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang guwapong kasintahan noong kabataan pa nila. Kaya tumawag ito kay Carlos at ibinalita ang pagdating niya galing sa America at planong pagbisita sa bahay.
Nagpahanda ng pagkain si Carlos para sa hapunan.

Samantala si Marian ay hindi pa nakakauwi ng bahay galing La Paz sa kanyang trabaho. Hinihintay na ito ni Carlos. Tinawagan ito ni Carlos.
Carlos: Asan kana ba? Ang tagal mo.
Marian: May inaasikaso pa ako dito. Matatapos na.
Carlos: Ano bang pinagkakaabalahan mo? Di ba't sinabi ko na may bisita tayo at dapat andito kana maaga pa.

Marian. Hmp. Ex-girlfriend mo naman ang bisita mo. Akala ko wala kang sabit kaya kita pinakasalan. Yun pala may nakapila pang iba.
Marian: Oo na. Darating na. (Buwesit)

Umuwi muna si Marian sa bahay ng ina bago bumalik sa McArthur. Nag-ayos siya at nagsuot ng magarang damit na istilo Koreana. Isang blue stripes off-shoulder, medyo tabingi daw ang dibdib pero ganyan talaga ang istilo nito, may maliit na sinturon at hanggang taas ng tuhod ang haba. Nagsuot ito ng kulay kremang mataas ang takong na sandal. Pinalitan niya ang laging bitbit na LV never-full ng Lady Dior na krema ang kulay katerno ng sandal.
Nag-drive na ito pabalik sa bahay ng asawa. Madilim na rin itong nakarating. Sinadya niya talagang magpagabi. Ayaw nitong makaharap ang dating nobya ng asawa. Nagseselos siya.
Nang pumasok siya ng bahay ay sinalubong siya agad ni Carlos.
Carlos: Bakit ngayon ka lang? Madilim na ah?
Marian: Natagalan kasi ang meeting.

Napansin ni Carlos ang kakaibang suot ng asawa mula kaninang umaga ng umalis ito ng bahay. Sa tingin niya ay nang-aakit ang kasuotan nito. Kapansin pansin ang ganda at sinumang babae ay maiinggit at gugustuhing makapag suot din ng ganitong klaseng kasuotan.
Sumalubong din si Charmaine (apo ni Carlos) kay Marian at iniabot ang Lady Dior nitong bag.
Charmaine: Momshe (tawag niya sa lola) ang ganda ng bag mo. What's this? (Binasa) Christian Dior! Hindi Louis Vuitton.

Mini memorize ni Charmaine ang mga luxury designer brands na mga gamit ni Marian. Manghang mangha ito sa lola niyang napaka fasionista.
Marian: Dalhin mo ito sa kuwarto at iwan mo lang ang cellphone ko dito.

Kinuha ni Charmaine ang Iphone ni Marian, inilapag sa tokador at dinala na ang mamahaling bag sa kuwarto ng mag-asawa.

Napansin ni Myra ang magandang ayos ng babaeng dumating. Moderno ang istilo ang dating nito.
Nag-umpisa nang kumain ang pamilya at ang bisita. Umupo na rin si Marian sa harapan ni Myra na noon ay nasa kaliwa at katabi ni Carlos.
Ipinakilala ni Carlos si Marian kay Myra.
Marian: Hi. 'Asan si Tatay? Bakit wala dito?
Dominique: Masakit daw ang ulo.
Marian: Uminom na ba siya ng gamot?
Dominique: Ayaw niya.
Carlos: Sobra kasing trabaho. Maaga pa sa aplaya tapos pupunta na naman sa Palale sa pag-asikaso ng coprahan. Sinabihan nang isa-isa lang ang lakad.
Marian: Tita Claudia, dalhan mo nga ng pagkain sa kuwarto. At maglagay ka din ng Ibuprofen isang tableta. Mamaya itsek ko ang blood pressure niya.

Dinalhan ni Aling Claudia ng pagkain si Mang Domingo sa kuwarto.
Laging nakahanda ang BP apparatus sa tabi ni Mang Domingo. Itsene tsek ito araw-araw.
Claudia: Eto, pinadalhan ka ng pagkain ni Yanyan. Ipinaiinom din niya ito sayo.
Domingo: Andiyan na pala siya. Kumakain na ba?
Claudia: Oo. Andun sa harap ng bisita ni Carlos.

Kumain naman agad ang matanda. Ininom din gamot.
Nagpanggap ang matanda na masakit ang ulo para hindi niya makaharap ang bisita ni Carlos. Labag sa kanyang kalooban na magdala o magpapasok ng ibang babae sa kanyang bahay maliban kay Marian na manugang na niya ngayon. Baka kung makaharap niya si Myra ay hindi siya makapag pigil at makapagsalita siya ng masama dito.

Wild HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon